Kalaban NG LAHAT

Kalaban NG LAHAT FANS NI BAYRON

huli ka balbon!
01/05/2025

huli ka balbon!

π—₯π—”π—œπ—‘π—˜ 𝗕𝗔𝗬π—₯𝗒𝗑, π—•π—œπ—‘π—”π—§π—œπ—žπ—’π—¦ 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗒𝗦 𝗧𝗔π—ͺπ—”π—šπ—œπ—‘π—š "𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬-π—šπ—¨π—§π—’π— " π—”π—‘π—š π— π—šπ—” π—§π—”π—šπ—”-𝗦𝗔𝗑𝗧𝗔 π— π—’π—‘π—œπ—–π—” 𝗔𝗧 𝗦𝗔𝗑 π— π—œπ—šπ—¨π—˜π—Ÿ

π—§π—œπ—‘π—šπ—‘π—”π—‘: Screenshot ng naging usapan ng dating empleyado ng Cityhall at ni Raine Bayron.

Umani ng matinding batikos sa social media si Raine Bayron, tumatakbong Vice Mayor ng Puerto Princesa at anak ni Mayor Lucilo Bayron, matapos kumalat ang screenshot ng isang pribadong pag-uusap kung saan tinawag umano nitong β€œpatay-gutom” ang ilang residente ng Barangay Santa Monica at San Miguel.

Ayon sa lumabas na post ng isang dating kawani ng city hall, nagtanong lamang si Mang Arnolfo, isang lider sa Sta. Monica, kung maaaring humingi ng kaunting tulong sa bigas para sa kanyang mga kabarangay. Ngunit sa halip na positibong tugon, mabigat at mapanirang salita ang naging sagot umano ni Bayron.

β€œGrabe naman yang mga taong β€˜yan. Mga patay-gutom talaga yang mga taga Sta. Monica,” ang bahagi ng sinasabing mensahe ni Bayron sa screenshot.

Hindi rin nakaligtas ang mga taga-San Miguel sa parehong pahayag. Aniya, β€œHanga din talaga ako dyan sa mga taga Sta. Monica at San Miguel. Ibang klase. Grabe kapataygutom!”

Makalipas ang ilang minuto matapos mai-post ang screenshot ng usapan sa social media, agad itong binura ng dating empleyado ng city hall. Ngunit huli na ang lahatβ€”na-screenshot na ng ilan ang orihinal na post at mabilis na kumalat online.

Marami ang nagpahayag ng pagkadismaya at galit sa umano'y pagmamaliit at pagmamataas ni Bayron sa mga ordinaryong mamamayan, lalo na’t siya ay isang public figure na inaasahang magsisilbi sa lahat.

Hanggang ngayon ay wala pang opisyal na pahayag si Raine Bayron ukol sa isyu.

(Minabuti po naming takpan ang ilang detalye hinggil sa isyung ito upang maprotektahan ang mga indibidwal na sangkot at maiwasan ang anumang posibleng kapahamakan sa kanilang panig.)

- Rick Tabi | News Correspondent

KAYO BA MGA KAPWA KO PUERTO PRINCESA?MANINIWALA BA KAYONG 48 MILLION ANG HALAGA NIYAN?ICOMMENT NIYO LANG ANG INYONG OPIN...
07/04/2025

KAYO BA MGA KAPWA KO PUERTO PRINCESA?
MANINIWALA BA KAYONG 48 MILLION ANG HALAGA NIYAN?
ICOMMENT NIYO LANG ANG INYONG OPINION!

27/03/2025

Kulang pa ba ang PONDO MAYOR BAYRON? kaya kelangang ipagawa ang buong KALSADA ng SAN PEDRO! ANG DAMING PWEDENG GAWIN MAYOR! BAKIT PURO PAG PAPASEMENTO NA LANG LAGI? BAKIT DOON BA MAS MABILIS ANG KITA PARA SA PAGHAHANDA MONG PAMIMILI NG BOTO SA MGA TAGA PUERTO PRINCESA!




MAG AMANG KURAKOT AT ANG ALAGAD! BOW!!!!!
25/03/2025

MAG AMANG KURAKOT AT ANG ALAGAD! BOW!!!!!

22/03/2025
22/03/2025

P86 MILYON β•‘ Ano na nga ba ang nangyari sa P86 milyon β€˜calamity fund’ para sa mga naapektuhan ng matinding baha sa lungsod ng Puerto Princesa? Naubos na ba ito?

Ayon sa isang empleyado ng City Government of Puerto Princesa (CGPP), madalas sa mga okasyon na gaya ng Ironman, Ugnayan sa Barangay at maging ang katatapos lang na MIMAROPA RAA Meet, dalawa hanggang tatlong magkakaibang attendance sheet ang kanilang pinipirmahan.

Ganun din ang binibigyan ng ayuda, dalawang magkaibang attendance sheet din umano ang kanilang pinipirmahan na tila nangongolekta ng attendance sheet para sa liquidation?

what? 70 million pesos ito?sana drainage system na lang ang inuna ninyo kesa sa ganyan proyekto!
14/03/2025

what? 70 million pesos ito?
sana drainage system na lang
ang inuna ninyo kesa sa ganyan proyekto!

UPDATED β•‘ P70 MILYON ZIPLINE? Ipinakita ni Richard Ligad, tagapagsalita ni Mayor Lucilo Bayron ng Puerto Princesa City ang bagong gawang zip line sa Balayong Park. Ngunit hindi nito maipakita ang β€˜project cost’ kasama na ang β€˜cost of materials’ sa proyekto na gustong makita nang mga netizen matapos niya itong i-post sa Facebook.

Ayon sa estimate ng isang structural engineer, aabot sa P3 milyon ang maaring ginastos sa naturang proyekto. Ngunit sa inisyal na dokumento na kanyang nakuha, ang dalawang zipline na ipinagawa CGPP ay may budget na P70 milyon?

Address

Palawan
Puerto Princesa
5300

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kalaban NG LAHAT posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share