20/07/2026
Mahalagang paalala mula sa DSWD National.
Nilinaw ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na ang listahan ng mga benepisyaryo ng UPLIFT Assistance para sa Group 2 at 3 ay hindi ginawa ng DSWD. Ito ay nagmula sa Philippine Statistics Authority (PSA) at nakabatay sa 2024 Community-Based Monitoring System (CBMS).
Ang tungkulin ng DSWD ay ang pag-cross match ng listahang ibinigay ng PSA upang matiyak ang tamang implementasyon ng programa. Wala ring kapangyarihan ang DSWD na magdagdag o mag-alis ng mga pangalan sa listahan.
Inaanyayahan ang lahat na basahin ang buong pahayag mula sa DSWD National para sa tamang impormasyon at maiwasan ang pagkalat ng maling balita.
โค๏ธ
DSWD Chief: Hindi Galing sa DSWD ang Listahan ng UPLIFT Beneficiaries
Nilinaw ni DSWD Secretary REX Gatchalian na ang listahan ng mga benepisyaryo ng UPLIFT Assistance para sa Group 2 at 3 ay hindi galing sa DSWD. Ang listahan ay nagmula sa Philippine Statistics Authority (PSA) at nakabatay sa 2024 Community-Based Monitoring System (CBMS), kung saan isinagawa ang pagtukoy sa mga kabahayan at kung sino ang kabilang sa mga "poor" at "not poor" households.
Ayon sa Kalihim, ang tungkulin ng DSWD ay ang cross-matching ng listahang ibinigay ng PSA para matiyak ang tamang implementasyon ng tulong-pinansyal. Binigyang-diin din niya na walang kapangyarihan ang Kagawaran na magdagdag o mag-alis ng mga pangalan sa listahan.
Dagdag pa ni Secretary Gatchalian, walang naging pakikialam ang sinumang politiko, opisyal o local government unit (LGU) sa pagpili ng mga benepisyaryo para matiyak na ang proseso ay nananatiling patas at nakabatay sa opisyal na datos.
โค๏ธ