Pulilan Tourism Office

Pulilan Tourism Office A Taste of Farm Life ๐Ÿƒ๐ŸŒพ
(2)

Mula sa puso ng Pambayang Tanggapan ng Turismo,taos-puso kaming nagpapasalamat sa inyong walang sawang suporta, pakikiba...
31/05/2026

Mula sa puso ng Pambayang Tanggapan ng Turismo,taos-puso kaming nagpapasalamat sa inyong walang sawang suporta, pakikibahagi, at pagmamahal sa ating bayan.

Ang pag-abot natin sa 14,000 followers ay hindi lamang isang numero ito ay dahilan upang lalo naming pagbutihin ang pagbabahagi ng mga kwento, tradisyon, kultura, at mga natatanging destinasyon na ipinagmamalaki ng ating minamahal na bayan.

Sa bawat like, share, comment, at pagbisita sa ating page, kayo ang naging katuwang namin sa pagpapakilala ng ganda at yaman ng Bayan ng Pulilan.

Patuloy nating ipagmalaki ang ating kasaysayan, kultura, at mga makukulay na pagdiriwang. Sama-sama nating itaguyod ang turismo at pagmamahal sa ating bayan.

Ang Pamahalaang Bayan ng Pulilan sa pangunguna ng ating Punong Bayan Igg. Rolando S. Peralta Jr. ay nakikiisa sa pagdiri...
28/05/2026

Ang Pamahalaang Bayan ng Pulilan sa pangunguna ng ating Punong Bayan Igg. Rolando S. Peralta Jr. ay nakikiisa sa pagdiriwang ng 128th Anniversary of National Flag Days bilang pagbibigay-pugay sa Watawat ng Pilipinas, ang sagisag ng ating kalayaan, pagkakaisa, at makabayang adhikain bilang isang sambayanan.

Nawaโ€™y magsilbi itong paalala sa kagitingan at sakripisyo ng ating mga bayani, at maging inspirasyon upang patuloy nating mahalin, igalang, at paglingkuran ang ating bayan nang may dangal, katapatan, at malasakit.

25/05/2026

The road is calling and the adrenaline is surging!

Registration for the Bulacan Marathon 2026 is NOW OFFICIALLY LIVE, and weโ€™re taking things to a whole new level!

โ€‹This isn't just a race; it's a heart-pumping, sweat-dripping, adrenaline-fueled journey through the "Land of the Heroes." Whether you're a seasoned marathoner or a first-time 5K challenger, BM has the perfect category for YOU:

42KM- 2,299
21KM - P1,799
10KM - P1,399
5KM - P899

Entitlements for each participant:
โœ… Race Bib with TIME CHIP
โœ… Full Sublimation Singlet
โœ… Finisher Shirt (also sublimated)
โœ… Finisher Medal (6.5โ€ for 42KM, 5.5" for 21KM, 4" for 10KM & 5KM)
โœ… String Bag

PLUS! The first 1,000 42KM and first 1,500 21KM registrants will receive exclusive BM Vamos Socks!

Registration Link:
https://teammalofit.myruntime.com/register/bulacanmarathon

Walk-in Registration:
Pairfect Fit โ€“ Banga 1st, Plaridel Diversion Road (in front of Waltermart)
Monday to Saturday 10am to 6pm

Which distance are you conquering this year?

Drop your distance in the comments and letโ€™s see whoโ€™s ready to dominate!

22/05/2026

Ang buwan ng Mayo, ating binibigyang parangal ang Mahal na Birhen Maria sa ating araw-araw na pag-aalay ng mga bulaklak. Ito ay isang natatanging tradisyon nating mga Pilipino, ang Flores de Maria o mas kilala bilang Flores de Mayo bilang pagpaparangal kay Maria, ang pinakamagandang bulaklak sa hardin ng Panginoon.

Bilang pagdiriwang sa Kapistahan ng Virgen de las Flores, ngayong ika-24 ng Mayo 2026, ang Banal na Misa ay sa ganap na ika-3 ng hapon at susundan naman ito ng Sagalahan sa ganap na ika-4:30 ng hapon.

Ang lahat ay inaanyayahan na makiisa at magbigay parangal sa ating Mahal na Ina, ang Reyna de las Flores sa pangunguna ni Bb. Maria Theone Alfonso Lomongo, Hermana Mayor 2026.

Halina't makiisang mag-alay ng bulaklak sa Mahal na Birheng Maria.

Taos-pusong pasasalamat po sa lahat ng aming sponsors at katuwang na naging bahagi ng tagumpay ng Kneeling Carabao Festi...
18/05/2026

Taos-pusong pasasalamat po sa lahat ng aming sponsors at katuwang na naging bahagi ng tagumpay ng Kneeling Carabao Festival 2026! ๐Ÿƒ๐ŸŒพ

Dahil sa inyong walang sawang suporta, pagtitiwala, at malasakit, mas naging makulay, masaya, at makabuluhan ang pagdiriwang na ito para sa buong bayan ng Pulilan.

Maraming salamat sa pagiging bahagi ng aming tradisyon at kultura. Nawaโ€™y patuloy pa nating mapagyaman at maipagmalaki ang ating minamahal na festival sa mga susunod pang taon.

Mabuhay po kayong lahat at maraming maraming salamat! ๐Ÿ™

16/05/2026
16/05/2026

An acoustic escape right here in Pulilan. Come for the coffee, stay for the tunes! โ˜•๏ธ๐ŸŽถ

Ang Pambayang Tanggapan ng Turismo ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa ating taunang pagdiriw...
16/05/2026

Ang Pambayang Tanggapan ng Turismo ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa ating taunang pagdiriwang ng Kneeling Carabao Festival 2026 at Kapistahan ni San Isidro Labrador. Sa Pamahalaang Bayan ng Pulilan sa pamumuno at gabay ng ating Punong Bayan Igg. Rolando S. Peralta Jr. at sa bumubuo ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ng ating Pangalawang Punongbayan Igg. Abgda Imelda DJ Cruz, sa SB Committee on Tourism kina Igg. Maro Domingo, Igg Juene Buquid at Igg Peter Dionisio sa lahat ng mga sumusunod na tanggapan at pinuno nito:

Mayor's Office
TREASURY- Leonida Atienza
BUDGET- Gilbert Gapac
Accounting- Paulo Berbenzana
MDRRMO - Archie Leonardo
MHO- Dr. Maria Ester Villanueva
GSO- Remedios Borja
MENRO- Roberto Cruz
TMO- Amado Cruz Jr.
PESO- Regina Go
LYDO- Maureen De Guzman
PNP- PltCol Eric Cister
PAIO- Pauleen Cruz
MWSO- Ranie Dalisay
MAO- Arnel Cruz
HRMO- Elena Esguerra
BFP- FsInsp Joshua Ayson

Sa mga Kapitan ng bawat barangay at mga barangay Tourism Coordinators, sa mga Banchetto stall operators, sponsors, mga samahan, force multipliers at volunteers, sa ating mga suppliers, event partners Pulilan Krew sir Michael Alfaro at Weekender Events Ejay De Luna, Hiraya Indak Performing Group sa pangunguna ni Kons. Ogi Tan Duenas at sa hanay ng Dambana at Parokya ni San Isidro Labrador. Sa Hermanidad sa pangunguna ni Reb. Monsignor Dario Cabral, G at Gng Tito at Julie Ponce at anak Ms. Chelsea Ponce, sa PPC at SPPC at Marshals. Kina Kuya Jojo Bro. Toto, Dspsil Soccom, Bro Xyrus at Ate Harrieth.

Sa ating KCF Team

Santi Santos
Ryan Aguirre
Edwin Esperida
Rensie Navarro
Renz Andan
Ricky Aguilar
Danica Coronel
Gary Garcia

Kahit na humarap tayo sa matinding pagsubok ay naisagawa natin na maging makabuluhan ang pagdiriwang ng kapistahan at ito ay dahil sa pakikiisa ng lahat isang patunay na ramdam ang fiestang Pulilenyo. Muli maraming salamat po sa inyong lahat!


Address

M. H Del Pilar Street
Pulilan
3005

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639612726099

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pulilan Tourism Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Pulilan Tourism Office:

Share