11/08/2026
🎓 EDUKASYON ANG PUHUNAN, KABATAAN ANG KINABUKASAN! 🇵🇭
Patuloy na isinusulong ng Barangay Maligaya ang mga programang nagbibigay ng konkretong suporta sa edukasyon at kinabukasan ng ating mga kabataan.
Sa pamamagitan ng ating scholarship program, limang (5) college students mula sa Barangay Maligaya ang nakatanggap ng ₱20,000 educational assistance bawat isa upang makatulong sa kanilang mga gastusin sa pag-aaral. 🎓📚
Hindi lamang financial assistance ang ating inilalaan. Nagkaroon din ang barangay ng mahahalagang kagamitang maaaring gamitin para sa mga programa at aktibidad na may kaugnayan sa edukasyon at community development, gaya ng:
🖥️ White Screen
📽️ Projector
💻 Laptop
🖨️ Printer
Ang mga hakbang na ito ay bahagi ng ating layunin na magkaroon ng mas organisado, makabuluhan, at pangmatagalang programa para sa kabataan.
🇵🇭 Bilang pakikiisa sa mga programang isinusulong ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. (BBM) para sa kapakanan ng mga Pilipino, hangad ng Barangay Maligaya na maging halimbawa at inspirasyon sa iba pang barangay at lungsod sa buong bansa—na ang pamumuhunan sa edukasyon ay pamumuhunan sa kinabukasan ng ating bayan.
Sa ating mga iskolar: mag-aral nang mabuti, mangarap nang mataas, at maging inspirasyon sa iba. Ang inyong tagumpay ay tagumpay din ng ating buong komunidad. 💙