06/07/2026
PWD MONTHLY MEETING & PAGHAHANDA PARA SA 38TH NATIONAL DISABILITY RIGHTS WEEK!
Isang produktibong hapon ang naganap kanina sa ating regular na PWD Monthly Meeting! Masaya at punong-puno ng pag-asa ang naging talakayan ng ating mga lider para sa patuloy na ikabubuti ng ating sektor.
🎂 HAPPY BIRTHDAY, PRESIDENTS!
Hindi natin pinalampas ang pagkakataon na batiin at bigyang-pugay ang ating mga masisipag at mapagmahal na PWD Presidents na nagdiwang/nagdidiriwang ng kanilang kaarawan ngayong buwan. Maligayang Kaarawan po sa inyo:
Pres. Ana Maria San Pedro
Pres. Alex Santos
Pres. Rosaly Balancio
Pres. Marina Santos
Salamat po sa inyong walang sawang paggabay at dedikasyon sa inyong mga nasasakupan! Mabuhay po kayo! 🎉✨
PARA SA ISANG INKLUSIBONG KOMUNIDAD: PAGPAPLANO PARA SA 38TH NDRW!
Pangunahing agenda rin sa ating pagpupulong ang paghahanda para sa darating na 38th National Disability Rights Week ngayong Hulyo 17–23, 2026.
Masinsinang tinalakay at pinagplanuhan ng bawat isa ang mga kapana-panabik na aktibidad, programa, at serbisyong ilulunsad para sa ating mga ka-PWD. Layunin nitong mas mapalakas pa ang adbokasiya para sa karapatan, kakayahan, at ganap na inklusyon ng bawat miyembro ng ating sektor sa lipunan.
Sama-sama at magkakapit-bisig tayo sa pagsulong ng isang lipunang walang naiwan. 🤝💙