08/05/2026
๐ ๐ฎ๐ต๐ถ๐ด๐ถ๐ ๐ฒ๐ฌ๐ฌ ๐บ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ธ๐ฎ, ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ฒ๐ป๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐ต๐ถ๐ด๐ถ๐ ๐ด๐ฌ๐ ๐ง ๐ป๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ถ๐ ๐๐ฎ ๐ฆ๐ ๐
Paldong paldo ang mahigit 600 farmers ng Ilocos sa pagkakabenta ng kanilang mahigit 80 toneladang produktong mais na naideliver sa warehouse ng San Miguel Corporation (SMC) sa Villasis, Pangasinan.
Sa pamamagitan ng Corn Banner Program at Farm and Fisheries Clustering and Consolidation (F2C2) Program ng Department of Agriculture, apat na clusters na binubuo ng14 Farmers Cooperative and Association (FCA) mula sa Ilocos Sur, La Union, at Pangasinan ang nakinabang sa mahigit Php1.8 million kabuuang kita mula sa bentang mais sa SMC.
Kabilang sa apat na clusters na nakinabang sa market linkage ng F2C2 ay ang Ten C Agriculture Cooperative ng Bacnotan, La Union; Viba Farmers Cluster Agriculture Cooperative ng Malasiqui, Pangasinan; Raniag Sta. Lucia Federated Corn Growers Association, Inc. ng Sta. Lucia; Ilocos Sur; at Sto. Tomas Pangasinan Golden Grains Agriculture Cooperative ng Sto. Tomas, Pangasinan.
Nagpahayag ng pasasalamat si G. Ronnie Ulat, Chairman ng Ten C Cluster Agriculture Cooperative, sa DA-Corn Program at F2C2 sa naibigay na oportunidad na makabenta sa mga institutional buyers gaya ng SMC.
Ayon naman kay G. Michael Lardizabal, Chairman ng Sto. Tomas Pangasinan Golden Grains Agriculture Cooperative, binigyang diin niya ang halaga ng pakikipag-ugnayan sa F2C2 at Corn Banner programs na nagresulta sa kanilang grupo na maiwasang pagbentahan ang mga bumabarat sa kanilang mga produkto na mga middlemen at tuluyang makapagbenta ng mas mataas na presyo.
Sa nabuong samahan ng SMC at ng grupo, umaasa ang mga grupo na magpapatuloy ang programa para mas lalong umangat ang kabuhayan ng mga magsasakang mais sa Ilocos.
Samantala, sa paghahatid ng produktong mais ng grupo, ginamit ang anim na 5-tonner trucks at isang 10-wheeler truck mula sa DA- Agribusinesss Marketing Assistance Division na nakatulong sa mga magsasaka upang madala ng maayos ang kanilang mais ayon sa requirement ng SMC.
Maliban sa apat na corn clusters, magkakaroon din ng delivery ng produktong mais ang Laoag City Southwest Corn Cluster Farmers Assoc. Inc. sa Dingras Grains Center, Dingras, Ilocos Norte sa susunod na linggo.