Sec Conrado Estrella III

Sec Conrado Estrella III Official page of Department of Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III

05/09/2026

Ube na mabilis lutuin? Kaya ’yan!

Kasama si Joseph The Explorer, sinubukan natin ang Coco Ube Dessert Powder na siya mismo ang gumawa. Madali itong ihanda, mabilis lutuin, at masarap panghimagas para sa buong pamilya.

Ano pa ang hinihintay ninyo? Subukan na ang paborito ninyong Ube Dessert! 😜

Para sa ating mga magsasaka, bawat budget ay may katumbas na pananagutan. Kahapon, dumalo po tayo sa budget hearing ng D...
04/09/2026

Para sa ating mga magsasaka, bawat budget ay may katumbas na pananagutan.

Kahapon, dumalo po tayo sa budget hearing ng Department of Agrarian Reform sa House of Representatives upang talakayin ang mga programa, prayoridad, at mga susunod na hakbang para sa ating mga Agrarian Reform Beneficiaries.

Patuloy po tayong magsisikap upang mas maraming magsasaka ang magkaroon ng sariling lupa at mas matatag na kabuhayan.

Tuloy-tuloy po ang ating serbisyo para sa magsasaka.

02/09/2026

O, mga DARlings, ube tayo!

Masayang po akong nakasama si Joseph the Explorer sa paghahanda ng simpleng ube treat.

Salamat sa masarap na bonding, Joseph!

01/09/2026

Naalala niyo po ba ang mga pugo mula sa farm natin sa Pangasinan? Dinala po natin ang mga itlog nito idito sa DAR at ngayon, napapakinabangan na ang kanilang mga itlog bilang kwek-kwek at dagdag na pagkakakitaan.

₱20 lang, tatlong piraso na! At mukhang patok dahil umabot na sa 1,000 ang nabenta.

Kung mapadaan kayo sa DAR, titikim din ba kayo?

Ngayong Araw ng mga Pambansang Bayani, alalahanin natin ang mga Pilipinong nag-alay ng kanilang buhay para sa ating baya...
31/08/2026

Ngayong Araw ng mga Pambansang Bayani, alalahanin natin ang mga Pilipinong nag-alay ng kanilang buhay para sa ating bayan.

Ang kanilang tapang, malasakit, at pagmamahal sa Pilipinas ay mga aral na patuloy nating baon hanggang ngayon.

Nawa’y magsilbing inspirasyon ang kanilang mga sakripisyo upang lagi nating piliin ang kabutihan at malasakit sa ating kapwa at bayan.

Saludo po tayo sa ating mga bayani. Mabuhay ang Pilipinas!

Sa gitna ng anumang pagsubok, panalangin at malasakit ang ating sandigan. Panginoon, patuloy Mo po kaming gabayan at ing...
30/08/2026

Sa gitna ng anumang pagsubok, panalangin at malasakit ang ating sandigan.

Panginoon, patuloy Mo po kaming gabayan at ingatan ang bawat pamilyang Pilipino. Nawa’y bigyan Mo kami ng lakas at karunungan upang makatulong sa ating kapwa.

28/08/2026

Mas maganda ba ang breadfruit kaysa bigas?

Isa po sa mga dahilan kung bakit natin ito ipinopromote ay dahil maaari itong maging alternative sa rice. Mas matipid din ito sa tubig dahil once na maitanim at mapalago, patuloy itong mamumunga at maaaring umabot sa 200 bunga kada taon.

Kaya kung may alternative na puwedeng itanim at pakinabangan nang matagal, bakit hindi po natin subukan?

27/08/2026

Panahon na para maghanap din tayo ng ibang staple food, hindi lang bigas.

Kasama po natin sina Congresswoman Cristy Angeles, ang kanyang anak na si Mark, Congressman Joseph "Jojo Pulsar" Lasam Lara, at Atty. Castro sa pagtalakay sa potensyal ng breadfruit bilang isa pang maaaring maging staple food ng ating mga kababayan.

Sana po ay mas marami pa tayong mahikayat na subukan at pag-aralan ang breadfruit bilang isa sa mga posibleng bagong direksyon para sa ating agrikultura.

26/08/2026

Congratulations sa buong Department of Agrarian Reform (DAR) sa pagkilalang ipinagkaloob ng World Bank sa mahusay nating pagpapatupad ng mga proyekto.

Isa itong malaking patunay ng sipag, galing, at dedikasyon ng buong DAR. Bilang bahagi ng pamilyang ito, isang karangalan ang makitang kinikilala ang ating sama-samang pagsisikap para sa ating mga magsasaka. 💚

Mapagpalang Maulid-un-Nabi sa ating mga kapatid na Muslim. Nakikiisa po ako sa ating mga kapatid na Muslim sa paggunita ...
26/08/2026

Mapagpalang Maulid-un-Nabi sa ating mga kapatid na Muslim.

Nakikiisa po ako sa ating mga kapatid na Muslim sa paggunita sa kapanganakan ni Propeta Muhammad.

Pagpupugay din po sa ating mga Muslim farmers at Agrarian Reform Beneficiaries na patuloy na nagsisikap para sa kanilang mga pamilya, komunidad, at sa food security ng ating bansa.

Nawa’y patuloy tayong gabayan ng pagkakaisa at paggalang sa isa’t isa tungo sa isang mas mapayapa at masaganang Pilipinas.

Address

Quezon City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sec Conrado Estrella III posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share