02/06/2026
Sa patuloy na pagtataguyod ng karapatang pantao at pagpapahalaga sa dignidad ng bawat tao, nagsagawa ang Commission on Human Rights-National Capital Region (CHR-NCR), sa pamamagitan ng Promotion and Advocacy Division, ng seminar sa Quezon City Jail Male Dormitory ukol sa HR 101, Mandato ng CHR, Safe Spaces Act, at Anti-Cyberbullying, noong May 28, 2026.
Layunin ng aktibidad na palawakin ang kaalaman at kakayahan ng mga tauhan ng BJMP sa pagprotekta at pagtataguyod ng karapatan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs), pagsusulong ng pagkakapantay-pantay ng kasarian, at pagpapanatili ng ligtas at magalang na kapaligiran sa loob at labas ng kulungan.
Sa pamamagitan ng patuloy na edukasyon at kamalayan sa karapatang pantao, higit na napagtitibay ang makatao, makatarungan, at may dignidad na paglilingkod para sa lahat.