Lucilo "Cecil" Rodriguez Bayron

Lucilo "Cecil" Rodriguez Bayron The official page of Puerto Princesa City Mayor Lucilo "Cecil" Rodriguez Bayron. Hindi Bukas, Kundi Ngayon.

17/06/2026

Hindi na maiinitan, hindi na mauulanan, at wala nang hangin na magdadala ng papel tuwing may klase 🏫

Mas ligtas at mas kumportable na ang pag-aaral ng mga kabataan sa bagong typhoon-resilient school building ng Marufinas Integrated School. Isa ito sa mga proyektong napondohan sa ilalim ng Special Education Fund ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa.

Sa Progresibong Puerto Princesa, sinisug**o natin na walang maiiwanan at hindi magiging hadlang ang distansya't layo upang maihatid ang serbisyong kinakailangan.


Pormal na po nating ipinagkaloob sa Puerto Princesa City National Science High School itong 2-storey 2-classroom laborat...
16/06/2026

Pormal na po nating ipinagkaloob sa Puerto Princesa City National Science High School itong 2-storey 2-classroom laboratory building na proyekto ng Pamahalaang Lungsod. Layunin natin sa proyektong ito na mabigyan ng conducive environment for learning ang mga kabataan ng Puerto Princesa upang mas maka-focus sila at mas lalong gumaling sa kanilang academic performance.

Naglaan ang City Government ng P6,799,919.05 mula sa Special Education Fund 2024 para sa konstruksyon ng pasilidad na ito na mayroong dalawang laboratory classrooms, opisina, storage room, at toilet sa bawat palapag.

Moderno ang disenyo ng gusali—mayroon itong aluminum cladding at sinadyang energy-efficient ang lighting at ventilation system para maging komportable ang mga gagamit na mag-aaral at g**o sa pasilidad.


16/06/2026

Dumating na ang 2 bagong ambulansya ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa para sa HERO - Puerto Princesa City! 🚑

Sa kabuuhan, mayroon na tayong 15 na ambulansya at may apat pang parating. Ang dating mga patient transport vehicle naman ay converted na rin sa ambulansya, upang makapagbigay ng mas kumpletong serbisyong medikal para sa ating mga mamamayan.


16/06/2026
CONGRATULATIONS, PUERTO PRINCESA CITY! 👏Congratulations po ulit sa ating lahat! Sa muling pagkakataon, ginawaran ng Depa...
16/06/2026

CONGRATULATIONS, PUERTO PRINCESA CITY! 👏

Congratulations po ulit sa ating lahat!

Sa muling pagkakataon, ginawaran ng Department of the Interior and Local Government o DILG ang Puerto Princesa City ng "Good Financial Housekeeping" para sa taong 2025.

Maraming salamat po sa lahat ng mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa! Patuloy lang po tayong magbigay ng serbisyong tapat tungo sa isang mas maunlad at mas progresibong Puerto Princesa.


DALAWANG BAGONG AMBULANSYA 🚑Dumating na po ang dalawang bagong biling ambulansya ng Pamahalaang Lungsod para sa mga Puer...
15/06/2026

DALAWANG BAGONG AMBULANSYA 🚑

Dumating na po ang dalawang bagong biling ambulansya ng Pamahalaang Lungsod para sa mga Puerto Princesans!

Ang mga ambulansya na ito ay libreng magagamit ng ating mga mamamayan para sa kanilang mga medikal na pangangailangan. Makakatulong din po ito para mas mapabilis ang pagtugon ng ating City Health Office - HERO Unit tuwing may emergency.

Ang bawat ambulansya ay equipped ng:
- 4-in-1 Cardiac Monitor (Defibrillator, ECG, Suctioning Machine, at Patient Monitor)
- Nebulizer
- Oxygen
- Pulmo Aide
- Automated External Defibrillator (AED)
- BP Monitor
- First Aid Medicines/Kit
- Scoop Board
- Splint Board
- Spine Board


MAYOR BAYRON: ANG TUNAY NA KALAYAAN AY NASUSUKAT SA PAGKAKAISA NG MAMAMAYANHindi lamang paggunita sa kabayanihan, katapa...
12/06/2026

MAYOR BAYRON: ANG TUNAY NA KALAYAAN AY NASUSUKAT SA PAGKAKAISA NG MAMAMAYAN

Hindi lamang paggunita sa kabayanihan, katapangan, at sakripisyo ng mga bayani ang kahulugan ng Araw ng Kalayaan. Para kay Puerto Princesa City Mayor Lucilo R. Bayron, ito rin ay pagpapatunay na nananatiling buhay ang diwa ng kalayaan sa pagkakaisa, malasakit, at pagtutulungan ng bawat Pilipino.

Ito ang naging sentro ng mensahe ng alkalde sa pagdiriwang ng ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas na ginanap sa Rizal Park noong Hunyo 12, 2026, kung saan nagsama-sama ang iba’t ibang sektor mula sa lungsod ng Puerto Princesa, lalawigan at mga munisipyo ng Palawan.

Ayon kay Mayor Bayron, ang kalayaan ay hindi lamang nasusukat sa mga tagumpay ng nakaraan kundi sa kakayahan ng mamamayan na sama-samang itaguyod ang kapayapaan, kaunlaran, at magandang kinabukasan para sa susunod na henerasyon.

“Ang tunay na malayang bayan ay hindi lamang nasusukat sa kasaysayan nito, nasusukat din ito sa kakayahan ng mamamayan nitong magkaisa para sa kapayapaan, kaunlaran, at magandang kinabukasan ng susunod na henerasyon,” ani Mayor Bayron.

Binigyang-pugay rin ng alkalde ang mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay para sa kalayaan ng bansa at hinikayat ang bawat mamamayan na ipagpatuloy ang kanilang ipinaglaban sa pamamagitan ng pagiging responsable, makabayan, at aktibong kalahok sa pag-unlad ng lipunan.

Pinasalamatan din niya ang mga barangay, ahensya ng pamahalaan, mga paaralan, uniformed services, civil society organizations, at mga kabataan sa kanilang mahalagang ambag sa pagpapanatili ng kapayapaan at pagsusulong ng kaunlaran sa komunidad.

Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, hinimok ni Mayor Bayron ang lahat na patuloy na isabuhay ang diwa ng kalayaan sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagmamahal sa bayan tungo sa isang mas matatag at maunlad na Pilipinas.

Nagpaabot din si Mayor Bayron ng kanyang pagbati sa lahat ng Pilipino sa pagdiriwang ng ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas at hinikayat ang bawat isa na patuloy na isabuhay ang diwa ng kalayaan.

“Maligayang Araw ng Kalayaan sa ating lahat,” pagbati ni Mayor Bayron.


12/06/2026

Maligayang pagdiriwang ng ika-128 Araw ng Kalayaan! 🇵🇭

Mabuhay ang Lungsod ng Puerto Princesa!
Mabuhay ang bansang Pilipinas!


Dumating na po ang mga bagong basurahan! 🚮Mag mula kahapon, sinimulan na po nating i-distribute ang mga bagong basurahan...
11/06/2026

Dumating na po ang mga bagong basurahan! 🚮

Mag mula kahapon, sinimulan na po nating i-distribute ang mga bagong basurahan sa mga designated garbage collection points, para sa mas maayos at malinis na progresibong Puerto Princesa.


11/06/2026

Dumating na ang mga bagong basurahan! 👍

Address

Puerto Princesa
5300

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lucilo "Cecil" Rodriguez Bayron posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category