PIO Palawan

PIO Palawan Provincial Information Office - the information arm of the Provincial Government of Palawan and the Palaweรฑos. #๐—ฆ๐˜‚๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฏ๐—น๐—ฒ๐—ฃ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป Serbisyo Para sa Palaweรฑo๏ฟฝ๏ฟฝ
(7)

TINGNAN | Personal na ipinagkaloob ni Gob. Amy Roa Alvarez ang tig-P300,000.00 aid sa bawat barangay sa mga munisipyo ng...
03/06/2026

TINGNAN | Personal na ipinagkaloob ni Gob. Amy Roa Alvarez ang tig-P300,000.00 aid sa bawat barangay sa mga munisipyo ng Brookeโ€™s Point at Bataraza, Palawan nitong Hunyo 3, 2026. Nauna namang naipagkaloob ang tig-P1.5-M financial assistance sa naturang mga lokal na pamahalaan.

Kasama rin ng gobernador sa pagkakaloob ng tulong sina Board Members Anton Alvarez, Ryan Maminta, Marivic Roxas, Aris Arzaga, at Ferdinand Zaballa kasama si Executive Assistant Richristopher Magbanua bilang kinatawan ni Cong. Jose Ch. Alvarez. Dumalo rin ang mga lokal na opisyales ng naturang mga munisipyo.

Ang naturang tulong ay bahagi ng suporta ng Pamahalaang Panlalawigan para sa mga prayoridad na programa at pangangailangan ng mga komunidad.

MUTYA NG PALAWAN 2026 CANDIDATES ๐Ÿ‘‘ Sino kaya ang susunod na magmamay-ari ng korona at magdadala ng karangalan sa buong P...
03/06/2026

MUTYA NG PALAWAN 2026 CANDIDATES ๐Ÿ‘‘

Sino kaya ang susunod na magmamay-ari ng korona at magdadala ng karangalan sa buong Palawan?

Abangan ang opisyal na pagpapakilala sa ating 22 kandidata sa Sashing Ceremony ngayong June 5, 2026, 6:00 PM sa PGP Gazebo, kung saan pormal na sisimulan ang kanilang paglalakbay patungo sa korona ng Mutya ng Palawan 2026.

  | PAMAHALAANG PANLALAWIGAN, PATULOY NA PINALALAKAS ANG DISASTER PREPAREDNESS AT INTER-AGENCY COORDINATION SA PALAWAN P...
03/06/2026

| PAMAHALAANG PANLALAWIGAN, PATULOY NA PINALALAKAS ANG DISASTER PREPAREDNESS AT INTER-AGENCY COORDINATION SA PALAWAN

Patuloy na pinalalakas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan, sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang disaster preparedness at inter-agency coordination sa lalawigan bilang bahagi ng adbokasiya sa ilalim ng pamumuno ni Gov. Amy Roa Alvarez.

Kaugnay nito, isinagawa ang tatlong araw na Ropemanship and Mechanical Advantage Training para sa pitumpuโ€™t tatlong (73) tauhan ng Marine Battalion Landing Team-11 (MBLT-11) sa Headquarters ng PDRRMO sa Brgy. Irawan, Lungsod ng Puerto Princesa nitong May 27-29, 2026.

Pinangunahan ng mga kawani ng PDRRMO ang nasabing pagsasanay kung saan itinuro sa mga kalahok ang ibaโ€™t ibang paraan sa pagsagip ng buhay na nangangailangan ng paggamit ng lubid gaya ng knot tying, anchoring, packaging, victim lowering, victim high line traverse, mechanical advantage, victim underwater rescue, at standard rappelling.

Samantala, layunin ng aktibidad na mapalakas ang kahandaan at kasanayan ng mga sundalo sa pagresponde at pagsagip ng buhay sa mga panahon ng emergency, gayundin ang pagpapaigting ng pakikipagtulungan sa ibaโ€™t ibang ahensya upang mas maging mabilis, ligtas, at epektibo ang pagtugon sa anumang uri ng kalamidad.

๐Ÿ“ท PIN | PDRRMO

03/06/2026

๐Ž๐…๐…๐ˆ๐‚๐ˆ๐€๐‹ ๐๐€๐‘๐“๐ˆ๐‚๐ˆ๐๐€๐๐“๐’ | ๐Œ๐”๐“๐˜๐€ ๐๐† ๐๐€๐‹๐€๐–๐€๐ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐Ÿ‘‘

Narito na ang mga opisyal na kandidata ng Mutya ng Palawan 2026!

Mula sa ibaโ€™t ibang bayan at lungsod ng Palawan, handa na silang ipakita ang kanilang ganda, talino, kumpiyansa, at natatanging kuwento para sa pinakaaabangang korona ng taon.

Ngayong taon, mas malaki ang oportunidad para sa susunod na Mutya ng Palawan na katawanin ang lalawigan sa national stage at dalhin ang galing at ganda ng Palaweรฑa sa mas malaking entablado.

Sino ang may pinakamalakas na dating? Sino ang magpapakitang-gilas sa kompetisyon? At sino ang mag-uuwi ng korona at magiging susunod na kinatawan ng Palawan?

Kilalanin ang mga kandidata at hanapin ang inyong pambato!

๐Ÿ“ Mutya ng Palawan Grand Coronation Night
June 19, 2026 | 8:00 PM
City Sports Complex




  | PAMAHALAANG PANLALAWIGAN, MGA UNIBERSIDAD AT KOLEHIYO SA PALAWAN NAGKAISA, PARA SA PINALAWAK NA YAKAP SA EDUKASYON S...
02/06/2026

| PAMAHALAANG PANLALAWIGAN, MGA UNIBERSIDAD AT KOLEHIYO SA PALAWAN NAGKAISA, PARA SA PINALAWAK NA YAKAP SA EDUKASYON SCHOLARSHIP PROGRAM


Pormal na nilagdaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa pangunguna ni Governor Amy Roa Alvarez ang Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang mga partner educational institutions para sa implementasyon ng YAKAP Sa Edukasyon Scholarship Program.

Kabilang sa mga lumagda sa kasunduan ang Palawan State University sa pangunguna ni Prof. Marissa S. Pontillas, OIC-University President; Western Philippines University sa pangunguna ni Dr. Amabel Liao, University President; Holy Trinity University sa pamumuno ni Sister Mary Ann Licayan Allag, University President; at Palawan Polytechnic College Incorporated sa pamamagitan ni Dr. Harnould Cheng, Director of Linkages, na kumatawan kay President Eric Alterado.

Nakasaad sa MOA na ang YAKAP Sa Edukasyon Scholarship Program ay itinatag sa pamamagitan ng Provincial Ordinance No. 3731, series of 2025, at ng Implementing Rules and Regulations nito upang magbigay ng educational assistance sa mga karapat-dapat na mag-aaral sa lalawigan.

Bilang bahagi ng programang ito, pinagtitibay ng pamahalaang panlalawigan ang pakikipagtulungan nito sa mga kinikilalang educational institutions upang matiyak ang maayos at mabilis na implementasyon ng scholarship program.

Nagpakita rin ng suporta sa programa sina Board Members Anton Alvarez, Ryan Maminta, Rafael Ortega Jr, Roseller Pineda, Cherry Pie Acosta, Aris Arzaga, at PCL President Jake Tan.

โ€œWe want to give every Palaweรฑo and every sector the opportunity to finish and obtain higher education. I honestly believe everyone deserves an equal opportunity and chance to finish school,โ€ ani Gov. Alvarez sa ginanap na maikling press interview matapos ang MOA signing.

Samantala, isa sa prayoridad ni Gob. Alvarez ang patuloy na palawigin ang access sa edukasyon sa pamamagitan ng Yakap sa Edukasyon Scholarship Program, na kung saan layon nito na hindi lamang masuportahan ang pag-aaral ng mga Palaweรฑo, kundi makapaghatid din ng mas maraming kwalipikadong propesyunal lalo na sa larangan ng medisina na handang maglingkod sa lalawigan.

Sa ganitong paraan, higit na mapapalakas ang sektor ng kalusugan sa Palawan at matitiyak ang de-kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa mga mamamayan.

  | PAGKAKALOOB NG SEAWEEDS INPUTS AT PROPAGULES, ISINAGAWA NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN SA MGA MUNISIPYO NG ESPAร‘OLA AT ...
02/06/2026

| PAGKAKALOOB NG SEAWEEDS INPUTS AT PROPAGULES, ISINAGAWA NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN SA MGA MUNISIPYO NG ESPAร‘OLA AT QUEZON

Matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan ang orientation at awarding ng KANEGOSYOPA o "Kagamitang Negosyong Pangkabuhayanโ€ na seaweeds inputs at propagules para sa mga seaweeds fisherfolk nitong nakalipas na Mayo 26-27, 2026.

Kabilang sa mga benepisyaryo ang Sungan Sungan Fisherfolks Association ng Barangay Panitian, Sofronio Espaรฑola at Sea Clab Farm Association ng Barangay Tabon sa munisipyo ng Quezon.

Layunin ng programang ito na higit pang mapalakas ang kabuhayan ng mga mangingisda at seaweed growers sa lalawigan.

Bukod sa seaweeds inputs at propagules, tumanggap din ang mga asosasyon ng ibaโ€™t ibang agricultural inputs mula sa PAgO na makatutulong upang higit nilang mapalago ang kanilang produksyon at mapabuti ang antas ng kanilang pamumuhay.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga miyembro ng nasabing asosasyon sa pamahalaang panlalawigan sa patuloy na pagbibigay ng suporta at oportunidad para sa kanilang hanapbuhay. Ayon sa kanila, malaking tulong ang mga ipinagkaloob na kagamitan at propagules upang mapalawak pa ang kanilang seaweeds production at magkaroon ng mas matatag na kabuhayan para sa kanilang mga pamilya.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Livelihood Project Management Unit (LPMU) sa pamumuno ni Program Manager Roque S. Dela Peรฑa mula sa Office of the Governor, katuwang ang Provincial Agriculture Office (PAgO) at sa pakikipagtulungan ng Municipal Agriculture Office (MAO) at Mayors Office sa pamumuno nina Mayor Lily G. Torrico ng Quezon at Mayor Abner Rafael N. Tesorio ng Espaรฑola.

Samantala, sa ilalim ng PALAWAN+PLUS Development Agenda at CareGov Framework ni Gov. Amy Roa Alvarez, patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga programang nagbibigay ng direktang suporta sa sektor ng agrikultura lalo na sa maliliit na asosasyon sa ibaโ€™t ibang munisipyo ng Palawan.

(Contributed by: LPMU)

๐๐‘๐”๐’๐‡๐„๐’ ๐”๐, ๐‚๐€๐‹๐‹๐ˆ๐๐† ๐€๐‹๐‹ ๐๐€๐‹๐€๐–๐„ร‘๐Ž ๐€๐‘๐“๐ˆ๐’๐“๐’!If youโ€™re an artist ready to showcase your finest work, the Baragatan Arts Pain...
01/06/2026

๐๐‘๐”๐’๐‡๐„๐’ ๐”๐, ๐‚๐€๐‹๐‹๐ˆ๐๐† ๐€๐‹๐‹ ๐๐€๐‹๐€๐–๐„ร‘๐Ž ๐€๐‘๐“๐ˆ๐’๐“๐’!

If youโ€™re an artist ready to showcase your finest work, the Baragatan Arts PaintingCompetition 2026 is open for you.

Step up, showcase your creativity, and let your masterpiece speak for your talent and passion. This is your moment to shine and be seen.

WHO CAN JOIN?
โœ“ Open to all Palaweรฑo artists
โœ“ 18 years old and above
โœ“ Previous Second Place and Third Place winners may still participate.

NOT ELIGIBLE TO JOIN:
โ€ข Former First Prize winners
โ€ข Organizers, judges, and PTC members
โ€ข Immediate family members of organizers and judges

๐Ÿ“Œ Only one (1) entry per artist is allowed.

GUIDELINES:
โ€ข 3ft x 3ft square canvas only
โ€ข Oil, acrylic, mixed media, and hand-executed artworks only
โ€ข Artwork must be ready for display and fully dry upon submission
โ€ข Shaped or irregular canvases are not allowed
โ€ข Entries must be original and unpublished
โ€ข AI-generated content is strictly prohibited
โ€ข Artwork must be signed and labeled at the back only
โ€ข Late, incomplete, wet, or non-compliant entries may be rejected or disqualified

๐Ÿ“ Submit your artwork on or before June 11, 2026 at the Palawan Heritage Center, Provincial Capitol Complex, Brgy. Tanglaw, Puerto Princesa City.

REQUIREMENTS:
โ€ข Official Entry Form
โ€ข 2x2 ID Picture
โ€ข Printed and digital photo of the artwork
โ€ข Artist Statement
โ€ข Proper artwork label at the back (Artistโ€™s Name, Title of Artwork, Medium Used, and Contact Information)

Winning artworks will become property of the Provincial Government of Palawan and non-winning artworks may be claimed within 15 days after the exhibition.

Handa na ba ang canvas mo?

To Register:
https://tinyurl.com/4c89j233

For more information, kindly contact the Baragatan Secretariat at:
Globe: 0956 716 6074
Smart: 0929 467 6162

๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Š๐€๐‹๐ˆ๐Š๐€๐’๐€๐, ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Š๐ˆ๐๐€๐๐”๐Š๐€๐’๐€๐ Hindi lang ito simpleng paligsahan, ito ay pagkakataon para sa bawat kabataang Pa...
01/06/2026

๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Š๐€๐‹๐ˆ๐Š๐€๐’๐€๐, ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Š๐ˆ๐๐€๐๐”๐Š๐€๐’๐€๐

Hindi lang ito simpleng paligsahan, ito ay pagkakataon para sa bawat kabataang Palaweรฑo na gamitin ang talento, galing, at boses para sa Inang Kalikasan.

Ngayong June 17, 2026 | 8:00 AMโ€“5:00 PM sa SM Puerto Princesa, sama-sama nating bigyang buhay ang Environmental Contest ng Baragatan Festival 2026 na may temang: โ€œ๐‡๐ž๐š๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ญ๐ฎ๐ซ๐ž, ๐’๐ž๐œ๐ฎ๐ซ๐ข๐ง๐  ๐Ž๐ฎ๐ซ ๐…๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ซ๐žโ€

Ipakita ang iyong husay, talino, at malasakit sa pamamagitan ng:
๐Ÿ“ธ Photo Contest
๐Ÿง  Quiz Bee
๐ŸŽฅ Reels Competition
๐ŸŽจ Painting Contest

I-check ang QR codes para sa registration at kumpletong guidelines.

Sa bawat kuha, bawat sagot, bawat video, at bawat obra, may mensaheng kayang magmulat, magbigay inspirasyon, at magbigay boses para sa kalikasan.

Ngayong Baragatan, gawin nating mas makulay, mas makabuluhan, at mas makakalikasan ang selebrasyon dahil ang pag-aalaga sa kalikasan ay hindi lang responsibilidad, pagmamahal din ito para sa susunod na henerasyon. ๐ŸŒฑ

  | PSWDO, KATUWANG NG MGA LOKAL NA PAMAHALAAN SA PAGTATAGUYOD NG KAALAMAN AT PAGPROTEKTA SA MGA BATA AT KABABAIHANPatul...
01/06/2026

| PSWDO, KATUWANG NG MGA LOKAL NA PAMAHALAAN SA PAGTATAGUYOD NG KAALAMAN AT PAGPROTEKTA SA MGA BATA AT KABABAIHAN

Patuloy na isinusulong ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang pagpapalawak ng kaalaman at pagpapalakas ng mga mekanismo para sa proteksyon ng mga bata at kababaihan sa Palawan.

Sa isinagawang Gender Sensitivity Training at Orientation on Handling Cases of Children at Risk (CAR), Children in Conflict with the Law (CICL), Children in Need of Special Protection (CNSP) at Violence Against Women and Their Children (VAWC) noong Mayo 29, 2026 sa munisipyo ng Narra, ibinahagi sa mga kawani ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng naturang bayan ang mahahalagang kaalaman patungkol sa gender sensitivity, mga karapatan ng kababaihan at kabataan at wastong paghawak sa mga kasong kinasasangkutan ng mga sektor na nangangailangan ng espesyal na proteksyon.

Tinalakay din dito ang mga umiiral na batas, intervention mechanisms, at community-based approaches upang mapalakas ang kakayahan ng mga partisipante sa pagtugon sa mga usaping may kinalaman sa kapakanan at kaligtasan ng mga bata at kababaihan.

Nagsilbing tagapagsalita ang mga social welfare officers mula sa PSWDO na sina Gng. Danlyn A. Gutierrez at Gng. Ruby Claire Escubin, base na rin sa direktiba ni PSWDO Abigail D. Ablaรฑa. Ito ay inorganisa ng MSWDO ng Narra bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng gender-responsive, child-friendly at mas inklusibong mga komunidad sa Palawan na nakapaloob sa PALAWAN + PLUS Development Agenda ni Gov. Amy Roa Alvarez.

๐Ÿ“ธPSWDO

  | UNIFIED SERBISYO CARAVAN, HANDOG NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN SA MUNISIPYO NG RIZALMatagumpay na nagsagawa ang Pamaha...
01/06/2026

| UNIFIED SERBISYO CARAVAN, HANDOG NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN SA MUNISIPYO NG RIZAL

Matagumpay na nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan ng Unified Serbisyo Caravan sa munisipyo ng Rizal noong Mayo 28, 2026 sa pamamagitan ng Peace and Security Cluster - Pathways to Peace and Reintegration (PPR), katuwang ang lokal na pamahalaan ng Rizal.

Layunin ng aktibidad na mailapit ang mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan sa mga Geographically, Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA), partikular sa mga Former Rebels, Community affected with conflicts, Indigenous groups at iba pang vulnerable sectors sa bayan.

Kabilang sa mga serbisyong ipinagkaloob ang general at dental health services, libreng gupit, pamamahagi ng school supplies, libro at hygiene kits, gayundin ang registration para sa National ID at PhilHealth.

Batay sa tala, mahigit 60 Palaweรฑo ang nabigyan ng libreng gupit, 70 ang nakatanggap ng dental services, habang 80 naman ang natulungan ng Philippine Statistics Authority para sa National ID registration at iba pang kaugnay na serbisyo.

Nakiisa rin sa aktibidad ang ibaโ€™t ibang government at private partner agencies kabilang ang Provincial Health Office, Livelihood Project Management Unit, Philippine Statistics Authority, Marine Battalion Landing Team 11, JCI Puerto Princesa Oil, Philippine Commando Brotherhood Inc., at KADRE Palawan.

Bahagi ang programang ito ng patuloy ang pagsisikap ng pamahalaang panlalawigan upang maihatid ang serbisyong pampubliko sa mga komunidad na may limitadong access sa mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan.

(Contributed by: Peace and Security Cluster - Pathways to Peace and Reintegration)

Address

Puerto Princesa
5300

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PIO Palawan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to PIO Palawan:

Share