15/09/2026
๐ฃ๐๐ฆ๐ข ๐๐๐๐๐ง๐ | ๐๐ก๐ข๐ง๐๐๐ฅ ๐๐๐ง๐๐ ๐ก๐ ๐ง๐จ๐ฃ๐๐ ๐๐๐ก๐๐๐๐๐๐๐ฅ๐๐๐ฆ, ๐ฆ๐จ๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐ข๐ฅ๐๐๐ก๐ง๐๐ง๐๐ข๐ก
Isa na namang batch ng mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ang sumailalim sa orientation noong September 9, 2026, bilang paghahanda sa kanilang 15-araw na TUPAD work.
Isinagawa ang orientation sa Negosyo Center Office sa Old City Hall Building at sa Barangay Inagawan Gymnasium, na pinangunahan ng DOLE Palawan.
Sa orientation, ipinaliwanag sa mga benepisyaryo ang mahahalagang impormasyon tungkol sa programa, kabilang ang kanilang mga responsibilidad at mga dapat tandaan habang isinasagawa ang kanilang 15-araw na TUPAD engagement.
Sa pagkakataong ito, ang mga benepisyaryo ay tututok sa community gardening at organic gardening activities, na layuning mapakinabangan ng kanilang mga barangay at makatulong sa pagsusulong ng food security at produktibong paggamit ng mga bakanteng espasyo sa komunidad.
Patuloy namang nakikipagtulungan ang City PESO Puerto Princesa sa DOLE Palawan sa pagpapatupad ng TUPAD upang mabigyan ng pansamantalang trabaho at dagdag na kita ang mga kwalipikadong manggagawa sa lungsod.
๐ฃ๐๐ข๐ณ๐ข ๐ด๐ข ๐ฌ๐ข๐ณ๐ข๐จ๐ฅ๐ข๐จ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ฎ๐ฑ๐ฐ๐ณ๐ฎ๐ข๐ด๐บ๐ฐ๐ฏ, ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐ฃ๐ข๐จ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ซ๐ฐ๐ฃ ๐ฑ๐ฐ๐ด๐ต๐ช๐ฏ๐จ๐ด, ๐ข๐ต ๐ฎ๐ข๐ฉ๐ข๐ฉ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ข๐ฏ๐จ ๐ข๐ฏ๐ถ๐ฏ๐ด๐บ๐ฐ, ๐ฃ๐ช๐ด๐ช๐ต๐ข๐ฉ๐ช๐ฏ, ๐ช-๐ญ๐ช๐ฌ๐ฆ, ๐ข๐ต ๐ช-๐ด๐ฉ๐ข๐ณ๐ฆ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฐ๐ฑ๐ช๐ด๐บ๐ข๐ญ ๐ฏ๐ข ๐๐ข๐ค๐ฆ๐ฃ๐ฐ๐ฐ๐ฌ ๐ฑ๐ข๐จ๐ฆ ๐ฏ๐จ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐.๐ฃ