Population Management Division CHO PPC

Population Management Division CHO PPC PMD or PopCon office,

πŸ’œ Breaking Barriers, Empowering the Youth! 🌱Isang makabuluhang araw ng pagkatuto, pakikipag-ugnayan, at pagbabahaginan a...
25/08/2026

πŸ’œ Breaking Barriers, Empowering the Youth! 🌱

Isang makabuluhang araw ng pagkatuto, pakikipag-ugnayan, at pagbabahaginan ang isinagawa sa Barangay Santa Lourdes sa pamamagitan ng Adolescent Pregnancy Symposium, U4U Session, at Parent-Teen Talk: β€œBreaking the Barrier.”

Layunin ng mga aktibidad na palakasin ang kaalaman ng mga kabataan at magulang tungkol sa adolescent pregnancy prevention, reproductive health, responsible decision-making, at bukas na komunikasyon sa loob ng pamilya.

Sa pamamagitan ng U4U at Parent-Teen Talk, nabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan at magulang na magtanong, makinig, magbahagi ng saloobin, at mas maunawaan ang isa’t isaβ€”dahil ang isang bukas na pag-uusap ay maaaring maging unang hakbang tungo sa mas ligtas at mas magandang kinabukasan. πŸ’œ

Maraming salamat sa Barangay Santa Lourdes, sa mga kabataan, magulang, facilitators, at lahat ng naging bahagi ng matagumpay na aktibidad!

Kabataan ay pakinggan, gabayan, at bigyang-kapangyarihan. Sama-sama nating basagin ang mga hadlang! 🀝🌱

πŸ“Œ PAALALA: Ang lahat ng adolescent at parent participants na makikita sa mga larawang ito ay nagbigay ng kanilang pahintulot na makunan at maipaskil ang kanilang mga larawan sa Facebook para sa layunin ng pagbabahagi at dokumentasyon ng aktibidad.

πŸ’™ Vasectomy: Isang Ligtas at Responsableng Family Planning OptionNgayong Family Planning Month, alamin ang tungkol sa va...
24/08/2026

πŸ’™ Vasectomy: Isang Ligtas at Responsableng Family Planning Option

Ngayong Family Planning Month, alamin ang tungkol sa vasectomyβ€”isang permanenteng paraan ng family planning para sa mga lalaking nakapagdesisyong hindi na magdagdag ng anak.

Ang vasectomy ay isang medical procedure na ginagawa ng trained health professional at hindi nakakaapekto sa kakayahang makipagtalik o sa pagiging lalaki. Gayunpaman, ito ay itinuturing na permanenteng paraan, kaya mahalagang magkaroon ng sapat na impormasyon at makipag-usap sa isang health professional bago magdesisyon.

πŸ“Œ Alamin ang facts.
πŸ“Œ Pag-isipang mabuti ang desisyon.
πŸ“Œ Kumonsulta sa health care provider.

Responsableng pagpaplano, mas handang pamilya. πŸ’™πŸ‘¨β€πŸ‘©β€πŸ‘§β€πŸ‘¦

22/08/2026
πŸ’™ Magplano, Maglaan ng Panahon, Magbigay ng Mas Maayos na KinabukasanNgayong Family Planning Month, pag-usapan ang kahal...
21/08/2026

πŸ’™ Magplano, Maglaan ng Panahon, Magbigay ng Mas Maayos na Kinabukasan

Ngayong Family Planning Month, pag-usapan ang kahalagahan ng child spacing o tamang pagitan ng pagbubuntis. πŸ‘¨β€πŸ‘©β€πŸ‘§β€πŸ‘¦

Ang pagbibigay ng sapat na pagitan sa bawat pagbubuntis ay nagbibigay sa mga magulang ng panahon upang alagaan ang kalusugan ng ina, mabigyan ng sapat na pangangalaga at atensyon ang bawat anak, at mas maihanda ang pamilya sa kanilang mga pangangailangan.

🌱 Planuhin ang taong ng pagitan ng bawat anak.
πŸ’™ Pangalagaan ang kalusugan ni Nanay, ni Tatay, at ng mga Anak.
πŸ‘¨β€πŸ‘©β€πŸ‘§β€πŸ‘¦ Buo at responsableng pagbuo ng pamilya, sama-samang pinaghahandaan.

Para sa tamang impormasyon at gabay, makipag-ugnayan sa inyong Barangay Health Center/Station o Health Care Providers (Population Program Officer, Midwives, Barangay Service Point Officers) tungkol sa mga available na modern family planning methods.

Sa family planning, bawat desisyon ay mahalaga para sa mas malusog at mas handang pamilya.

πŸ’™ Handa sa Pagbubuntis, Handa sa KinabukasanNgayong Family Planning Month, mahalagang pag-isipan hindi lamang ang kagust...
20/08/2026

πŸ’™ Handa sa Pagbubuntis, Handa sa Kinabukasan

Ngayong Family Planning Month, mahalagang pag-isipan hindi lamang ang kagustuhang magkaroon ng anak, kundi pati ang kahandaan sa emosyonal, pisikal, at pinansyal na aspeto ng pagiging magulang. πŸ‘¨β€πŸ‘©β€πŸ‘§β€πŸ‘¦

Ang pagiging handa ay nangangahulugang may sapat na kaalaman, emosyonal na suporta, at kakayahang tugunan ang pangangailangan ng pamilya. Sa pamamagitan ng responsableng family planning, mas napag-iisipan at napaghahandaan ang tamang panahon para sa pagbubuntis at pagpapalaki ng anak.

🌱 Magplano. Maghanda. Maging responsable.

Dahil ang isang masayang pamilya ay nagsisimula sa mapagmahal at responsableng pagpapasya. πŸ’™

19/08/2026

|| π‘πŽπŽπ“π’ πŽπ… 𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇, πŠπˆππˆπ‹π€π‹π€ 𝐒𝐀 𝐃𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍𝐆 π‘π„π†πˆπŽππ€π‹ 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐃 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 πŠπ€π‹π”π’π”π†π€π 𝐀𝐓 πŠπ€π”ππ‹π€π‘π€π 𝐍𝐆 πŠπ€ππ€π“π€π€π
Maya Estandian, CIO Balita

Isang pagkilala sa patuloy na pagtutulungan ng mga organisasyon, lokal na pamahalaan, health workers, paaralan, at komunidad para sa kalusugan at kinabukasan ng kabataan ang pagkakamit ng Roots of Health (Ugat ng Kalusugan) ng dalawang regional award sa 2026 Rafael M. Salas Kaunlarang Pantao Award ng Commission on Population and Development (CPD).

Kinilala ang Roots of Health bilang regional awardee sa dalawang kategoryaβ€”πˆπ§π’π­π’πšπ­π’π―πžπ¬ 𝐨𝐧 π‘πžπ¬π©π¨π§π¬π’π›π₯𝐞 𝐏𝐚𝐫𝐞𝐧𝐭𝐑𝐨𝐨𝐝 𝐚𝐧𝐝 π…πšπ¦π’π₯𝐲 𝐏π₯𝐚𝐧𝐧𝐒𝐧𝐠 𝐚𝐭 𝐈𝐧𝐒𝐭𝐒𝐚𝐭𝐒𝐯𝐞𝐬 𝐨𝐧 𝐀𝐝𝐨π₯𝐞𝐬𝐜𝐞𝐧𝐭 π‡πžπšπ₯𝐭𝐑 𝐚𝐧𝐝 πƒπžπ―πžπ₯π¨π©π¦πžπ§π­β€”na sumasalamin sa mga programang naglalayong palakasin ang responsableng pagpapamilya at bigyan ang mga kabataan ng sapat na kaalaman at access sa serbisyong pangkalusugan.

Sa Puerto Princesa City, kabilang ang City Population Management Office sa mga katuwang ng Roots of Health sa pagsusulong ng adolescent health at pag-iwas sa maagang pagbubuntis.

Sa pamamagitan ng magkatuwang na information activities at community programs, mas naihahatid sa mga kabataan ang tamang impormasyon tungkol sa kanilang kalusugan, responsableng pakikipagrelasyon, pagpapamilya, at mga serbisyong maaari nilang lapitan.
Mahalaga rin ang ganitong mga programa sa pagbuo ng isang kapaligirang mas bukas sa pagtalakay sa mga sensitibong usapin na kinakaharap ng kabataan. Kabilang dito ang maagang pagbubuntis at sexual and reproductive health, na nangangailangan ng tamang impormasyon, gabay, at access sa angkop na serbisyo.

Sa mga nakalipas na taon, nakapagtala ang Puerto Princesa City ng 58.04 porsiyentong pagbaba sa teenage pregnancy rate mula 2017 hanggang 2025, kasabay ng pagpapatuloy ng mga programa ng pamahalaang panlungsod at mga katuwang nitong organisasyon at sektor.

Ipinapakita nito ang halaga ng tuloy-tuloy at sama-samang pagkilos upang matugunan ang mga usaping may direktang epekto sa kalusugan, edukasyon, at kinabukasan ng kabataan.
Hindi lamang impormasyon ang naihahatid ng Roots of Health sa mga komunidad. Nagbibigay din ito ng libreng family planning at HIV prevention, screening, at treatment services, katuwang ang mga health provider at lokal na organisasyon sa lungsod at lalawigan.

Sa loob ng 17 taon ng paglilingkod, mahigit 100,000 kabataan na ang naabot ng Roots of Health, habang nasa 22,000 kliyente naman ang napaglingkuran sa kanilang mga klinika. Mahigit 7,500 katuwang na rin ang nabigyan ng training at higit 6,700 HIV screenings ang naisagawa ng organisasyon.

Hindi nakasentro sa iisang organisasyon ang pagsusulong ng adolescent health at responsableng pagpapamilya. Sa halip, nakasalalay ito sa patuloy na pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, health sector, paaralan, barangay, civil society organizations, at iba pang community partners.

Patuloy na nakikipagtulungan ang Roots of Health sa mga lokal na pamahalaan at iba pang sektor upang maibahagi sa iba pang lungsod at munisipalidad ang mga natutuhan at pamamaraang napatunayang epektibo sa pagsusulong ng adolescent health at responsableng pagpapamilya.

Sa Puerto Princesa, nananatiling mahalaga ang ganitong pagtutulungan upang mas maraming kabataan ang magkaroon ng tamang kaalaman, access sa serbisyong pangkalusugan, at sapat na kakayahang gumawa ng responsableng desisyon para sa kanilang sarili at sa kanilang kinabukasan.

Sa huli, ang dalawang regional award ay hindi lamang pagkilala sa isang organisasyon. Higit itong nagsisilbing patunay na kapag pinagsama ang tamang impormasyon, accessible na serbisyo, at sama-samang pagkilos ng komunidad, mas nagiging posible ang paglikha ng isang kapaligirang mas ligtas, mas may kaalaman, at mas handa ang kabataan sa pagharap sa kanilang kinabukasan.



19/08/2026

Our hearts are heavy as we grieve with the families, school and communities affected by recent heartbreaking incidents of violence. πŸ’” While accountability is necessary, prevention must be our collective priority.

The Commission on Population and Development calls for stronger investments in - Responsible parenthood, Adolescent Health and Development, Mental health, Positive parenting and Youth empowerment

Stronger families = Safer schools = Resilient nation

Read our full statement here: https://cpd.gov.ph/recent-school-violence-underscores-the-need-to-strengthen-families-and-invest-in-adolescent-development/

πŸ’™ Family Planning: Para sa Planado at Mas Matatag na Pamilya πŸ‘¨β€πŸ‘©β€πŸ‘§β€πŸ‘¦Ngayong Family Planning Month, sama-sama nating pala...
19/08/2026

πŸ’™ Family Planning: Para sa Planado at Mas Matatag na Pamilya πŸ‘¨β€πŸ‘©β€πŸ‘§β€πŸ‘¦

Ngayong Family Planning Month, sama-sama nating palaganapin ang kahalagahan ng responsableng pagpaplano ng pamilya. Ang pagkakaroon ng tamang impormasyon at access sa family planning services ay tumutulong sa mga mag-asawa at pamilya na makapagdesisyon nang maayos tungkol sa bilang, pagitan, at panahon ng pagkakaroon ng mga anak.

πŸ“Œ Alamin ang mga available na family planning methods
πŸ“Œ Kumonsulta sa health professionals para sa tamang impormasyon
πŸ“Œ Gumawa ng desisyong angkop sa inyong pangangailangan at family goals

Ang isang Puerto Princesan na planado ang pamilya, mas handa sa kinabukasan! πŸ’™πŸŒ±

πŸ’™ Planado ang Pamilya, Mas Maayos ang Kinabukasan! πŸ‘¨β€πŸ‘©β€πŸ‘§β€πŸ‘¦Ngayong Family Planning Month, alamin ang iba’t ibang Modern F...
18/08/2026

πŸ’™ Planado ang Pamilya, Mas Maayos ang Kinabukasan! πŸ‘¨β€πŸ‘©β€πŸ‘§β€πŸ‘¦

Ngayong Family Planning Month, alamin ang iba’t ibang Modern Family Planning Methods na maaaring pagpilian ng mga mag-asawa at mag-partner ayon sa kanilang pangangailangan, kalagayan, at mga plano para sa pamilya.

Ang family planning ay tungkol sa malinaw na pagpapasya, tamang impormasyon, at responsableng pagpaplano para sa kinabukasan ng bawat pamilya. 🀝

πŸ“Œ Magkaroon ng tamang kaalaman
πŸ“Œ Alamin ang mga available na pamamaraan
πŸ“Œ Kumonsulta sa health professionals at volunteers para sa ligtas at angkop na family planning method, bumisita sa inyong Barangay Health Center/Station

Planuhin ang pamilya. Pangalagaan ang kalusugan. Ihanda ang mas magandang kinabukasan. πŸ’™

Address

Population Management Office, West Wing, 3rd Floor, New City Health Medical Complex, Rafols Road, Sta. Monica
Puerto Princesa
5300

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63485531829

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Population Management Division CHO PPC posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share