Barangay Doña Imelda

Barangay Doña Imelda The only OFFICIAL page of Brgy. Doña Imelda under Kapitana Ganda Yap ❤️

  | Alinsunod sa Memorandum Circular No. 134 s. 2026 ng Malacañang, suspendido ang face-to-face classes sa LAHAT NG ANTA...
03/09/2026

| Alinsunod sa Memorandum Circular No. 134 s. 2026 ng Malacañang, suspendido ang face-to-face classes sa LAHAT NG ANTAS ng mga PAMPUBLIKO AT PRIBADONG PAARALAN sa Metro Manila, kabilang ang Quezon City ngayong araw September 4, 2026 (Biyernes).

Dahil ito sa inaasahang patuloy na malalakas na pag-ulan dulot ng Hanging (Southwest Monsoon), gayundin ang hindi magandang kalidad ng hangin sa National Capital Region (NCR) bunsod ng smoke o haze mula sa sunog sa mga kagubatan ng Kalimantan, Indonesia.

Ipatutupad ang Alternative Delivery Modes of Learning (Synchronous / Asynchronous) upang masig**o ang patuloy na pagkatuto ng mga mag-aaral.

Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at manatili sa inyong tahanan kung kinakailangan para sa inyong kaligtasan.



Source:
Presidential Communications Office
https://www.facebook.com/share/p/1DSYB3jx5r/

ALTERNATIVE LEARNING MODES FOR SCHOOLS ON SEPTEMBER 4Pursuant to Memorandum Circular No. 134, alternative learning modes...
03/09/2026

ALTERNATIVE LEARNING MODES FOR SCHOOLS ON SEPTEMBER 4

Pursuant to Memorandum Circular No. 134, alternative learning modes and learning continuity measures shall be implemented at all levels in public and private educational institutions in the National Capital Region and the following provinces on September 4, 2026, unless their respective Local Chief Executives direct the cancellation or suspension of classes:

📍 National Capital Region (NCR)
📍 Ilocos Norte
📍 Ilocos Sur
📍 La Union
📍 Pangasinan
📍 Abra
📍 Benguet
📍 Zambales
📍 Bataan
📍 Bulacan
📍 Tarlac
📍 Pampanga
📍 Cavite
📍 Laguna
📍 Batangas
📍 Occidental Mindoro

The measure is in view of the anticipated continued heavy rainfall associated with the enhanced Southwest Monsoon (Habagat) and poor air quality in the NCR caused by haze from severe forest and peatland fires in Kalimantan and Sumatra, Indonesia.

Localized cancellation or suspension of classes in other areas may be implemented by their respective Local Chief Executives.

𝑷𝑫𝑨𝑶 𝑼𝑷𝑫𝑨𝑻𝑬𝑺 | 𝐀𝐬𝐬𝐢𝐬𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐃𝐞𝐯𝐢𝐜𝐞𝐬 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 𝐟𝐨𝐫 𝐏𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧𝐬 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐃𝐢𝐬𝐚𝐛𝐢𝐥𝐢𝐭𝐢𝐞𝐬!Patuloy na isinusulong ng QC PDAO ang pagbibigay ...
02/09/2026

𝑷𝑫𝑨𝑶 𝑼𝑷𝑫𝑨𝑻𝑬𝑺 | 𝐀𝐬𝐬𝐢𝐬𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐃𝐞𝐯𝐢𝐜𝐞𝐬 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 𝐟𝐨𝐫 𝐏𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧𝐬 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐃𝐢𝐬𝐚𝐛𝐢𝐥𝐢𝐭𝐢𝐞𝐬!

Patuloy na isinusulong ng QC PDAO ang pagbibigay ng assistive devices para sa mga kwalipikadong Persons with Disabilities sa Quezon City.

Kabilang sa programang ito ang:
𝐎𝐫𝐭𝐡𝐨𝐭𝐢𝐜 𝐃𝐞𝐯𝐢𝐜𝐞𝐬
• Ankle-Foot Orthosis
• Spinal Brace

𝐏𝐫𝐨𝐬𝐭𝐡𝐞𝐭𝐢𝐜 𝐋𝐞𝐠
• Below-the-Knee Prosthesis

Para sa kumpletong eligibility, requirements at application tignan ang artcard sa ibaba o bisitahin ang link na ito:
https://forms.gle/m96nSb57SEwJZMiq5

Para naman sa iba pang katanungan, maaaring makipag ugnayan sa mga sumusunod:
📧: [email protected]
📞: 8988-4242 Local 8123/7809/442
Look for: Mr. John Carlo Tapit/Ms. Joy Sitjar/Ms. Abby Almocera

🔔 WATER SERVICE ADVISORY 🔔Kasalukuyang nakararanas ng LOW TO NO WATER PRESSURE ang ilang bahagi ng Kapiligan Street dahi...
02/09/2026

🔔 WATER SERVICE ADVISORY 🔔

Kasalukuyang nakararanas ng LOW TO NO WATER PRESSURE ang ilang bahagi ng Kapiligan Street dahil sa mainline breakage sa harap ng #140 Kapiligan Street.

Ayon sa Maynilad, inaasahang mararanasan ang mahina hanggang sa kawalan ng pressure ng tubig hanggang 5:00 PM lamang ngayong araw, September 2, 2026.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

ANNOUNCEMENT 📣 Ayon sa MERALCO, sa darating na Sept. 3, 2026 (Thursday) mula 9:00 AM - 2:00 PM ay makararanas ng TEMPORA...
02/09/2026

ANNOUNCEMENT 📣

Ayon sa MERALCO, sa darating na Sept. 3, 2026 (Thursday) mula 9:00 AM - 2:00 PM ay makararanas ng TEMPORARY ELECTRIC POWER INTERRUPTION ang area ng 13-32 Bituan Street (Maliban sa 23&24).

Ang VJC Construction and Others ay aalisin ang luma ngunit existing na transformer at mag-iinstall ng panibago na kaugnay din sa Project Covered Application ng CentralWorld Enterprises Inc. Ito rin ay bahagi ng proyekto ng Meralco upang mapanatili ang kaligtasan at pag-improve ng kalidad at maaasahan na electric service sa area.

📌 Note: Kung matatapos ang proyekto nang mas maaga sa nakatakdang panahon, maibabalik din ang serbisyo ng kuryente nang mas maaga.

DISTRIBUTION OF RELIEF GOODSPersonal na bumisita si Cong. Atty. B**g Suntay sa ating evacuation center upang mamahagi ng...
01/09/2026

DISTRIBUTION OF RELIEF GOODS

Personal na bumisita si Cong. Atty. B**g Suntay sa ating evacuation center upang mamahagi ng relief goods bago pa man umuwi sa kani-kanilang mga tahanan ang ating mga ka-barangay na lumikas at pansamantalang nanuluyan sa evacuation center.

Isang taos-pusong pasasalamat, Cong. Atty. B**g Suntay sa iyong malasakit sa mga residente ng Doña Imelda na kinailangang lumikas mula sa kanilang mga tahanan dahil sa pagbaha.

🔴 PAALALA: Ang distribution ay mula sa nakuhang record/list of evacuees ng SSDD, kung saan sila mismo ang bumaba sa ating evacuation center upang i-verify kung ilan ang mapapamahagian nito.

DISTRIBUTION OF RELIEF GOODSNagpadala ng grocery bags ang Office of the City Mayor Joy Belmonte at si Former Congressman...
31/08/2026

DISTRIBUTION OF RELIEF GOODS

Nagpadala ng grocery bags ang Office of the City Mayor Joy Belmonte at si Former Congressman Kit Belmonte para sa ating mga ka-barangay na lumikas at pansamantalang nanuluyan sa evacuation center.

Isang taos-pusong pasasalamat, Mayor Joy Belmonte at Former Congressman Kit sa inyong malasakit sa mga residente ng Doña Imelda na kinailangang lumikas mula sa kanilang mga tahanan.

🔴 PAALALA: Ang distribution ay mula sa nakuhang record/list of evacuees ng SSDD, kung saan sila mismo ang bumaba sa ating evacuation center upang i-verify kung ilan ang mapapamahagian nito.

  | Alinsunod sa Local Government Memorandum Circular No. 3, s. 2025, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng PA...
31/08/2026

| Alinsunod sa Local Government Memorandum Circular No. 3, s. 2025, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng PAMPUBLIKONG PAARALAN sa Quezon City ngayong September 1, 2026, kabilang ang:

• Child Development Centers
• Kindergarten
• Grades 1–12
• Alternative Learning System (ALS)

Base sa latest Air Quality Index (AQI), nagtala ng Very Unhealthy at Acutely Unhealthy ang mga air quality sensors ng lungsod. Sa kasalukuyan, may 68 air sensors na nakapwesto sa iba-ibang bahagi ng lungsod.

Sa ganitong antas ng air pollution, maaaring magkaroon ng ubo, pangangati ng airways, at hirap sa paghinga, lalo na sa mga taong may asthma o iba pang respiratory conditions.

Batay sa kasalukuyang assessment, ang pagtaas ng air pollution sa ilang bahagi ng bansa, kabilang ang National Capital Region, ay posibleng may kaugnayan sa smoke o haze mula sa mga nagaganap na sunog sa Kalimantan, Indonesia.

Ang suspensyon ng klase sa PRIVATE SCHOOLS at HIGHER EDUCATION INSTITUTIONS ay nakabatay sa desisyon ng pamunuan ng paaralan. Gayunpaman, para sa kaligtasan ng mga g**o at mag-aaral, hinihikayat ang pagsunod sa national o localized suspension.

Pinapayuhan ang lahat na magsuot ng face mask at bawasan ang oras at pisikal na aktibidad sa labas. Mangyaring subaybayan ang mga susunod na anunsyo para sa karagdagang impormasyon.

Para sa emergency at kinakailangan ng agarang tulong, tumawag lamang sa HELPLINE 122.

Mag-ingat po tayong lahat.

MALIGAYANG ARAW NG MGA PAMBANSANG BAYANI! 🇵🇭Ngayong Araw ng mga Bayani, ating bigyang-pugay ang mga huwarang bayani ng n...
31/08/2026

MALIGAYANG ARAW NG MGA PAMBANSANG BAYANI! 🇵🇭

Ngayong Araw ng mga Bayani, ating bigyang-pugay ang mga huwarang bayani ng nakaraan. Ngunit, ang kabayanihan ay hindi lamang nakaraan—patuloy itong nabubuhay sa mga taong nagsisilbi, nagseserbisyo at nagmamalasakit sa kapwa.

Sa bawat tapat na paglilingkod, may pusong bayani.
Saludo sa mga bayani ng kahapon at sa mga bayani ng kasalukuyan! 🫡

Yappy Meal to the Rescue! 🥰🍲 Maliban sa ating mga evacuees, namahagi rin si Kapitana Ganda Yap, kasama si Kgd. Babet Cad...
30/08/2026

Yappy Meal to the Rescue! 🥰🍲

Maliban sa ating mga evacuees, namahagi rin si Kapitana Ganda Yap, kasama si Kgd. Babet Caduco at ang BDI Staff, ng HOT MEALS sa iba pang mga areas na hindi nila napuntahan tulad ng 48 Kapiligan, Ugo, Bayani at Area 3.

Layunin nito na mapagaan kahit onti ang kalagayan ng ating mga ka-barangay, lalo na’t halos lahat ay naging apektado ng pagbaha.

Sa panahon ng sakuna, walang maiiwan. ❤️

Address

Doña Imelda
Quezon City
1113

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Doña Imelda posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category