Provincial DOH Office - Palawan

Provincial DOH Office - Palawan The Official page of the Provincial DOH Office-Palawan “KALUSUGAN SA MGA ISLA, KAYAMANAN NG MIMAROPA”

IN PHOTOS | Ganap sa CAM Sub-Provincial Health SystemBilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng mga programang pangkalu...
05/09/2026

IN PHOTOS | Ganap sa CAM Sub-Provincial Health System

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng mga programang pangkalusugan sa CAM Sub-Provincial Health System, isinagawa ang endorsement at pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan ng Cuyo at Magsaysay para sa mga Human Resources for Health (HRH) na naka-assign sa kanilang mga lugar.

Sa Cuyo, nakipagpulong kina Mayor Andrew L. Ong sina Mr. Rueben Ivan Gabo, Nurse, at Ms. Alexandrea Marie Calonge, Nutritionist-Dietitian, upang talakayin ang kanilang area of assignment, mga programang susuportahan, at iba pang oportunidad upang higit pang mapalakas ang serbisyong pangkalusugan sa munisipyo.

Samantala, sa Magsaysay, isinagawa rin ang endorsement at pakikipag-ugnayan kina Mayor Rommel L. Dela Torre, Vice Mayor Manuel C. Abrea, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan, kasama sina Dr. Jonathan Michael Cordial, Municipal Health Officer, Ms. Jocel Rose Timbancaya ng Nurse Deployment Program, at Ms. Alexandrea Marie Calonge, Nutritionist-Dietitian.

Tinalakay sa pagpupulong ang pagpapalakas ng mga kasalukuyang programang pangkalusugan, kanilang mga area of assignment, at mga karagdagang hakbang upang higit na mapakinabangan ang presensya ng mga HRH sa munisipyo.

Muling binigyang-diin din ang kahalagahan ng suporta ng lokal na pamahalaan, kabilang ang kaligtasan at seguridad ng mga HRH habang ginagampanan nila ang kanilang tungkulin sa komunidad.

Patuloy ang koordinasyon at pagtutulungan upang mas mapalapit at mapalakas ang serbisyong pangkalusugan para sa bawat mamamayan.

📊 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔 𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦 𝗧𝗜𝗚𝗗𝗔𝗦 𝗠𝗥-𝗦𝗜𝗔 𝗤𝗨𝗜𝗖𝗞 𝗖𝗢𝗨𝗡𝗧𝗔𝘀 𝗼𝗳 𝗦𝗲𝗽𝘁𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟰, 𝟮𝟬𝟮𝟲 - 𝟳:𝟬𝟬𝗔𝗠Patuloy ang Measles-Rubella Supplemental Immu...
04/09/2026

📊 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔 𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦 𝗧𝗜𝗚𝗗𝗔𝗦 𝗠𝗥-𝗦𝗜𝗔 𝗤𝗨𝗜𝗖𝗞 𝗖𝗢𝗨𝗡𝗧
𝗔𝘀 𝗼𝗳 𝗦𝗲𝗽𝘁𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟰, 𝟮𝟬𝟮𝟲 - 𝟳:𝟬𝟬𝗔𝗠

Patuloy ang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) sa buong MIMAROPA upang maabot ang mga batang 6–59 buwang gulang at maprotektahan sila laban sa tigdas at tigdas hangin.

Katuwang ang ating mga health workers, LGUs, at partners, patuloy nating inilalapit ang pagbabakuna sa mga komunidad.

May vaccination record man o wala, dalhin ang inyong mga anak sa pinakamalapit na fixed o temporary vaccination post hanggang September 4, 2026.

Maging BakunaDOH para ProtektaDOH!

📍𝐔𝐋𝐀𝐓 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐋𝐈𝐃𝐀𝐃 𝐍𝐆 𝐇𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐄𝐑𝐓𝐎 𝐏𝐑𝐈𝐍𝐂𝐄𝐒𝐀 𝐂𝐈𝐓𝐘 𝐒𝐓𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐍𝐆𝐀𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐒𝐄𝐓𝐘𝐄𝐌𝐁𝐑𝐄 4, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 05:00pmPatuloy na binabantay...
04/09/2026

📍𝐔𝐋𝐀𝐓 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐋𝐈𝐃𝐀𝐃 𝐍𝐆 𝐇𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐄𝐑𝐓𝐎 𝐏𝐑𝐈𝐍𝐂𝐄𝐒𝐀 𝐂𝐈𝐓𝐘 𝐒𝐓𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐍𝐆𝐀𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐒𝐄𝐓𝐘𝐄𝐌𝐁𝐑𝐄 4, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 05:00pm

Patuloy na binabantayan ng EMB MIMAROPA Region ang kalidad ng ating hangin upang matiyak ang kalusugan at kaligtasan ng bawat isa sa ating mga komunidad.

Narito ang 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐤𝐚𝐛𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐔𝐥𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐊𝐚𝐥𝐢𝐝𝐚𝐝 𝐧𝐠 𝐇𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐋𝐮𝐧𝐠𝐬𝐨𝐝 𝐧𝐠 𝐏𝐮𝐞𝐫𝐭𝐨 𝐏𝐫𝐢𝐧𝐜𝐞𝐬𝐚 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 05:00pm

-𝐏𝐌𝟐.𝟓 𝐀𝐢𝐫 𝐐𝐮𝐚𝐥𝐢𝐭𝐲 𝐈𝐧𝐝𝐞𝐱: 83 (𝐅𝐀𝐈𝐑)
-𝐏𝐌𝟏𝟎 𝐀𝐢𝐫 𝐐𝐮𝐚𝐥𝐢𝐭𝐲 𝐈𝐧𝐝𝐞𝐱: 41 (𝐆𝐎𝐎𝐃)

🟢 𝐀𝐥𝐚𝐦𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐊𝐚𝐭𝐞𝐠𝐨𝐫𝐲𝐚 𝐧𝐠 𝐀𝐢𝐫 𝐐𝐮𝐚𝐥𝐢𝐭𝐲 𝐈𝐧𝐝𝐞𝐱 (𝐀𝐐𝐈)

Upang matulungan ang lahat na maunawaan ang kahulugan ng mga bilang na ito, narito ang isang mabilis na gabay sa ating mga kategorya ng AQI at ang mga inirerekomendang hakbang para sa bawat isa:

🟢 𝟎–𝟓𝟎 (𝐆𝐎𝐎𝐃 / 𝐌𝐀𝐁𝐔𝐓𝐈): Kasiya-siya ang kalidad ng hangin, at kaunti o walang panganib mula sa polusyon. Ipagpatuloy ang inyong mga gawain sa labas!

🟡 𝟓𝟏–𝟏𝟎𝟎 (𝐅𝐀𝐈𝐑 / 𝐊𝐀𝐓𝐀𝐌𝐓𝐀𝐌𝐀𝐍): Katanggap-tanggap ang kalidad ng hangin. Gayunpaman, maaaring magkaroon ng panganib para sa ilang tao, lalo na ang mga may espesyal na sensitibidad sa polusyon sa hangin.

🟠 𝟏𝟎𝟏–𝟏𝟓𝟎 (𝐔𝐍𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇𝐘 𝐅𝐎𝐑 𝐒𝐄𝐍𝐒𝐈𝐓𝐈𝐕𝐄 𝐆𝐑𝐎𝐔𝐏𝐒 / 𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 𝐌𝐀𝐁𝐔𝐓𝐈 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 ILANG SENSITIBONG GRUPO): Ang mga miyembro ng sensitibong grupo (mga bata, matatanda, buntis, at mga may karamdaman sa baga o respiratory system) ay maaaring makaranas ng epekto sa kalusugan. Mas mababa ang posibilidad na maapektuhan ang pangkalahatang publiko.

🔴 𝟏𝟓𝟏–𝟐𝟎𝟎 (𝐕𝐄𝐑𝐘 𝐔𝐍𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇𝐘 / 𝐌𝐀𝐒𝐀𝐌𝐀 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐋𝐔𝐒𝐔𝐆𝐀𝐍): Ang lahat ay maaaring magsimulang makaranas ng epekto sa kalusugan; ang mga miyembro ng sensitibong grupo ay maaaring makaranas ng mas malubhang epekto. Bawasan ang matagal na mabigat na gawain sa labas.

🟣 𝟐𝟎𝟏–𝟑𝟎𝟎 (𝐀𝐂𝐔𝐓𝐄𝐋𝐘 𝐔𝐍𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇𝐘 / 𝐍𝐀𝐏𝐀𝐊𝐀𝐒𝐀𝐌𝐀 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐋𝐔𝐒𝐔𝐆𝐀𝐍): Babala sa kalusugan: ang lahat ay maaaring makaranas ng mas malubhang epekto sa kalusugan. Iwasan ang matagal na aktibidad sa labas.

🟤 𝟑𝟎𝟏+ (𝐄𝐌𝐄𝐑𝐆𝐄𝐍𝐂𝐘): Matindi ang banta sa kalusugan ng lahat. Mas malaki ang posibilidad na maapektuhan ang buong populasyon. Manatili sa loob ng bahay hangga't maaari.

𝐌𝐚𝐧𝐚𝐭𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐥𝐞𝐫𝐭𝐨 𝐚𝐭 𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐥𝐮𝐬𝐮𝐠𝐚𝐧! Para sa iba pang detalye, bisitahin ang aming official website o mag-iwan ng mensahe sa aming page.

🌐 Website: w w w . m i m a r o p a . e m b . g o v . p h
📧 Email: [email protected]
📱 Facebook: EMB MIMAROPA

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | Patuloy na binabantayan ng Department of Health MIMAROPA Center for Health Development (DOH MIMAROPA CHD), sa ...
04/09/2026

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | Patuloy na binabantayan ng Department of Health MIMAROPA Center for Health Development (DOH MIMAROPA CHD), sa pamamagitan ng Health Facility Development Unit (HFDU), ang pagpapatupad ng mga pamantayan at programa sa mga health facilities sa rehiyon sa isinagawang Integrated Monitoring of HFDU-Related Programs mula Marso hanggang Hulyo 2026 sa Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, at Palawan (BCCL and Northern Palawan).

Sa monitoring visits, sinuri ang mga piling ospital, clinical laboratories, primary care facilities, at Bagong Urgent Care and Ambulatory Services (BUCAS) Centers, kung saan tiningnan ang kanilang hospital operations, infection prevention and control, healthcare waste management, laboratory quality assurance, biosafety and biosecurity, at iba pang standards para sa ligtas at maayos na operasyon ng health facilities.

Kasabay ng assessment, nagbigay rin ang HFDU ng technical assistance upang matugunan ang mga nakitang gaps at operational concerns at matulungan ang bawat pasilidad na matukoy ang mga kailangang ayusin o higit pang pagbutihin alinsunod sa national health facility standards.

Sa pamamagitan ng regular na monitoring at direktang pakikipag-ugnayan sa mga health facilities, mas natututukan ang kalidad at kaligtasan ng kanilang operasyon at serbisyo upang patuloy na makapagbigay ng ligtas, maayos, at dekalidad na pangangalagang pangkalusugan para sa mga mamamayan sa MIMAROPA.

“𝑲𝒂𝒍𝒖𝒔𝒖𝒈𝒂𝒏 𝒔𝒂 𝒎𝒈𝒂 𝑰𝒔𝒍𝒂, 𝑲𝒂𝒚𝒂𝒎𝒂𝒏𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑴𝑰𝑴𝑨𝑹𝑶𝑷𝑨.”


DOH: ISANG ARAW NA LANG, MAGPABAKUNA SA MR-SIA!Protektahan ang mga batang edad 6–59 na buwan sa pamamagitan ng pagpapaba...
04/09/2026

DOH: ISANG ARAW NA LANG, MAGPABAKUNA SA MR-SIA!

Protektahan ang mga batang edad 6–59 na buwan sa pamamagitan ng pagpapabakuna laban sa tigdas at tigdas-hangin sa MR-SIA.

Tandaan na ang MR-SIA ay hindi kapalit ng routine immunization.

Dalhin na ang inyong anak sa pinakamalapit na health center, BHS, ospital, o itinalagang vaccination post sa inyong komunidad.

Magpabakuna Na!



Ngayong Blood Cancer Awareness Month, mahalagang mas kilalanin ang iba’t ibang uri ng kanser sa dugo gaya ng leukemia, l...
04/09/2026

Ngayong Blood Cancer Awareness Month, mahalagang mas kilalanin ang iba’t ibang uri ng kanser sa dugo gaya ng leukemia, lymphoma, at multiple myeloma.

Ang blood cancer ay maaaring makaapekto sa paggawa at normal na paggana ng mga selula ng dugo at immune system. Ang tamang impormasyon, maagang konsultasyon, at angkop na pagsusuri ay mahalagang hakbang tungo sa mas maagang pagkilala at paggamot.

Para sa impormasyon tungkol sa cancer benefits at available support services, i-scan ang QR code sa poster.

04/09/2026

“Doc, mas delikado ba ang bakuna kaysa sa mismong tigdas?”

Sa dami ng nababasa at naririnig tungkol sa bakuna, mahalagang malinaw kung alin talaga ang mas malaking panganib para sa kalusugan ng bata.

Pakinggan sina Dr. May Ann Cacayorin ng Community Pediatrics Society of the Philippines – Palawan Chapter at Dr. Kathleen Miguel ng Philippine Pediatric Society – Southern Tagalog Chapter habang ipinapaliwanag nila ang pagkakaiba ng panganib mula sa bakuna at sa mismong sakit na tigdas.

Sa kalusugan ng bata, piliin ang impormasyong batay sa siyensya at payo ng mga eksperto.

03/09/2026

“Doc, kung nabakunahan na dati, kailangan pa ba ng bakuna ulit (MR-SIA)?”

Isa ito sa karaniwang tanong ng mga magulang, lalo na kung nakatanggap na ng bakuna ang kanilang anak noon. Kailangan pa nga ba silang isama sa MR-SIA?

Pakinggan sina Dr. Katherine Alagao-Paa at Dr. Hemiliza Abrea ng Community Pediatrics Society of the Philippines – Palawan Chapter habang ipinapaliwanag nila kung bakit mahalaga pa rin ang MR-SIA para sa mga batang eligible.

Sa pagbabakuna, siguraduhing tama at mula sa eksperto ang impormasyon.

IN PHOTOS | PDOHO-PHO 3rd Quarter MeetingIsinagawa ngayong araw, Setyembre 3, 2026 ang 3rd Quarter Meeting ng Provincial...
03/09/2026

IN PHOTOS | PDOHO-PHO 3rd Quarter Meeting

Isinagawa ngayong araw, Setyembre 3, 2026 ang 3rd Quarter Meeting ng Provincial DOH Office (PDOHO) Palawan at Provincial Health Office of Palawan (PHO) sa Sunlight Hotel, Puerto Princesa City.

Tinalakay sa pagpupulong ang mahahalagang updates at susunod na hakbang kaugnay ng AOP 2027 preparation, LHSD Grant implementation, ELMIS utilization, health facility compliance monitoring, MR-SIA accomplishments, mga nakabinbing action items, at paghahanda para sa 4th Quarter.

Naging pagkakataon din ito upang higit pang mapagtibay ang koordinasyon ng dalawang tanggapan sa patuloy na pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan sa buong Palawan.

📊 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔 𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦 𝗧𝗜𝗚𝗗𝗔𝗦 𝗠𝗥-𝗦𝗜𝗔 𝗤𝗨𝗜𝗖𝗞 𝗖𝗢𝗨𝗡𝗧𝗔𝘀 𝗼𝗳 𝗦𝗲𝗽𝘁𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟯, 𝟮𝟬𝟮𝟲 - 𝟳:𝟬𝟬𝗔𝗠Patuloy ang Measles-Rubella Supplemental Immu...
03/09/2026

📊 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔 𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦 𝗧𝗜𝗚𝗗𝗔𝗦 𝗠𝗥-𝗦𝗜𝗔 𝗤𝗨𝗜𝗖𝗞 𝗖𝗢𝗨𝗡𝗧
𝗔𝘀 𝗼𝗳 𝗦𝗲𝗽𝘁𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟯, 𝟮𝟬𝟮𝟲 - 𝟳:𝟬𝟬𝗔𝗠

Patuloy ang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) sa buong MIMAROPA upang maabot ang mga batang 6–59 buwang gulang at maprotektahan sila laban sa tigdas at tigdas hangin.

Katuwang ang ating mga health workers, LGUs, at partners, patuloy nating inilalapit ang pagbabakuna sa mga komunidad.

May vaccination record man o wala, dalhin ang inyong mga anak sa pinakamalapit na fixed o temporary vaccination post hanggang September 4, 2026.

Maging BakunaDOH para ProtektaDOH!

Address

PENRO Road , Bgy. Sta. Monica
Puerto Princesa
5300

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63484337743

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Provincial DOH Office - Palawan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share