01/11/2023
Lubos ang aming pasasalamat sa aming mga magulang, kapatid, kaibigan, at supporters na hindi nagsawang nag mahal, nag asikaso, nagbigay oras, at nagbigay tiwala sa aming mga kakayahan at layunin sa ating Barangay lalong lalo na para sa kabataan.
Hindi biro ang landas na aming pinasok at tinahak mula ng kami ay magsama sama. Hindi namin kayang isa-isahin pasalamatan ang bawat isa na nagbigay suporta ngunit salamat dahil boses ng kabataan ang syang nagwagi.
Binabati namin si SK Kagawad Luckie Banzon at SK Kagawad Joseph Gan sa inyong pagkapanalo bilang Sangguniang Kabataan ng Barangay Nayong Kanluran nawa'y tuparin ninyo ang ating mga plano at maging sandigan kayo ng bawat kabataan.
Para sa aming SK Chairman Christian "Buboy" Brazal, Maraming salamat sa iyong dedikasyon at sipag. Hanga kami sa lakas ng iyong loob na harapin ang bawat araw na nagdaan.
Para sa bagong SK Council asahan ninyo na kami ay susuporta upang maging progresibo ang ating pamayanan. ๐
Muli, mula sa aming mga Puso, Maraming maraming salamat po!