08/10/2026
๐๐๐ ๐๐๐๐๐
๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐-๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Sumailalim sa Training on Proper Hog Fattening Operation and Management ang walong asosasyon na nakatanggap ng tulong pangkabuhayan sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa tulong ng Pinoy Workers Partylist.
Sa pangunguna ng DSWD, katuwang ang Pinoy Workers Partylist, at Princesa City Veterinary Office, matagumpay na isinagawa ang naturang pagsasanay sa Barangay Manalo at San Rafael.
Layunin ng pagsasanay na mabigyan ng sapat na kaalaman at kasanayan ang mga benepisyaryo hinggil sa tamang pag-aalaga at pagpapalaki ng baboy, na kanilang napiling pagkakitaan gamit ang natanggap na tulong pangkabuhayan. Kabilang sa mga lumahok dito ang Langogan SLP Association, Binduyan, San Rafael, Lucbuan, Maruyogon, Manalo, Bahile-Macarascas, at Forbes Hill SLP Association.
Bukod sa pagpapalawak ng kaalaman at kasanayan ng mga benepisyaryo, nilalayon din ng programa na matulungan ang bawat asosasyon na maging matagumpay sa kanilang livelihood project at mapalago ng livestock industry sa lungsod ng Puerto Princesa.