20/08/2026
PABATID PARA SA MGA QCITIZENS NA VERIFIED BENEFICIARIES NG 2ND TRANCHE RICE SUBSIDY NG DISTRITO 5!
Makikita sa ibabang bahagi ng pabatid ang mga pangalan ng hindi pa nakukuha ang kanilang 2ND TRANCHE RICE SUBSIDY, kayo po ay aming inaanyayahan na magtungo sa takdang venue ng inyong barangay na makikita din sa ibabang bahagi sa darating na BIYERNES, AGOSTO 21, 2026, mula 8:00AM - 3:00PM, para kunin ang inyong rice subsidy. Para naman sa inyong stub ay lumapit lamang sa inyong Area Coordinator - OCM Operations para sa validation sa araw mismo ng distribusyon.
PAUNAWA: para sa mga ang barangay ay hindi nabibilang sa Distrito 5 ngunit sila po ay kasalukuyan ng nakatira dito sa Distrito 5 at hindi pa nakakapag update ng kanilang QCID address, maaari po kayong magsadya sa Barangay o Distribution Site kung saan kayo nakapagclaim ng inyong 1st tranche.
Barangay Fairview & Barangay North Fairview - Covered Court, Barangay Hall Fairview Compound
Barangay Greater Lagro - Centennial Multipurpose Hall, Centennial Park
Barangay Kaligayahan - Multipurpose Hall (COVAX), Mockingbird Street, Zabarte Subdivision
Barangay Pasong Putik - Champaca Covered Court, Champaca Street
Barangay San Bartolome - Rockville 1 Park, Rockville Subdivision
Barangay Bagbag - Remarville Tennis Court, Aquarius Street, Remarville Subdivision
Barangay Sta. Lucia, Sta. Monica, San Agustin, Novaliches Proper, Nagkaisang Nayon, Capri, Gulod - District 5 Action Office - NDC, Jordan Plaines Subdivision, Barangay Sta. Monica
PAALALA: Huwag kalimutang dalhin ang mga sumusunod:
1.Orihinal na QCID Card
2.Xerox copy ng QCID Card na may tatlong (3) lagda
Para sa mga hindi makakapunta maaari kayo mag padala ng inyong representante magdala lamang ng mga sumusunod:
1.Authorization Letter
2.Orihinal na QCID ng beneficiary at representante
3.Xerox copy ng QCID card ng beneficiary na may tatlong (3) pirma at xerox
copy ng ID ng representante
Maraming salamat po!