20/05/2026
๐๐ง๐ญ๐๐ซ๐ง๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐๐๐ ๐๐๐ง๐๐ฅ๐๐ฅ๐ข๐ ๐ก๐ญ ๐๐๐ฆ๐จ๐ซ๐ข๐๐ฅ ๐๐ข๐ง๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ ๐ง๐ ๐๐ฎ๐๐ณ๐จ๐ง ๐๐ข๐ญ๐ฒ
Sama-samang nag-alay ng panalangin at nakiisa sa paggunita ng International AIDS Candlelight Memorial ang mga empleyado ng Quezon City Government at mga indibidwal sa adbokasiya ng HIV at AIDS kahapon, May 19 sa Quezon City Hall M.I.C.E. Center.
Sa mensahe ni Dr. Ramona Abarquez, City Health Officer ng QC Health Department, binigyang-diin nya na ang IACM ay hindi lang usapin ng kalusugan, kundi usapin ng pagkakaisa, dignidad, at pagmamahal sa bawat isa, anuman ang estado ng kalusugan. Bukas aniya ang mga clinic sa lungsod upang maghatid ng mga serbisyo na may kaugnayan sa STI at HIV Prevention.
Nakiisa rin ang UNAIDS Philippines sa aktibidad ng lungsod, sa pamamagitan ng mensahe mula kay Ms. Martha Dela Paz. Sinabi nyang malaki ang gampanin ng bawat isa sa pagkamit ng global goal na 95-95-95 kaya dapat magtulungan ang mga nasa pamahalaan, youth leaders, mga nasa paaralan, barangay, at iba pang miyembro ng komunidad sa pagsusulong ng mga programa sa HIV at AIDS Program.
Nagsilbing inspirasyon ang kwento ni Eros De Vera ng HIV and AIDS Support House (HASH) dahil sa kanyang mga karanasan, natutunan sa mga hamon na kanyang kinakaharap sa kabila ng kanyang status. Hinikayat naman ni Mr. Jessie Cabas, Vice President ng Pinoy Plus Advocacy Inc. ang lahat na ipakita ang malasakit at pagmamahal
sa mga taong apektado ng HIV at AIDS. Panahon na aniya para wakasan ang diskriminasyon.
Ibinahagi naman ni Honorable Kristine Matias, Councilor ng lungsod at Committee Chairperson on Health and Sanitation ang mga programa ng lungsod Quezon sa HIV Program. Patuloy aniya sa pagbuo ng iba pang proyekto ang lokal na pamahalaan para matugunan ang pangangailangan ng mga PLHIV.
Pinamunuan ng Pinoy Plus Advocacy Inc. ang Quilts Ceremony kung saan inalala ang mga pangalan ng mga namayapa dahil sa AIDS.
Sa pagtatapos, nagpaabot ng pasasalamat si Dr. Rolando Cruz, Chief Epidemiologist at Coordinator ng STI, HIV and AIDS Program ng Quezon City sa mga nakiisa sa programa, gayundin ang lahat ng patuloy na tumutulong sa programa ng lungsod sa adbokasiya ng HIV.
Para sa iba pang impormasyon sa mga HIV and STI services sa lungsod, I-like, i-follow o magmessage sa ating page. Maari ding tumawag sa ating QCESD Hotline
8703-2759
09622747107
8988-4242 loc 1609