08/06/2026
ποΈ MUNICIPAL ORDINANCE NO. 12-05, s. 2025: ELDERLY ASSISTANCE PROGRAM ποΈ
May-Akda: Hon. Zandro Cuevo Hipolito
Ka May-Akda: Hon. Lovy Leslie B. Valenzuela
Ka May-Akda: Hon. John J. Nethercott
Isang makasaysayan at makabuluhang araw para sa ating bayan!
Isang taos-pusong pasasalamat ang ating ipinaabot sa ating butihing Punong Bayan, Mayor Rj Peralta, sa ating Pangalawang Punong Bayan, Vice Mayor Atty. Imee Cruz, at sa aking mga kasamahan sa Sangguniang Bayan. Maraming salamat sa inyong buong-pusong pagsuporta at pagpapatibay sa inihain nating Ordinansa para sa kapakanan ng ating mga minamahal na Senior Citizens.
Gayundin, labis ang ating pasasalamat sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWD) at sa lahat ng ahensya ng ating pamahalaang lokal. Sa pamamagitan ng inyong dedikasyon, pormal nang naisakatuparan noong ika-4 ng Hunyo, 2025 ang Launching and Payout ng Elderly Assistance Program na ginanap sa SM Center Pulilan.
Ang programang ito ay naglalayong magkaloob ng paunang tulong pinansyal para sa limang daang (500) kwalipikadong benepisyaryong nakatatanda mula sa iba't ibang barangay ng ating bayan.
Bilang inyong lingkod-bayan, asahan ninyo ang ating patuloy na pagsisikap at paggawad ng mga panukalang batas upang mas mapalawak at madagdagan pa ang bilang ng mga senior citizen na mabibigyan ng kalinga sa mga susunod na taon.
Tunay na sa pagkakaisa. Maraming salamat po at pagpalain tayo ng Poong Maykapal!