Ang Kamalayan

Ang Kamalayan Buhay. Mulat. Malay

๐—ฃ๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—œ๐—— | Inaanyayahan ang lahat ng interesadong mag-aaral ng Baitang 7 para sa ikatlong batch ng Campus Journalism Prog...
30/05/2026

๐—ฃ๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—œ๐—— | Inaanyayahan ang lahat ng interesadong mag-aaral ng Baitang 7 para sa ikatlong batch ng Campus Journalism Program Qualifying Examination (CJPQE) ngayong Hunyo 2 mula alas-8:00 hanggang alas-11:00 ng umaga.

Dalhin lamang ang mga kinakailangang gamit na nakadetalye sa mismong anunsyo.



๐“๐ก๐ข๐ง๐ค ๐ฒ๐จ๐ฎ ๐ฌ๐ญ๐ข๐ฅ๐ฅ ๐ก๐š๐ฏ๐ž ๐ฐ๐ก๐š๐ญ ๐ข๐ญ ๐ญ๐š๐ค๐ž๐ฌ ๐ญ๐จ ๐›๐ž ๐š ๐ฌ๐ญ๐ฎ๐๐ž๐ง๐ญ-๐ฃ๐จ๐ฎ๐ซ๐ง๐š๐ฅ๐ข๐ฌ๐ญ?

๐‡๐š๐›๐จ๐ฅ ๐ง๐š ๐š๐ญ ๐ข๐ฉ๐š๐ค๐ข๐ญ๐š ๐š๐ง๐  ๐ข๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐ ๐š๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐š๐ญ ๐ก๐ฎ๐ฌ๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ญ๐œ๐ก ๐Ÿ‘ ๐‚๐š๐ฆ๐ฉ๐ฎ๐ฌ ๐‰๐จ๐ฎ๐ซ๐ง๐š๐ฅ๐ข๐ฌ๐ฆ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ ๐๐ฎ๐š๐ฅ๐ข๐Ÿ๐ฒ๐ข๐ง๐  ๐„๐ฑ๐š๐ฆ!

The said examination will be held on ๐—๐˜‚๐—ป๐—ฒ ๐Ÿฎ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ (๐—ง๐˜‚๐—ฒ๐˜€๐—ฑ๐—ฎ๐˜†), from ๐Ÿด:๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐—ฎ๐—บ-๐Ÿญ๐Ÿญ:๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐—ฎ๐—บ at the schoolโ€™s designated testing rooms (2nd floor).

Applicants are advised to come prepared and bring the required materials indicated in the announcement.

Prepare well and do your best. Your voice matters.



๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Inilabas na ang listahan ng mga nakapasang aplikanteng mag-aaral ng Baitang 7 sa isinagawang Campus Journalism...
30/05/2026

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Inilabas na ang listahan ng mga nakapasang aplikanteng mag-aaral ng Baitang 7 sa isinagawang Campus Journalism Program Qualifying Examination (CJPQE) Batch 2 nito lamang Mayo 25.



๐—Ÿ๐—ข๐—ข๐—ž | Congratulations to the successful passers of the Batch 2 Campus Journalism Program Qualifying Examination for incoming Grade 7 conducted last May 25, 2026 (Monday)!

Your passion, dedication, and potential in the field of journalism have earned you this achievement. May this be the beginning of your journey in delivering truth, creativity, and excellence through campus media.

Welcome to the program, future journalists! ๐Ÿ“š๐ŸŽ™๏ธ๐Ÿ“ฐ



29/05/2026

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Inilabas na ng pamunuan ng Paaralang Sekondarya ng Melchora Aquino (PSMA) ang promotional video kaugnay sa Brigada Eskwela 2026 na may temang, โ€œBayanihan sa Paaralan, Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalamanโ€ ngayong Hunyo 1-5.



๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก | Kasalukuyang sumasalang sa Campus Journalism Program Qualifying Examination (CJPQE) ang mga incoming Grade 7 na...
25/05/2026

๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก | Kasalukuyang sumasalang sa Campus Journalism Program Qualifying Examination (CJPQE) ang mga incoming Grade 7 na MelQuinian ngayong umaga sa Paaralang Sekondarya ng Melchora Aquino (PSMA).

Ito na ang ikalawang batch ng pagsusulit na layuning masala ang kanilang kahandaan sa programa ng pamahayagang pangkampus ng paaralan.



๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Pormal nang nagwakas ang kauna-unahang Journalism Camp ngayong araw, Mayo 22 hudyat din ng pagtatapos ng mga l...
22/05/2026

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Pormal nang nagwakas ang kauna-unahang Journalism Camp ngayong araw, Mayo 22 hudyat din ng pagtatapos ng mga lumahok na batang AngKam at batang Lumi mula sa serye ng masinsinang pagsasanay hatid ng mga naimbitahang mentors.

Maliban sa paggawad ng sertipiko, matapang ding hinamon ng mga tagapayo ng dalawang publikasyon na sina G. Sherwin C. Teves at Bb. Glydelene Magbual ang mga kalahok na mas maging aktibo, maging batang mamamahayag na 'community & service oriented' at gamitin ang pribilehiyo hindi para sa sariling interes kundi sa kabutihan ng lahat.

Kaugnay pa nito, tinanggap naman ito nang buong puso nina Antoine Clydine Licong at Stephanie Espina bilang kinatawan ng Filipino at English Journalism.

Inaasahan namang paghahandaan ang ikatlong School-Based Press Conference (SBPC) na susukat pang lalo sa kakayahan ng mga MelQuinian ngayong Hunyo.

Kuhang Larawan ni Princess Jewel Perez




๐—ฃ๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—œ๐—— | Magaganap na bukas, Mayo 22 ang pangwakas na palatuntunan ng kauna-unahang Journalism Camp: Batang AngKamp at ...
21/05/2026

๐—ฃ๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—œ๐—— | Magaganap na bukas, Mayo 22 ang pangwakas na palatuntunan ng kauna-unahang Journalism Camp: Batang AngKamp at LumiWRITE sa ganap na ika-9:00 ng umaga sa Room 201 ng paaralan.

Kitakits mga campers at maagang pagbati sa inyong makasaysayang pagkompleto at pagtatapos sa makabuluhang pagsasanay na ito.




๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Aktibong nakibahagi ang mga MelQuinian sa ikalawang araw ng 1st Journalism Camp: Batang AngKamp at LumiWRITE n...
19/05/2026

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Aktibong nakibahagi ang mga MelQuinian sa ikalawang araw ng 1st Journalism Camp: Batang AngKamp at LumiWRITE ngayong Mayo 19.

Mas naging intensibo ang takbo ng inihandang pagsasanay ng bawat mentors upang mas malinang ang kakayahan sa pagsulat, pagguhit at pag-uulat ng mga batang mamamahayag.

Lubos na pasasalamat sa sakripisyo at kasipagan ng mga naimbitahang mentors sa paghahatid ng dekalidad na aktibidad sa ating mga lumahok na campers.

Tatanggap ng sertipiko ang mga kalahok na nakakompleto ng nasabing gawain sa Mayo 22, Biyernes na siyang pangwakas na palatuntunan.

Maraming salamat din po sa libreng lugaw na hatid ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Tandang Sora sa pangunguna ni SK Chairperson Julles Apo.




๐—จ๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช, ๐—จ๐— ๐—”๐—”๐—ฃ๐—”๐—ช | Napuno muli ng ingay ang Multipurpose Court ng Paaralang Sekondarya ng Melchora Aquino (PSMA) mata...
18/05/2026

๐—จ๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช, ๐—จ๐— ๐—”๐—”๐—ฃ๐—”๐—ช | Napuno muli ng ingay ang Multipurpose Court ng Paaralang Sekondarya ng Melchora Aquino (PSMA) matapos ang pagbubukas ng 1st Journalism Camp: Batang AngKamp at LumiWRITE ngayong araw, Mayo 18.

Sa ilalim ng temang "Write Beyond Limits: Enriching Skills, Empowering Voices" ay ipinasya ng humigit-kumulang 100 MelQuinian na gawing makabuluhan ang kanilang bakasyon sa paglahok sa nasabing pagtitipon ng mga batang mamamahayag upang mas paunlarin at hasain ang kakayahan sa iba't ibang kategorya ng pamahayagang pangkampus.

Magpapatuloy ang libreng pagsasanay bukas kasama pa rin ang mga camp mentors na pawang alumni ng PSMA at publikasyon bilang balik-serbisyo ng kanilang nalalaman at natutunan para sa komunidad ng paaralan.

Taos-pusong pasasalamat din sa Barangay Tandang Sora sa pangunguna ni Kapitan Marlou Ulanday para sa libreng sopas na hatid sa mga kalahok ngayong araw.

Kuhang Larawan ni Princess Jewel Perez




๐—–๐—”๐— ๐—ฃ ๐— ๐—˜๐—ก๐—ง๐—ข๐—ฅ๐—ฆ, ๐—ž๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—œ๐—ก!Buong pagmamalaking ipinakikilala ang mga Mentors o Tagapagsanay sa bawat kategorya ng kauna-una...
17/05/2026

๐—–๐—”๐— ๐—ฃ ๐— ๐—˜๐—ก๐—ง๐—ข๐—ฅ๐—ฆ, ๐—ž๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—œ๐—ก!

Buong pagmamalaking ipinakikilala ang mga Mentors o Tagapagsanay sa bawat kategorya ng kauna-unahang Journalism Camp ngayong Mayo 18-19 at 22.

Handa na silang ibahagi ang kanilang nalalaman at hasain ang kakayahan ng mga campers na batang AngKam. Huwag mangamba, sa bawat awtput na isasagawa ay nakaalalay sila upang mas mapabuti ito at masigurong handa para sa panibagong taong pampaaralan.

Kitakits sa mga kampo, MelQuinians!

Likhang Pubmat ni Leojemar Maratas




๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ก๐—š๐—ž๐—”๐— , ๐—›๐—”๐—ก๐——๐—” ๐—ก๐—” ๐—•๐—” ๐—ž๐—”๐—ฌ๐—ข?Sure na sure na sa Lunes ang pagbubukas ng kauna-unahang ๐—•๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ป๐—ด๐—ž๐—ฎ๐—บ๐—ฝ at ๐—Ÿ๐˜‚๐—บ๐—ถ๐—ช๐—ฅ๐—œ๐—ง๐—˜, is...
16/05/2026

๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ก๐—š๐—ž๐—”๐— , ๐—›๐—”๐—ก๐——๐—” ๐—ก๐—” ๐—•๐—” ๐—ž๐—”๐—ฌ๐—ข?

Sure na sure na sa Lunes ang pagbubukas ng kauna-unahang ๐—•๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ป๐—ด๐—ž๐—ฎ๐—บ๐—ฝ at ๐—Ÿ๐˜‚๐—บ๐—ถ๐—ช๐—ฅ๐—œ๐—ง๐—˜, isang Journalism Camp handog ng Ang Kamalayan at The Luminary, Mga Opisyal na Pahayagang Pangmag-aaral ng Paaralang Sekondarya ng Melchora Aquino (PSMA).

Para sa ating mga pre-registered na kalahok, nais naming ibahagi ang ilang paalala bago ang tatlong (3) araw na puno ng pagsasanay at pagkatuto.

1. Mangyari pong dumating sa paaralan ng alas-7:00 ng umaga para sa pisikal na rehistrasyon.
2. Magdala ng sariling ballpen, lapis, papel, camera, cellphone at laptop na inaasahang kakailanganin sa napili ninyong kategoryang pagsasanayan.
3. Dahil sarado po ang canteen ng paaralan at hindi rin po maaaring lumabas para bumili ng pagkain, mangyari pong magdala ng sarili ninyong snacks at pananghalian.
4. Tampok sa ating mga kategorya ang iba't ibang pagsasanay na inihanda ng ating mga camp mentors na tatagal mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.
5. Kailangang kompletuhin ang nasabing camp mula Mayo 18-19 at 22 upang makatanggap ng sertipiko.

Para sa ibang katanungan at paglilinaw, mangyaring ipadala lamang ang mensahe dito sa aming page o magkomento mismo sa post na ito.

Kitakits mga batang AngKam!

Likhang Pubmat ni Leojemar Maratas




Address

179 Denmark Street, Upper Banlat, Barangay Tandang Sora
Quezon City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Kamalayan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category