27/08/2026
THANK YOU FOR MAKING THE 2026 MIMAROPA RSTW POSSIBLE!
Mula sa sabay-sabay na selebrasyon sa Romblon, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, at Palawan, naging posible ang 2026 MIMAROPA Regional Science, Technology, and Innovation Week dahil sa sama-samang suporta, pakikiisa, at ambag ng ating mga partner institutions, exhibitors, media partners, local government units, academe, industry partners, resource persons, volunteers, participants, at iba pang katuwang sa buong rehiyon.
Sa bawat probinsya, iba-iba man ang tema, venue, at mga aktibidad, iisa ang naging layunin, ang mailapit ang science, technology, and innovation sa mas maraming komunidad at maipakita ang mga solusyon at oportunidad na makatutulong sa pag-unlad ng MIMAROPA.
Taos-puso ang aming pasasalamat sa lahat ng tumulong sa pagbuo, paghahanda, pagsasagawa, pagbabahagi, pag-uulat, at pagsuporta sa 2026 RSTW. Sa bawat indibidwal, organisasyon, institusyon, at komunidad na naglaan ng oras, kaalaman, resources, at ibaβt ibang uri ng suporta, ang inyong ambag ay naging mahalaga sa tagumpay ng selebrasyong ito.
Ang 2026 RSTW ay patunay sa kung ano ang kayang mabuo sa sama-samang pagkilos at pakikiisa para sa buong rehiyon. Maraming salamat sa inyong lahat!
Iba-ibang isla, iisang MIMAROPA.