01/05/2026
Tingnan / Pahayag ng Hugpong Obrero para sa Araw ng Paggawa
MABUHAY ANG URING MANGGAGAWA!
HAKAPin ang Kapayapaan, hindi armadong karahasan!
PAHAYAG NG HUGPONG OBRERO INC.
MAYO UNO, 2026
MABUHAY ANG URING MANGGAGAWA!
HAKAPin ang Kapayapaan, hindi armadong karahasan!
Tunay na nagbibigay-pugay ang Hugpong Obrero sa mga manggagawang Pilipino na patuloy na naglilingkod para sa kapakanan ng kapwa manggagawa at ng buong bayan.
Kaugnay ng pagdiriwang ng Araw ng Paggawa, nakikiisa ang Hugpong Obrero sa isang mapayapang pamamaraan ng paggunita, na may layuning itaguyod ang pagkakaisa, katatagan, at kapayapaan sa hanay ng mga manggagawa.
Ang Hugpong Obrero ay isang samahan ng mga manggagawa—dating kasapi ng RCTU-CPP—na nagsusulong ng kapakanan ng mga manggagawa sa loob ng mga pagawaan at kumpanya.
Layunin nitong itaguyod ang industrial peace at pangalagaan ang kabuhayan ng mga manggagawa upang maiwasan ang mga sigalot na maaaring humantong sa welga, pagsasara ng mga kumpanya, at pagkawala ng hanapbuhay, gayundin ang posibleng pagsasamantala ng ilang grupong nagrerekrut tungo sa armadong karahasan.
Patuloy na isinusulong ng Hugpong Obrero ang adhikain ng industrial peace at maayos na ugnayan ng manggagawa at pamunuan upang mapanatili ang trabaho, kabuhayan, at katatagan ng industriya, at maiwasan ang pagsasamantala ng ilang grupong naghihikayat ng armadong karahasan.
Nakikiisa ang Hugpong Obrero, bilang isa sa mga founding member ng Haligi ng Kapayapaan ng Pilipinas (HAKAP) Pederasyon Inc., at ng mga samahang kasapi nito, sa lahat ng manggagawang Pilipino. Kinikilala namin ang mahalagang papel ng bawat manggagawa bilang sandigan ng isang matatag at maunlad na bansa tungo sa Bagong Pilipinas.
Sanggunian:
CRISPIN A. TANDOG JR.
Pangulo, Hugpong Obrero
Tagpagtatag na Pangulo ng
Haligi ng Kapayapaan ng Pilipinas (HAKAP) Pederasyon Inc.
Nasa comment section ang opisyal na pahayag ng Hugpong Obrero Inc.