City Information Department of Puerto Princesa

City Information Department of Puerto Princesa Creative Media | Special Events | Media Relations
News, broadcast, and production for timely, credible, and impactful public communication.
(7)

04/06/2026

๐๐€๐€๐‹๐€๐‹๐€ ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž

Ipinaaalam sa lahat ng mga kinauukulan na ang huling araw ng pagbabayad ng buwis (tax) ay sa ๐‡๐”๐‹๐˜๐Ž ๐Ÿ“.

Kaugnay nito, hinihikayat ang lahat na maagang magbayad o magtungo sa kinauukulang tanggapan bago o sa nasabing petsa upang maiwasan ang anumang abala, surcharge, o kaukulang multa.

Para sa karagdagang impormasyon at iba pang katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa aming tanggapan.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pakikipagtulungan.


๐Œ๐€๐˜๐‘๐Ž๐Ž๐๐† ๐๐€๐๐€๐‘๐€๐“๐ˆ๐๐† ๐๐€ ๐“๐”๐‹๐Ž๐๐† ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐Œ๐€๐†-๐€๐€๐‘๐€๐‹!Ano nga ba ang nilalaman ng Ordinance No. 1282? Paano ito makakatulo...
04/06/2026

๐Œ๐€๐˜๐‘๐Ž๐Ž๐๐† ๐๐€๐๐€๐‘๐€๐“๐ˆ๐๐† ๐๐€ ๐“๐”๐‹๐Ž๐๐† ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐Œ๐€๐†-๐€๐€๐‘๐€๐‹!

Ano nga ba ang nilalaman ng Ordinance No. 1282? Paano ito makakatulong sa mga estudyante at pamilya sa Puerto Princesa?

Abangan ngayong hapon ang mahalagang anunsiyo tungkol sa Student Assistance Program para sa mga mag-aaral sa pampublikong paaralan.

๐Ÿ’ฌ May mga katanungan? I-comment lamang sa ibaba at sasagutin natin ang inyong mga tanong.

๐Ÿ”” Follow our page para sa mga susunod pang updates at impormasyon na may direktang epekto sa edukasyon at kinabukasan ng ating mga kabataan.


 #๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š๐ง๐ ๐’๐š๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐š๐ง || ๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐๐†๐€๐‹๐€๐ ๐’๐€ ๐๐Ž๐‘๐“๐‡๐–๐„๐’๐“ ๐‘๐Ž๐€๐ƒ, ๐‡๐€๐Š๐๐€๐๐† ๐“๐”๐๐†๐Ž ๐’๐€ ๐Œ๐€๐’ ๐Œ๐€๐€๐˜๐Ž๐’ ๐๐€ ๐๐€๐†๐Š๐€๐Š๐€๐Š๐ˆ๐‹๐€๐๐‹๐€๐ ๐€๐“ ๐๐€๐†๐๐€๐๐‹๐€๐๐Ž ๐๐†...
04/06/2026

#๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š๐ง๐ ๐’๐š๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐š๐ง || ๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐๐†๐€๐‹๐€๐ ๐’๐€ ๐๐Ž๐‘๐“๐‡๐–๐„๐’๐“ ๐‘๐Ž๐€๐ƒ, ๐‡๐€๐Š๐๐€๐๐† ๐“๐”๐๐†๐Ž ๐’๐€ ๐Œ๐€๐’ ๐Œ๐€๐€๐˜๐Ž๐’ ๐๐€ ๐๐€๐†๐Š๐€๐Š๐€๐Š๐ˆ๐‹๐€๐๐‹๐€๐ ๐€๐“ ๐๐€๐†๐๐€๐๐‹๐€๐๐Ž ๐๐† ๐๐€๐†-๐”๐๐‹๐€๐ƒ
๐๐จ๐ซ๐ฆ๐š ๐‹๐ฒ๐ง ๐ƒ๐š๐ฏ๐ž, ๐‚๐ˆ๐Ž ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š ๐‡๐ฎ๐ง๐ฒ๐จ ๐ŸŽ๐Ÿ’, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Isang mahalagang hakbang para sa pagpapalakas ng pagkakakilanlan at mas mahusay na pamamahala sa mga barangay sa hilagang-kanlurang bahagi ng Puerto Princesa ang isinagawang public hearing kaugnay ng panukalang pagpapangalan sa Northwest Road bilang Edward S. Hagedorn Road noong Hunyo 3 sa Covered Gym ng Barangay Buenavista.

Dinaluhan ang pagdinig ng mga punong barangay, barangay kagawad, at mga residente mula sa mga barangay ng Bahile, Buenavista, Cabayugan, Macarascas, at Tagabinet bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa ordinansang iniakda nina Konsehal Luis M. Marcaida III, Konsehal Gerry C. Abad, at Konsehal Matthew K. Mendoza.

Ayon kay Konsehal Marcaida, layunin ng panukala na bigyang pagkilala ang hindi matatawarang ambag ng yumaong dating Punong Lungsod at Kongresista na si Edward S. Hagedorn sa pag-angat ng Puerto Princesa bilang pangunahing eco-tourism destination sa bansa. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, higit na nakilala sa buong mundo ang Puerto Princesa Subterranean River National Park, na kalauna'y kinilala bilang isa sa New 7 Wonders of Nature at patuloy na nagsisilbing pangunahing dahilan ng pagdagsa ng mga turista sa lungsod.

Bukod sa pagkilala sa kanyang pamana sa turismo, sumasalamin din ang panukala sa mga tagumpay ng lungsod sa larangan ng kalinisan, pangangalaga sa kapaligiran, at urban development na naging daan upang maideklarang Highly Urbanized City ang Puerto Princesa.

Higit sa simbolikong pagkilala, inaasahang magdudulot din ng konkretong benepisyo sa mga residente ang pagkakaroon ng opisyal na pangalan ng naturang kalsada. Magiging mas madali ang pagtukoy sa eksaktong lokasyon ng mga ari-arian, establisimyento, at komunidad na matatagpuan sa kahabaan nito, bagay na makatutulong sa mas episyenteng paghahatid ng serbisyo ng pamahalaan.

Makikinabang din dito ang iba't ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan, kabilang ang City Assessorโ€™s Office, sa pagsasagawa ng tax mapping, property identification, at iba pang development planning activities. Inaasahan ding magiging mas maayos ang pagtukoy ng mga lokasyon para sa emergency response, delivery services, at iba pang transaksyong nangangailangan ng malinaw na address system.

Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang opisyal at makasaysayang pangalan ng pangunahing lansangan sa northwest corridor, higit pang mapapalakas ang identidad ng mga komunidad sa lugar habang sinusuportahan ang patuloy na paglago ng turismo, negosyo, at lokal na ekonomiya.

Ang resulta ng isinagawang public hearing ay nakatakdang iulat sa Sangguniang Panlungsod para sa deliberasyon at kaukulang aksyon hinggil sa pagsasabatas ng naturang ordinansa.



PANAWAGAN sa mga sumusunod na stall holders ng San Jose Public Market na pumunta sa opisina ng San Jose Public Market sa...
04/06/2026

PANAWAGAN sa mga sumusunod na stall holders ng San Jose Public Market na pumunta sa opisina ng San Jose Public Market sa lalong madaling panahon para sa mahalagang usapin. Sa mga nakakakilala po sa kanila, pakiparating din po ang panawagang ito.

Maraming Salamat po!

 #๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š๐ง๐ ๐๐š๐ง๐ ๐ค๐š๐›๐ฎ๐ก๐š๐ฒ๐š๐ง || ๐‰๐Ž๐๐’ ๐…๐€๐ˆ๐‘ ๐’๐€ ๐๐€๐‹๐’๐”, ๐๐€๐†๐๐”๐Š๐€๐’ ๐๐† ๐Œ๐€๐‘๐€๐Œ๐ˆ๐๐† ๐Ž๐๐Ž๐‘๐“๐”๐๐ˆ๐ƒ๐€๐ƒ ๐’๐€ ๐“๐‘๐€๐๐€๐‡๐Ž ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐๐”๐„๐‘๐“๐Ž ๐๐‘๐ˆ๐๐‚๐„๐’๐€๐ ...
03/06/2026

#๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š๐ง๐ ๐๐š๐ง๐ ๐ค๐š๐›๐ฎ๐ก๐š๐ฒ๐š๐ง || ๐‰๐Ž๐๐’ ๐…๐€๐ˆ๐‘ ๐’๐€ ๐๐€๐‹๐’๐”, ๐๐€๐†๐๐”๐Š๐€๐’ ๐๐† ๐Œ๐€๐‘๐€๐Œ๐ˆ๐๐† ๐Ž๐๐Ž๐‘๐“๐”๐๐ˆ๐ƒ๐€๐ƒ ๐’๐€ ๐“๐‘๐€๐๐€๐‡๐Ž ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐๐”๐„๐‘๐“๐Ž ๐๐‘๐ˆ๐๐‚๐„๐’๐€๐
๐‘๐ข๐œ๐ค๐ฒ ๐Ž๐›๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ซ, ๐‚๐ˆ๐Ž ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š
๐‡๐ฎ๐ง๐ฒ๐จ ๐Ÿ‘, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Labintatlong (13) aplikante ang naging Hired On The Spot (HOTS) sa isinagawang Jobs Fair ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng City Public Employment Service Office (PESO) noong Mayo 28, 2026 sa Palawan State University Gym.

Bahagi ang nasabing aktibidad ng patuloy na pagsusumikap ng pamahalaan na mailapit ang mga oportunidad sa trabaho sa mga mamamayan at mabigyan sila ng agarang pagkakataon na makahanap ng disenteng hanapbuhay.

Sa kabuuang 347 aplikante na lumahok sa Jobs Fair, 276 ang kababaihan at 71 ang kalalakihan. Kabilang sa mga agad na natanggap sa trabaho ang pito (7) na na-hire ng William Tan Enterprises, Inc. para sa mga posisyong Credit Analyst, HR Staff, Cashier, at apat (4) na Bookkeeper. Samantala, anim (6) naman ang natanggap ng WTE Food Corporation para sa mga posisyong Logistics Service Provider (LSP) at Service Crew.

Naging matagumpay ang aktibidad sa tulong at pakikiisa ng mga pribado at pampublikong institusyon na naglaan ng ibaโ€™t ibang oportunidad sa trabaho. Lubos ang pasasalamat ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa sa lahat ng employers at stakeholders na nakiisa sa programa, kabilang ang Adventist Hospital Palawan, Bureau of Jail Management and Penologyโ€“Female Dormitory, Charlton Media Group, Cooperative Bank of Palawan, Corazon Travel and Tours, DMCI Power Corporation, El Nido Resorts, Foundever, Four Points by Sheraton, Hex & Hub Printing Services, Imperial Appliance Plaza, Lionheart Farms, Maxicare Health Services, Inc., New City Commercial Corp. (NCCC), Paragua Distribution Inc., Philippine Statistics Authority, PRU Life U.K., Robinsons Place Palawan, SM Appliances Center Inc., SM Store, SM Supermarket, St. Peter Life Plan, Staff Search Asia Cooperative, The Funny Lion, Toyota Puerto Princesa, at Virginia Food Inc.

Ang kanilang suporta ay mahalagang ambag sa pagsisikap ng lungsod na mabawasan ang kawalan ng trabaho at mapalawak ang oportunidad para sa mga naghahanap ng hanapbuhay.

Patuloy namang ipinapahayag ng pamahalaang panlungsod, sa pamumuno ni Mayor Lucilo R. Bayron, ang buong suporta nito sa mga programa ng City PESO na naglalayong mapahusay ang pagkakaloob ng pangkabuhayan o trabaho ng mga mamamayan, lalo na ng mga kabataan. Sa pamamagitan ng mga programang tulad ng Jobs Fair, patuloy na nagsisilbing tulay ang lokal na pamahalaan sa pagitan ng mga employer at mga naghahanap ng trabaho upang makamit ang mas matatag at mas maunlad na kinabukasan para sa bawat Puerto Princesan.



๐Ÿ“ฃ Property owners, this is your reminder!The Real Property Tax Amnesty Program is available only until July 5. This is y...
03/06/2026

๐Ÿ“ฃ Property owners, this is your reminder!

The Real Property Tax Amnesty Program is available only until July 5. This is your chance to settle outstanding real property taxes and move forward with peace of mind.

๐Ÿ—“๏ธ Don't miss the deadlineโ€”visit the City Treasurer's Office today.

02/06/2026
The City Government of Puerto Princesa congratulates Director Myla B. Panganiban on her well-deserved promotion.This ach...
01/06/2026

The City Government of Puerto Princesa congratulates Director Myla B. Panganiban on her well-deserved promotion.

This achievement reflects her dedication, exemplary leadership, and commitment to excellence in public service.

Congratulations, Director Panganiban, on this significant milestone.

 #๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š๐ง๐ ๐“๐š๐ ๐š๐ฉ๐š๐ ๐ญ๐š๐ฌ๐š || ๐‚๐ˆ๐“๐˜ ๐€๐’๐’๐„๐’๐’๐Ž๐‘โ€™๐’ ๐Ž๐…๐…๐ˆ๐‚๐„, ๐๐ˆ๐๐€๐ˆ๐†๐“๐ˆ๐๐† ๐€๐๐† ๐’๐„๐‘๐๐ˆ๐’๐˜๐Ž ๐€๐“ ๐๐€๐๐†๐€๐๐†๐€๐‹๐€๐ ๐๐† ๐Š๐ˆ๐“๐€ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐‹๐”๐๐†๐’๐Ž๐ƒ ๐€๐Œ๐ˆ๐„ ๐๐Ž๐...
01/06/2026

#๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š๐ง๐ ๐“๐š๐ ๐š๐ฉ๐š๐ ๐ญ๐š๐ฌ๐š || ๐‚๐ˆ๐“๐˜ ๐€๐’๐’๐„๐’๐’๐Ž๐‘โ€™๐’ ๐Ž๐…๐…๐ˆ๐‚๐„, ๐๐ˆ๐๐€๐ˆ๐†๐“๐ˆ๐๐† ๐€๐๐† ๐’๐„๐‘๐๐ˆ๐’๐˜๐Ž ๐€๐“ ๐๐€๐๐†๐€๐๐†๐€๐‹๐€๐ ๐๐† ๐Š๐ˆ๐“๐€ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐‹๐”๐๐†๐’๐Ž๐ƒ
๐€๐Œ๐ˆ๐„ ๐๐Ž๐๐€๐‹๐„๐’, ๐‚๐ˆ๐Ž ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š
๐‰๐ฎ๐ง๐ž ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Patuloy na pinalalakas ng City Assessorโ€™s Office ng Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa ang mga programa at serbisyo nito upang matiyak ang maayos na pamamahala sa real property assessment at mapalawak ang kita ng lungsod na nakalaan para sa mga pangunahing programa at serbisyo para sa mamamayan.

Ibinahagi ni Puerto Princesa City Assessor Edsel C. Davila na mula Enero hanggang Abril 2026 ay umabot na sa P68.35 milyon o 13.67 porsyento ng target na P500 milyong assessed value ng mga ari-ariang di natitinag ang natapos ng kanilang tanggapan. Katumbas ito ng tinatayang P5.5 milyong real property tax collection para sa kasalukuyang taon.

Malaki rin ang naging ambag ng opisina sa pagdaragdag ng kita ng lungsod sa unang apat na buwan ng taon matapos makalikom ng P1.5 milyon mula sa mga certification fees at assessment records. Kabilang dito ang libo-libong certified copies ng tax declarations, certifications of improvement, certifications on land holdings, certified tax maps at subdivision plans na patuloy na inaasikaso ng tanggapan bilang bahagi ng frontline services nito.

Bukod dito, nakapagtala rin ang City Assessorโ€™s Office ng tinatayang P8.4 milyong incidental income mula sa transfer fees at transfer tax, habang karagdagang P176,000 naman ang nalikom mula sa late filing at late notifications.

Bunga ng patuloy na pagpapaigting ng assessment activities noong 2025, naitaas ng tanggapan ang assessed value ng real properties sa lungsod sa P616 milyonโ€”mas mataas sa itinakdang target na P500 milyon.

Dahil dito, umabot sa tinatayang P366 milyong real property tax collectible ang inaasahan ngayong 2026, o P12 milyon na mas mataas kumpara sa orihinal na target.

Kaugnay nito, patuloy ring isinusulong ng City Assessorโ€™s Office ang mga makabagong programa upang higit pang mapabilis at mapahusay ang serbisyo sa publiko. Kabilang dito ang pagpapalakas ng Tax Mapping Land Information System sa pamamagitan ng intranet o local network accessible mapping upang mas maging mabilis at mas tumpak ang pagbibigay ng impormasyon sa mga kliyente.

Inaasahan ding maipatutupad ang online transaction requests bilang bahagi ng pagpapahusay ng frontline services para maging mas maginhawa at accessible ang pagkuha ng dokumento at iba pang serbisyo ng tanggapan.

Kasabay nito, paghahandaan din ng opisina ang Tax Impact Study matapos maaprubahan ang schedule of market values ng Bureau of Local Government Finance, kabilang ang pagbuo ng Interim Real Property Valuation Unit at paghahain ng kinakailangang ordinansa sa Sangguniang Panlungsod para sa general revision ng assessment and classification sa 2027, alinsunod sa Republic Act 12001 o Real Property Valuation and Assessment Reform Act.

Patuloy ring paiigtingin ng tanggapan ang pagtukoy sa mga undeclared real properties sa lungsod sa pakikipag-ugnayan sa ibaโ€™t ibang tanggapan ng pamahalaan at sektor ng komunidad.

Sa pamamagitan ng mga inisyatibong ito, layunin ng City Assessorโ€™s Office na higit pang mapaigting ang pangangalap ng kita ng lungsod at masiguro ang episyente, maaasahan at makabagong serbisyong maipagkakaloob sa bawat Puerto Princesan.


Address

New Green City Hall Ground Floor, Bgy. Sta. Monica
Puerto Princesa
5300

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when City Information Department of Puerto Princesa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to City Information Department of Puerto Princesa:

Share