06/06/2026
Ready, set, PRIDE! ππβ¨
Handa na ang LGBTQIA+ individuals at allies sa ikalawang taon ng Pride Run @ QC sa Tomas Morato Avenue.
Bago magsimula ang fun run, nagkaroon ng warm-up exercises at Zumba session ang mga runners para masiguro ang ligtas at masayang pagtakbo.
Naghandog din ang Quezon City Health Department (QCHD) ng libreng HPV at DNA testing, clinical breast examination, cervical cancer screening, at protection kits, kabilang ang condoms.
May handog ding free legal consultation ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) Quezon City Chapter.
Ang Pride Run @ QC ay isa sa mga aktibidad ng lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pride Month ngayong taon.