05/02/2026
Tie your camel first, then put your trust in Allah.โ The god almighty โ Sunan al-Tirmidhi 2517
Alhamdulillah Robin Padilla ๐ซก
Matapos po nating masaksihan ang sunod-sunod na sakuna sa ating bansa, matapos po tayong mamulat sa mga posibleng emergency situations sa ating mga rehiyon, at matapos nating masubaybayan ang mga seryosong kaganapan sa ibang mga bansa na maaari ring makaapekto dito sa atin, minarapat ko pong ihain ang S.B. No. 1660 upang maisabatas ang sistematikong pagsasanay sa paghahanda sa sakuna para sa ating mga kabataang Pilipino.
Sa panahon ngayon, hindi na po sapat ang umasa lamang sa tulong kapag may sakuna. Mahalaga po na ang bawat mamamayan ay may sapat na kaalaman at kasanayan upang maprotektahan ang sarili, makatulong sa kapwa, at makakilos nang tama sa oras ng emerhensiya.
Bilang senador po, naniniwala akong ang paghahanda ay isang anyo ng pagmamalasakit at pananagutan sa ating pamilya, komunidad, at bansa.
Ang paghahanda po ay hindi opsyon. Ito ay responsibilidad nating lahat.