28/10/2025
๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฑ๐ถ๐ฟ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ด ๐ก๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐๐ป๐ฑ๐ถ๐ด๐ฒ๐ป๐ผ๐๐ ๐ฃ๐ฒ๐ผ๐ฝ๐น๐ฒ๐ ๐ ๐ผ๐ป๐๐ต ๐ฎ๐ ๐๐ฃ๐ฅ๐ ๐๐ผ๐บ๐บ๐ฒ๐บ๐ผ๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป!
Ika-25 ng Oktubre, Rodriguez (Montalban), Rizal | Matagumpay na idinaos at pinagdiwang ng mga Katutubong Mamamayan (Dumagat-Remontado) ng Lalawigan ng Rizal ang Buwan ng mga Katutubo at ang Ika-28 Taon ng Pagsasabatas ng Republic Act 8371 o Indigenous Peoples Rights Act of 1997 (IPRA).
Bilang panimula ng gawaing para sa naturang araw. Isang rituwal ng pasasalamat ang idinaos sa Sitio Wawa, Brgy. San Rafael, Rodriguez, Rizal, na sinundan ng isang makulay, masigla at kauna-unahang Motorcade Activity na ginanap mula sa kanilang Lupaing Ninuno (Ancestral Domain/AD), mga pampublikong lugar hanggang sa pook-darausan ng pinakatampok na palatuntunan sa Multi-purpose Covered Court, Kasiglahan National Highschool, Rodriguez Rizal.
Tema ng Padiriwang:
โHinabing Kalinangan, Masaganang Kinabukasan:
Pagsasakapangyarihan sa mga Katutubong Pamayanan bilang Saligan ng Likas-Kayang Kaunlaran.โ
Isang araw ng pagkakaisa at pagpapahalaga sa mayamang kultura at karapatan ng ating mga Katutubong Dumagat/Remontado!
Ang nasabing palatuntunan ay handog ng pagtutulungan ng mga pamayanang kutural ng Dumagat-Remontado mula Tanay, Antipolo at Montalban (Rodriguez) sa pagpapasinaya ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), katuwang ang mga lokal na pamahalaan ng lalawigan ng Rizal, sa pangunguna ng butihing Punong-bayan ng Rodriguez (Montalban), na si Mayor Ronnie S. Evangelista, at mga kaagapay na tanggapan ng pamahalaan, bilang pagpupugay sa mga tagapangalaga ng kalikasan, kultura, at kasaysayan ng ating bayan.
Sa tampok na palatuntunan, ibinahagi ng mga kapatid nating mga Dumagat-Remontado ang kaniya-kaniyang presentasyon na nagpakita ng yaman ng kanilang kultura at tradisyon.
Bilang pagtatangi sa naturang pagdiriwang, isang mensahe mula sa NCIP Chairperson, Dr. Marie Grace T. Pascua, CESO III ang ibinahagi ni Mr. Roderick A. Mejia, Chief, Project Management, Monitoring and Evaluation Division ng Foreign Assisted Programs and International Relations Office na nagbibigay-pugay sa bawat Katutubong Pilipino at Katutubong Pamayanang Kultural, at paalala na ang ang pagkakatipong ito ay higit pa sa isang pagdiriwang. Ito rin ay isang panata ng pagpapatuloy ng laban para sa karapatan, paninindigan para sa katarungan, paniniwala sa kultura at pananatili ng buhay ang diwa ng Batas IPRA.
See translation