San Pedro Barangay Health Center

San Pedro Barangay Health Center Youth Friendly Health Center that provides Services that the People of San Pedro needed.

15/12/2021

Mawawalan ba ng bisa ang pills kapag nagsuka matapos itong inumin?

Kung ang pagsusuka ay nangyari ng mahigit na sa 2 oras matapos inumin ang tableta ng pills walang dapat ipag alala dahil ito ay naabsorb na ng iyong katawan ngunit kung ang pagsusuka ay hindi pa umabot ng 2 oras, inumin ang susunod na tableta upang manatili pa din ang bisa ng pills.

13/12/2021
29/11/2021

Epektibo ang mga Long-Acting Contraceptives (o LARCs) na pigilan ang hindi planadong pagbubuntis sa loob ng mahabang panahon. Panuorin sa Miyerkules, December 1, 2021 ang video na magtuturo ng tungkol sa mga benepisyo ng LARCs.

I-like, i-share, at mag-subscribe sa Ugat ng Kalusugan Youtube Channel para updated ka sa mga bagong videos: https://bit.ly/3ELvEcw

Hatid sa inyo ng Roots of Health, Austrian Embassy Manila, at Amaze.org.

26/11/2021

Napipigilan ng mga Long Acting Reversible Contraceptives, o LARCs, ang hindi planadong pagbubuntis sa loob ng mahabang panahon sa pamamagitan ng pagpigil sa pagsasama ng semilya ng lalaki at itlog ng babae.

Gayunpaman, pagbubuntis lamang ang kayang pigilan ng LARC at hindi ang pagkahawa ng mga sakit na dulot ng hindi protektadong pagtatalik. Kaya kailangan ding gumamit ng iba pang contraceptives gaya ng condom. Panoorin ang video na ito upang matutunan natin ang birth control options na ito.

Abangan ang launch ng ugatngkalusugan.org… COMING SOON!!

This project is brought to you by Roots of Health with the support of the Embassy of Canada in the Philippines through Canada Fund for Local Initiatives (CFLI).

26/11/2021

Ano nga ba ang tinatawag na consent at bakit ito mahalaga? Ang consent ay pahintulot mula sa iyo bago gawin ang isang bagay.

Napakahalaga ng consent sa usapin ng pakikipagtalik. Tanungin mo ang iyong sarili: agree ka bang makipagtalik sa isang tao? Pwede kang umoo, pwede ka rin namang humindi. Katawan mo iyan kaya ikaw ang may karapatan at mas nakakaalam kung kailan ka talaga handang makipagtalik. Ang iyong oo ay OO, at ang iyong hindi ay HINDI, at dapat irespeto ang iyong sagot.

Abangan ang launch ng ugatngkalusugan.org… COMING SOON!!

This project is brought to you by Roots of Health with the support of the Embassy of Canada in the Philippines through Canada Fund for Local Initiatives (CFLI).

23/11/2021

Maraming iba’t ibang klase ng contraceptives, at lahat sila ay pinipigilan na magtagpo ang semilya ng lalaki at itlog ng babae. Kapag ginamit nang tama ang mga contraceptives, walang pagbubuntis na mangyayari. Ang mga halimbawa ng contraceptives ay condom, intrauterine devices (IUD), pills, contraceptive implants, at birth control injections.

Ngunit alin nga bang contraceptive ang “the best” para sa isang taong gagamit nito?

Hindi pare-parehas ang epekto ng iba’t-ibang klase ng contraceptives sa bawat taong gumagamit nito. Hindi porke’t ayaw ng kaibigan mo ang pills, halimbawa, ay hindi na rin ito okay para sa iyo. May choice ka namang sumubok ng iba’t-ibang klase ng contraceptives hanggang sa matumbok mo ang uri ng contraceptive na talagang para sa’yo.

Mainam na mag-research muna para malaman mo kung anong contraceptives ang hiyang sa iyo, komportable kang gamitin, at naaayon sa iyong sitwasyon.

Abangan ang launch ng ugatngkalusugan.org… COMING SOON!!

This project is brought to you by Roots of Health with the support of the Embassy of Canada in the Philippines through Canada Fund for Local Initiatives (CFLI).

23/11/2021
18/11/2021

Tatlo ang prosesong nangyayari bago maganap ang pagbubuntis: (1) Ovulation, (2) Fertilization, at (3) ang Implantation.

Ang OVULATION ay ang paglalabas ng itlog o egg cell mula sa obaryo ng babae. Buwan-buwan itong nangyayari sa isang babaeng may matris. Kapag nagtalik ang babae at lalaki, ang libo-libong s***m cells ng lalaki ay maglalakbay papunta sa fallopian tube ng babae. Mangyayari ang FERTILIZATION kapag nagsanib ang isa o higit pa sa mga s***m cells na ito at ang egg cell. At pangatlo, maglalakbay ang na-fertilize na itlog at kakapit sa dingding ng matris. Dito na magsisimulang mabuo ang isang fetus na siyang magdedevelop at magiging baby sa loob ng siyam na buwan.

Maraming paraan para mabuntis ang isang babae. Ngunit kung hindi ka pa ready para dito, palagiang gumamit ng mga contraceptive methods.

Abangan ang launch ng ugatngkalusugan.org… COMING SOON!!

This reminder is brought to you by Roots of Health with the support of the Embassy of Canada in the Philippines through Canada Fund for Local Initiatives (CFLI).

15/11/2021

Lahat ng babae ay dumadaan sa pagdadalaga. Pero anu-ano nga ba ang mga pangunahing palatandaan nito? Kailan ito nangyayari at normal lang ba ang mga pagbabagong ito?

Abangan ang video sa Miyerkules, November 17, 2021, 10AM.

Hatid sa inyo ng Roots of Health, Austrian Embassy Manila, at AMAZE Parents.

12/11/2021

Alam mo ba na may pills na oras lang ang pagitan na makalimutan mo ay maari ka nang mabuntis?

Ang Exluton at Daphne ay mga pildoras na makalimutan mo lang ng 4 na oras inumin ay humihina na ang bisa nito.

Kaya mag-set ng alarm sa oras ng inyong pag-inom upang hindi kayo makalimot at magagarantiya ang tamang-oras ng pag-inom.

Ctto: Ugat ng Kalusugan RH Clinic

10/11/2021

Alam mo ba na walang hormones ang IUD?

Ang Copper IUD ay isang uri ng Barrier Method na walang taglay na anumang hormones. Ito ay nagsisilbing harang lamang sa loob ng matris upang hindi magtagpo ang semilya ng lalaki at hinog na itlog ng babae.

Address

Puerto Princesa

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639186506985

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Pedro Barangay Health Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share