24/04/2026
Hindi na tama na patuloy na ipinapasa sa consumers ang iba’t ibang singil ng Meralco—lalo na ang tinatawag na “government subsidy” para sa senior citizens at lifeline (4Ps/low-income earners).
Hindi makatarungan na ang maayos magbayad ang patuloy na sumasalo ng dagdag gastos—mula sa system loss hanggang sa iba pang pass-through charges.
Kung may programang panlipunan, dapat malinaw kung sino ang dapat magbayad—hindi automatic na ipinapasa sa consumers.
Sisiguraduhin kong masusuri ang mga singil na ito—ang legal basis, implementasyon, at kung may kailangang baguhin sa policy.
Hindi na pwedeng ipasa nang ipasa ang gastos sa mamamayan.
Enough is enough.