Pulilan Population Office

Directions

Pulilan Population Office Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Pulilan Population Office, Government Official, POBLACION, Pulilan.

✨ Sama-samang Pagkatuto para sa Matatag na Pamilyang Pilipino! ✨Noong nakaraang October 23 , 2026 isang matagumpay at ma...
25/10/2026

✨ Sama-samang Pagkatuto para sa Matatag na Pamilyang Pilipino! ✨

Noong nakaraang October 23 , 2026 isang matagumpay at makabuluhang seminar tungkol sa Responsible Parenting Movement ang matagumpay na idinaos at dinaluhan ng ating mga aktibo at mapagmahal na Kananayan mula sa Brgy. PeΓ±abatan, Balatong A, at Tinejero sa Pulilan Teen Center PeΓ±abatan Pulilan Bulacan. πŸ‘©β€πŸ¦±β€οΈ

Layunin ng programang ito na mas mapalawak ang kaalaman ng ating mga magulang sa tamang paggabay, pag-aaruga, at pagpapalaki sa mga anak sa makabagong panahon.

Ang gawaing ito ay naisakatuparan sa pangangasiwa ng Municipal Population Office sa pangunguna ni Ms. Donna Sampan (Population Program Officer I), at sa pamamagitan ng walang sawang tulong at suporta ng ating butihing Mayor RJ Peralta Jr., Vice Mayor Atty. Imee Cruz, at ng buong 12 Sangguniang Bayan. 🀝

Isang malaking pasasalamat din sa ating mga sikhay at maaasahang Barangay Population Volunteers (BPW) na naging katuwang upang maging matagumpay ang gawaing ito:
πŸ”Ή BPW Rosalinda Leonardo (Tinejero)
πŸ”Ή BPW Claire Sicat (Balatong A)
πŸ”Ή BPW Evangeline Manlagit (PeΓ±abatan)

Mabuhay ang ating mga Kananayang Pulilenyo at mga volunteers! Saludo po kami sa inyong dedikasyon para sa pamilyang Pulilenyo! πŸ‡΅πŸ‡­βœ¨

Maligayang Kaarawan, Bb. Kristine CalderonπŸ₯³βœ¨Sa dami ng binibilang at pinaplano nating populasyon sa ating bayan, ngayong...
21/10/2026

Maligayang Kaarawan, Bb. Kristine CalderonπŸ₯³βœ¨

Sa dami ng binibilang at pinaplano nating populasyon sa ating bayan, ngayong araw, ang edad mo naman (o ang mga biyaya sa buhay mo) ang ating bibilangin!

Maraming salamat sa pagiging isang "productive" at maaasahang haligi ng ating opisina. Nawa’y patuloy na maging "well-managed" ang iyong kaligayahan at tagumpay sa buhay.

I-enjoy mo ang iyong espesyal na araw! πŸŽ‰πŸ¦

Ramdam Na Ramdam na Serbisyo sa  Ang Tanggapan ng Populasyon ng Bayan ng Pulilan ay matagumpay na nagsagawa ng 1-araw na...
21/10/2026

Ramdam Na Ramdam na Serbisyo sa

Ang Tanggapan ng Populasyon ng Bayan ng Pulilan ay matagumpay na nagsagawa ng 1-araw na Pre-Marriage Orientation and Counseling (PMOC) ngayong araw October 21 , 2026 sa Pulilan Teen Center , Bukid Government Center , PeΓ±abatan , Pulilan , Bulacan.
Dumalo rito ang mga magkasintahang naghahanda sa kanilang nalalapit na pag-iisang dibdib.

Pinangunahan ang programa ng Population and Development Office sa pamumuno ni Ms. Donna Bernardo Sampan, sa suporta nang ating butihing Punong Bayan IGG. RoLando S. Peralta Jr. at ikalawang Punong Bayan Atty. Imee Cruz at ng ikalabing -12 Sanggunian katuwang ang MHO, MCR , Municipal Social Welfare & Development Office.

🌱 Bahagi rin ng gawain ang pagtuturo ng β€œFood Security” at pangangalaga sa kalikasan sa ilalim ng Kautusang Bayan β€œKasal Kasali sa Kalikasan” na akda ni Kgg. Konsehal Zandro Hipolito, katuwang ang Municipal Agriculture Office na pinamumunaan ni Mr. Arnel Cruz na kinatawan ni Mr. Jethro Joson at Ms Reggie Ann Ponce at nang Municipal Environment and Natural Resources Office na pinamumunuan ni Mr. Robert Cruz .

🎀Nagbigay din ng mensahe ang kinatawan nang ating butihing Mayor Rj Peralta ang kasalukuyang LYDO Sports and Youth Consultant na si Sir Rolly Payumo ng mga payo tungkol sa buhay mag-asawa at pagpapalaki ng pamilya .

πŸ’ Sa temang:
β€œPagbuo ng Matatag na Pundasyon para sa Isang Habambuhay na Pagmamahal”
Naniniwala ang Pamahalaang Bayan na ang matibay na pundasyon ay mahalaga upang makamit ang matagumpay at makabuluhang pagsasama.

πŸ‘©β€β€οΈβ€πŸ‘¨ Matatag, Maginhawa, at Planadong Pamilyang PulileΓ±o.
πŸ“Œ
πŸ“Œ
πŸ“Œ
πŸ“Œ

MATAGUMPAY NA PAGSASAWA NG RESPONSIBLE PARENTING MOVEMENT SEMINAR SA BRGY. DAMPOL 1ST! πŸ‘¨β€πŸ‘©β€πŸ‘§β€πŸ‘¦βœ¨Isang makabuluhang pagsas...
19/10/2026

MATAGUMPAY NA PAGSASAWA NG RESPONSIBLE PARENTING MOVEMENT SEMINAR SA BRGY. DAMPOL 1ST! πŸ‘¨β€πŸ‘©β€πŸ‘§β€πŸ‘¦βœ¨

Isang makabuluhang pagsasanay ang matagumpay na idinaos ngayong araw, Oktubre 19, 2026, para sa mga aktibo at mapagmahal na kananayan ng Barangay Dampol 1st. Sila ay nakibahagi sa seminar na pinamagatang "Responsible Parenting Movement."

Ang mahalagang programang ito ay pinangasiwaan ng ating Municipal Population Office sa pamumuno ni Ms. Donna Sampan (Population Program Officer I). Layunin nitong ihatid ang tamang kaalaman sa paggabay sa pamilya at pagpapatatag ng pundasyon ng bawat tahanan.

Ang tagumpay na ito ay naging posible sa pamamagitan ng patuloy at buong-pusong suporta ng ating butihing Mayor RJ Peralta Jr., Vice Mayor Atty. Imee Cruz, at ng buong Ika-12 Sangguniang Bayan.

Maraming salamat sa lahat ng mga nanay na nakiisa!
Patuloy nating isabuhay ang responsableng pagpapamilya para sa mas maunlad at masiglang komunidad! 🀝❀️

🌟 KABATAAN AT KAHANDAAN: ISANG MATAGUMPAY NA SEMINAR PARA SA MGA KABATAAN NG ST. MICHAEL ACADEMY! 🌟Matagumpay na naisaga...
19/10/2026

🌟 KABATAAN AT KAHANDAAN: ISANG MATAGUMPAY NA SEMINAR PARA SA MGA KABATAAN NG ST. MICHAEL ACADEMY! 🌟

Matagumpay na naisagawa ngayong araw, Oktubre 19, 2026, ang seminar na pinamagatang "Youth Matters: Building Awareness on Mental Health, Sexual and Reproductive Health, and Teenage Pregnancy Awareness" sa St. Michael Academy!

Ang napakahalagang programang ito ay pinangasiwaan ng Municipal Population Office sa pamumuno ni Ms. Donna Sampan (Population Program Officer I). Ang gawaing ito ay hindi maisasakatuparan kung hindi dahil sa walang-sawang tulong at suporta ng ating butihing Mayor RJ Peralta Jr., Vice Mayor Atty. Imee Cruz, at ng Ikalabindalawang Sanggunian.

Naging mas makabuluhan ang aktibidad sa pagbibigay ng mainit na pagbati at mensahe ng kinatawan ng paaralan na si Mrs. Lea Gonzales. Nag-iwan din ng isang inspirasyon at mensaheng puno ng gintong aral para sa mga kabataan ang ating Youth and Sports Consultant na si Sir Rolly Payumo.

Sumentro ang talakayan sa mga napapanahong paksa sa tulong ng ating mga mahuhusay na pangunahing tagapagsalita:
β€’ Ms. Maureen de Guzman (Local Youth & Development Officer)
β€’ Ms. Donna Sampan (Population Program Officer I)

Sa pamamagitan ng gabay na ito, mas pinatibay natin ang kaalaman ng kabataan tungkol sa pangangalaga ng mental na kalusugan, tamang impormasyon sa reproductive health, at pag-iwas sa maagang pagbubuntis.
Susi ang wastong kaalaman upang hubugin ang isang matatag at responsableng henerasyon!

Isang malaking pasasalamat sa pamunuan ng St. Michael Academy, sa mga g**o, at higit sa lahat, sa mga mag-aaral na naging aktibo sa ating talakayan.
Para sa Kabataan, Para sa Kinabukasan!

Happy Birthday, Ms. Kriziah Reyes! Wishing you more blessings, happiness, and success as you continue to inspire and ser...
17/10/2026

Happy Birthday, Ms. Kriziah Reyes!
Wishing you more blessings, happiness, and success as you continue to inspire and serve our community. God bless you always!
"Matatag, Maginhawa at Planadong Pamilyang PulileΓ±o"

Material wealth fades, but the wisdom and peace found in God’s instructions endure forever. πŸ™Œ
15/10/2026

Material wealth fades, but the wisdom and peace found in God’s instructions endure forever. πŸ™Œ

Hindi ibig sabihin na walang pagsubok, ibig sabihin lang ay may Kasama tayo sa gitna ng subok. πŸ›‘οΈPsalms 23 : 4
14/10/2026

Hindi ibig sabihin na walang pagsubok, ibig sabihin lang ay may Kasama tayo sa gitna ng subok. πŸ›‘οΈ

Psalms 23 : 4

12/10/2026

πŸ† π—–π—’π—‘π—šπ—₯π—”π—§π—¨π—Ÿπ—”π—§π—œπ—’π—‘π—¦, π—£π—¨π—Ÿπ—œπ—Ÿπ—”π—‘ π——π—œπ—¦π—§π—₯π—œπ—–π—§!

Isang karangalan na naman para sa ating bayan! Ikinagagalak kong ibahagi ang tagumpay ng Pulilan District sa 2025 Scout Membership Campaign.

πŸ₯‡ 115.03% Achievement sa Scout Membership Campaign Against Potential
πŸ₯ˆ Rank 2 sa Scout Membership Campaign – Scout Registered

Maraming salamat sa lahat ng Scouting leaders, g**o, at mga taong patuloy na sumusuporta sa paghubog ng ating mga kabataan. Patunay ito ng inyong dedikasyon at sama-samang pagkilos para sa kanilang kinabukasan.πŸ’™

Do good. Spread love. Share blessings. ✨
12/10/2026

Do good. Spread love. Share blessings. ✨

Address

POBLACION
Pulilan
3005

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pulilan Population Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share