06/03/2026
Idinaos ngayong March 6, 2026 ang Culmination Activity ng Basic Meat Inspection Course (BMIC) Batch 30 sa 4th Floor Training Room 1, Quezon City Health Building, bilang pagtatapos ng 17 trainees na matagumpay na nakumpleto ang training program.
Ang aktibidad ay dinaluhan ni Dr. Esmeralda Encarnado, Assistant City Veterinarian; Dr. Melba Q. Albay, Chief, Food Hygiene and Regulatory Division; at mga kawani ng National Meat Inspection Service sa pangunguna ni Dr. Fernando Lontoc, Regional Technical Director โ National Capital Region.
Bahagi ng programa ang pormal na paggawad ng mga sertipiko at pag-welcome sa mga bagong BMIC-trained personnel, bilang pagkilala sa kanilang matagumpay na pagtatapos ng pagsasanay.
Ang Basic Meat Inspection Course (BMIC) ay isang mahalagang pagsasanay na naglalayong palakasin ang kaalaman at kakayahan ng mga meat inspectors sa tamang meat inspection procedures, food safety standards, at hygienic handling of meat. Sa pamamagitan ng programang ito, higit pang napapalakas ang kakayahan ng mga kawani na tiyakin na ang karne na umaabot sa publiko ay ligtas, malinis, at de-kalidad.
Ang inisyatibong ito ay patunay ng patuloy na pakikipagtulungan ng City Veterinary Department at NMIS sa pagtataguyod ng food safety at proteksyon sa kalusugan ng mamamayan.
๐ Congratulations, BMIC Batch 30!