Barangay and Community Relations Department - BCRD

Barangay and Community Relations Department - BCRD BCRD is providing basic services and assistance to the 142 Barangay Governments and CSOs

Isang masigla at masayang Linggo, QCitizens!Ngayong Car-free, Carefree Tomas Morato, iba-ibang aktibidad ang inihanda ng...
24/05/2026

Isang masigla at masayang Linggo, QCitizens!

Ngayong Car-free, Carefree Tomas Morato, iba-ibang aktibidad ang inihanda ng Barangay and Community Relations Department para sa mga residenteng nais mag-ehersisyo at magpapawis.

Mayroong zumba, free bike lessons, palarong pinoy, at chalk art area. May iba-ibang booth din para sa Trivia Battle, mga CSO, at Fresh Market.

Tuwing Linggo, isinasara ang bahagi ng Tomas Morato mula Scout Rallos hanggang Don A. Roces mula 6AM hanggang 10AM mahikayat ang mga QCitizen na maging aktibo at mag-ehersisyo.

21/05/2026
QCitizens, magkita-kita tayo sa Linggo at sabay-sabay tayong mag-zumba, mag-jogging, magbisikleta, mag-skating, at mag-e...
21/05/2026

QCitizens, magkita-kita tayo sa Linggo at sabay-sabay tayong mag-zumba, mag-jogging, magbisikleta, mag-skating, at mag-ehersisyo sa Tomas Morato.

Makakasama natin ang Barangay and Community Relations Department (BCRD) para sa masayang Palarong Pinoy, pickleball, at may fresh market pa!

Mayroon pang trivia battle booth, worry-free wall, CSO booth, at street chalk art.

Magbibigay naman ng libreng bike lessons ang Department of Public Order & Safety - Green Transport Division para sa FIRST 200 REGISTRANTS.

Bisitahin rin ang booth ng QC Running Club.

Kita-kits, QCitizens!

Basahin ang ordinansa sa link na ito:https://quezoncity.gov.ph/wp-content/uploads/2025/01/SP-3345-S-2024.pdf

Nakiisa ang mga opisyal at kawani ng mga barangay ng Lungsod Quezon sa idinaos na Capacity Traning on Human Rights Actio...
21/05/2026

Nakiisa ang mga opisyal at kawani ng mga barangay ng Lungsod Quezon sa idinaos na Capacity Traning on Human Rights Action Center na pinangunahan ng Commission on Human Rights (CHR) sa M.I.C.E Center.

Layunin ng training na mapalalim ang kaalaman ng mga dumalo sa usapin ng karapatang pantao at palakasin ang mga Human Rights Action Centers sa bawat barangay sa QC.

Dumalo bilang kinatawan ni Mayor Joy Belmonte si City Attorney Carlo Austria, kasama sina Barangay and Community Relations Department head Ricky Corpuz, at CHR-NCR Regional Director Khristian Episcope.

Bilang paggunita sa Mahal na Araw, at alinsunod sa Proclamation No. 1006 na ipinalabas ng Pangulo na nagtatakda sa Abril...
01/04/2026

Bilang paggunita sa Mahal na Araw, at alinsunod sa Proclamation No. 1006 na ipinalabas ng Pangulo na nagtatakda sa Abril 2, 2026 (Huwebes Santo) at Abril 3, 2026 (Biyernes Santo) bilang mga regular holidays, ipinababatid na ang tanggapan ng Barangay and Community Relations Department ay pansamantalang sarado mula:

Abril 2, 2026 - Maundy Thursday
Abril 3, 2026 - Good Friday

Magbabalik ang regular na operasyon ng tanggapan sa Abril 6, 2026 (Lunes).

Hinihikayat ang lahat na gamitin ang panahong ito para sa pagninilay at taimtim na paggunita.

Address

2nd Floor, Community Center Building, Quezon City Hall Compound
Quezon City
1100

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63289884242

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay and Community Relations Department - BCRD posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay and Community Relations Department - BCRD:

Share