Kabarangay In Action

Kabarangay In Action Official page of Kabarangay in Action — showcasing the tireless efforts and genuine service of Cong. Gil “KabarangayJr” A. Real solutions. Real service.
(1)

Acosta for the people of Palawan’s 3rd District. Always in action for every Kabarangay.

01/06/2026

| Mga Kabarangay, ngayong araw, nakiisa ang ating tanggapan sa Regional Caravan and Kick-Off Program ng Brigada Eskwela 2026 na ginanap sa Tagburos Elementary School.

Bilang kinatawan ng ating opisina, dumalo sina Ginoong Eugene Tabang at Ginoong Pol Gacosta upang iparating ang ating patuloy na suporta sa mga programang pang-edukasyon. Bilang bahagi ng ating ambag sa paghahanda para sa pagbubukas ng klase, nagbigay rin tayo ng mga pintura na magagamit sa pagsasaayos at pagpapaganda ng mga pasilidad ng paaralan.

Nakasama rin natin sa programa sina DepEd Regional Director Ronnie Mallari at Schools Division Superintendent Laida N. Lagar-Mascareñas, kasama ang iba pang mga opisyal at katuwang sa pagsusulong ng dekalidad na edukasyon para sa ating mga kabataan.

Ang Brigada Eskwela ay higit pa sa paglilinis at pagkukumpuni ng mga paaralan. Isa itong pagpapakita ng bayanihan, pagkakaisa, at malasakit ng buong komunidad upang matiyak na handa, ligtas, at maayos ang kapaligiran ng ating mga mag-aaral sa kanilang pagbabalik-eskwela.

Maraming salamat sa lahat ng mga g**o, magulang, boluntaryo, at mga katuwang na patuloy na nag aambag ng kanilang oras at serbisyo para sa tagumpay ng Brigada Eskwela 2026.








30/05/2026

| Mga Kabarangay, kamakailan lang ay matagumpay nating naipagkaloob ang isang wheelchair sa isa nating kabarangay na si Ginoong Damian Lacasa mula sa Barangay Sicsican

Ang nasabing tulong ay personal na iniabot ni Ginang Bernadeth Valdez at Ginang Rutchel Moreno, kinatawan ng opisina ni Cong. Gil “KabarangayJr” Acosta, bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya ng aming tanggapan para sa malasakit at inklusibong serbisyo sa komunidad.

Malugod na ipinagkaloob ang isang wheelchair kay Ginoong Damian Lacasa bilang munting tulong upang mapagaan ang kanyang pang araw-araw na pamumuhay. Nawa’y magsilbi itong daan sa higit na kaginhawaan para sa kanya.






27/05/2026
 | Mga Kabarangay ngayong araw lang ay dumalo tayo sa Coconut Stakeholders Consultative Meeting sa Barangay Salvacion, P...
21/05/2026

| Mga Kabarangay ngayong araw lang ay dumalo tayo sa Coconut Stakeholders Consultative Meeting sa Barangay Salvacion, Puerto Princesa City sa pangunguna ni Regional Manager lll Dennis D. Andres ng Philippine Coconut Authority.

Nakiisa at dumalo ang ating Opisina sa Coconut Stakeholders Consultative Meeting bilang pakikiambag sa mga talakayan at hakbang tungo sa mas maunlad at mas matatag na industriya ng niyog. Sama-samang pagkilos para sa ikauunlad ng ating mga komunidad.







19/05/2026

| Mga Kabarangay kamakailan lang ay naimbitahan tayong dumalo sa Mutya ng Irawan 2026 at sa Pagdiriwang ng Fiesta of San Isidro Labrador upang mag bigay ng suporta sa ating mga kabarangay.

Dumalo bilang kinatawan ng ating opisina si Ginoong Pol Gacosta upang makiisa at magpaabot ng suporta sa ating mga Kabarangay sakanilang Kapistahan at Aktibidad.

Ang gabi ng pagdiriwang ay naging simbolo ng pagkakaisa, kultura at pagpapahalaga sa ating mga tradisyon bilang isang komunidad.
Lubos po kaming nagpapasalamat sa mainit na pagtanggap at sa pagkakataong makadalo sa makabuluhang okasyong ito.







 | Mga Kabarangay kamakailan lang ay naimbitahan tayong dumalo sa TESDA Agricultural Crops Production NC II upang mag bi...
18/05/2026

| Mga Kabarangay kamakailan lang ay naimbitahan tayong dumalo sa TESDA Agricultural Crops Production NC II upang mag bigay ng suporta sa ating mga graduates.

Dumalo bilang kinatawan ng ating opisina si Ginoong Pol Gacosta upang makiisa at magpaabot ng suporta sa ating mga mag-aaral sa TESDA Agricultural

Sa pamamagitan ng kaalaman at kasanayang natamo sa Agricultural Crops Production NC II, nawa’y patuloy kayong maging katuwang sa pagsusulong ng masagana at maunlad na sektor ng agrikultura.







CONGRATULATIONS, MGA KABARANGAY! ‎Taos pusong Pasasalamat sa Lahat ng nakiisa sa Kabarangay Lucky Pick sa inyong walang ...
12/05/2026

CONGRATULATIONS, MGA KABARANGAY!

Taos pusong Pasasalamat sa Lahat ng nakiisa sa Kabarangay Lucky Pick sa inyong walang sawang suporta, pakikilahok, at pakikiisa sa ating Kabarangay Lucky Pick.

Ang tagumpay ng programang ito ay dahil sa inyong tiwala at aktibong partisipasyon.
Congratulations sa lahat ng winners at maraming salamat sa bawat kabarangay na naging bahagi ng ating Final Round.

Nawa’y patuloy tayong magkaisa para sa mas masaya at mas matatag na komunidad.







10/05/2026

𝐌𝐠𝐚 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲, ito na ang pinakahihintay nating lahat!

Ngayong araw na ang 𝐅𝐈𝐍𝐀𝐋 𝐋𝐈𝐕𝐄 ng ating 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐋𝐮𝐜𝐤𝐲 𝐏𝐢𝐜𝐤 at handa na nating ibigay ang mas marami pang papremyo para sa ating mga masisipag at suportadong Kabarangay!

Maraming salamat sa inyong walang sawang pakikiisa, suporta, at pagmamahal sa ating mga programa. Ang simpleng pagsama ninyo sa bawat aktibidad ay lalo pang nagbibigay inspirasyon upang maipagpatuloy natin ang serbisyong tunay na para sa mamamayan.

Kaya siguraduhing nakatutok na ngayon dahil baka pangalan mo na ang susunod na mabunot at maging isa sa ating mga mapapalad na winners!

📌 Paalala lamang na ang mismong monitor ng ating official page ang siyang magiging basehan at masusunod sa buong live draw.

Kaya ano pang hinihintay ninyo?
Ihanda na ang inyong entries, i-tag na ang inyong mga kaibigan, at samahan kami hanggang dulo ng ating FINAL LIVE!

Good luck, mga Kabarangay!





Happy Birthday, Atty. Gil 'KabarangayJr' Acosta!
10/05/2026

Happy Birthday, Atty. Gil 'KabarangayJr' Acosta!

Address

Oisca Road
Puerto Princesa
5300

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kabarangay In Action posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share