LTO Palawan District Office

LTO Palawan District Office LTO Palawan District Office is the only LTO in the province of Palawan that serves 23 municipalities and 1 highly urbanized city.

๐€๐๐ˆ๐’๐Ž ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐ŽMuling ipinababatid ng Land Transportation Office (LTO) sa publiko na pansamantalang hindi magagamit ang...
20/07/2026

๐€๐๐ˆ๐’๐Ž ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž

Muling ipinababatid ng Land Transportation Office (LTO) sa publiko na pansamantalang hindi magagamit ang Land Transportation Management System (LTMS) dahil sa isang technical issue na katulad ng naranasang aberya noong nakaraang linggo.

Kasalukuyang ginagawa ng LTO ang mga kinakailangang hakbang upang maibalik sa normal ang operasyon ng sistema sa lalong madaling panahon. Kasabay nito, pinag-aaralan din ang mga posibleng solusyon at isinasagawa ang mga pagpapahusay sa sistema upang mabawasan ang pagkaantala ng serbisyo at maiwasan ang mga katulad na aberya sa hinaharap.

Habang isinasagawa ang mga hakbang na ito, maaaring hindi magamit pansamantala ang mga transaksyong may kaugnayan sa LTMS. Dahil dito, pinapayuhan ang lahat ng tanggapan at mga kinauukulan na ipagpaliban muna ang mga transaksyon sa LTMS hanggang sa maglabas ng panibagong abiso.

Tinitiyak ng ahensya na prayoridad ang agarang maibalik sa normal ang operasyon ng sistema. Magbibigay ang LTO ng karagdagang abiso sa sandaling ganap nang maibalik ang serbisyo.

Lubos naming pinasasalamatan ang inyong pasensya at pang-unawa.

๐‹๐“๐Ž, ๐๐ˆ๐๐€๐๐€๐†๐Ž๐“ ๐€๐๐† ๐ƒ๐‘๐€๐˜๐๐„๐‘ ๐€๐“ ๐‘๐„๐‡๐ˆ๐’๐“๐‘๐€๐ƒ๐Ž๐๐† ๐Œ๐€๐˜-๐€๐‘๐ˆ ๐๐† ๐๐ˆ๐‚๐Š-๐”๐ ๐“๐‘๐”๐‚๐Š ๐๐€ ๐๐€๐†๐’๐€๐’๐€๐Š๐€๐˜ ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐„๐’๐“๐”๐ƒ๐˜๐€๐๐“๐„ ๐’๐€ ๐‚๐€๐‘๐†๐Ž ๐๐„๐ƒ; ๐‹๐ˆ๐’๐„๐๐’...
02/07/2026

๐‹๐“๐Ž, ๐๐ˆ๐๐€๐๐€๐†๐Ž๐“ ๐€๐๐† ๐ƒ๐‘๐€๐˜๐๐„๐‘ ๐€๐“ ๐‘๐„๐‡๐ˆ๐’๐“๐‘๐€๐ƒ๐Ž๐๐† ๐Œ๐€๐˜-๐€๐‘๐ˆ ๐๐† ๐๐ˆ๐‚๐Š-๐”๐ ๐“๐‘๐”๐‚๐Š ๐๐€ ๐๐€๐†๐’๐€๐’๐€๐Š๐€๐˜ ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐„๐’๐“๐”๐ƒ๐˜๐€๐๐“๐„ ๐’๐€ ๐‚๐€๐‘๐†๐Ž ๐๐„๐ƒ; ๐‹๐ˆ๐’๐„๐๐’๐˜๐€ ๐’๐”๐’๐๐„๐๐ƒ๐ˆ๐ƒ๐Ž, ๐’๐€๐’๐€๐Š๐˜๐€๐ ๐ˆ๐๐€๐‹๐€๐‘๐Œ๐€

Sa pangunguna ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, agad na inatasan ang paghahain ng Show Cause Order (SCO) laban sa rehistradong may-ari at drayber ng isang pick-up truck matapos mamataang may sakay na mga pasahero sa cargo bed ng sasakyan habang bumibiyahe sa pampublikong kalsada.

Matapos makarating sa ahensya ang larawang nagpapakita ng naturang insidente, agad na ipinag-utos ni Assistant Secretary Lacanilao ang pagsasagawa ng beripikasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng may-ari at drayber ng Toyota Hilux.

Sa nakalap na larawan, makikita ang mga estudyanteng nagsisiksikan habang nakasakay sa likurang bahagi ng sasakyan nang walang nakikitang anumang kaukulang safety restraints, na naglalagay sa panganib.

Sa isinagawang imbestigasyon, agad na natukoy ang rehistradong may-ari at drayber ng nasabing sasakyan. Dahil dito, kaagad siyang inisyuhan ng SCO at inatasang humarap sa Intelligence and Investigation Division (IID) upang magsumite ng sinumpaang salaysay at ipaliwanag kung bakit hindi siya dapat managot sa kasong Reckless Driving, gayundin kung bakit hindi siya dapat ideklarang Improper Person to Operate a Motor Vehicle, na maaaring magresulta sa suspensyon o pagbawi ng kanyang driverโ€™s license.

Bukod sa mga nabanggit na paglabag, natuklasan din sa isinagawang beripikasyon na ang sasakyan ay hindi rehistrado. Dahil dito, isinama rin sa mga kasong kinakaharap ng drayber ang paglabag na Driving an Unregistered Motor Vehicle.

Bilang bahagi ng nagpapatuloy na imbestigasyon, agad ding isinailalim sa 90-araw na preventive suspension ang driver's license ng drayber at inatasan siyang isuko ito sa IID. Inilagay na rin sa alarma ang naturang sasakyan upang matiyak na hindi ito magagamit o makapagsagawa ng anumang transaksiyon sa alinmang tanggapan ng LTO habang isinasagawa ang kaukulang imbestigasyon.

โ€œKapakanan ng mga pasahero ang lagi nating inuuna, lalo na ang mga estudyante. Hindi natin palalampasin ang ganitong mapanganib na gawain sa kalsada dahil nakasalalay dito ang buhay at kaligtasan ng mga pasahero. Maging responsable at disiplinado sa pagmamaneho, malapit man o malayo ang inyong biyahe,โ€ pahayag ni Assistant Secretary Lacanilao.

Muling pinaalalahanan ng LTO ang lahat ng motorista na tiyaking ligtas at naaayon sa batas ang paraan ng pagsasakay ng kanilang mga pasahero. Patuloy na paiigtingin ng ahensya ang pagpapatupad ng batas-trapiko laban sa mga mapanganib na paglabag upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat gumagamit ng lansangan.

๐€๐๐ˆ๐’๐Ž ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž๐„๐—๐“๐„๐๐’๐ˆ๐Ž๐ ๐๐† ๐•๐€๐‹๐ˆ๐ƒ๐ˆ๐“๐˜ ๐๐† ๐ƒ๐‘๐ˆ๐•๐„๐‘'๐’ ๐‹๐ˆ๐‚๐„๐๐’๐„, ๐‚๐Ž๐๐ƒ๐”๐‚๐“๐Ž๐‘'๐’ ๐‹๐ˆ๐‚๐„๐๐’๐„, ๐’๐“๐”๐ƒ๐„๐๐“-๐ƒ๐‘๐ˆ๐•๐„๐‘'๐’ ๐๐„๐‘๐Œ๐ˆ๐“, ๐€๐“ ๐‘๐„๐‡๐ˆ๐’๐“๐‘๐Ž ๐๐† ...
20/06/2026

๐€๐๐ˆ๐’๐Ž ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž

๐„๐—๐“๐„๐๐’๐ˆ๐Ž๐ ๐๐† ๐•๐€๐‹๐ˆ๐ƒ๐ˆ๐“๐˜ ๐๐† ๐ƒ๐‘๐ˆ๐•๐„๐‘'๐’ ๐‹๐ˆ๐‚๐„๐๐’๐„, ๐‚๐Ž๐๐ƒ๐”๐‚๐“๐Ž๐‘'๐’ ๐‹๐ˆ๐‚๐„๐๐’๐„, ๐’๐“๐”๐ƒ๐„๐๐“-๐ƒ๐‘๐ˆ๐•๐„๐‘'๐’ ๐๐„๐‘๐Œ๐ˆ๐“, ๐€๐“ ๐‘๐„๐‡๐ˆ๐’๐“๐‘๐Ž ๐๐† ๐’๐€๐’๐€๐Š๐˜๐€๐, ๐‡๐€๐๐†๐†๐€๐๐† ๐Ÿ‘๐Ÿ ๐‡๐”๐‹๐˜๐Ž ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐๐€ ๐‹๐€๐Œ๐€๐๐†

Ipinapaalala ng Land Transportation Office (LTO) na ang pagpapalawig ng bisa ng driver's license, conductor's license, student-driver's permit, at rehistro ng sasakyan, gayundin ang hindi pagpapataw ng multa para sa late renewal, ay hanggang 31 Hulyo 2026 na lamang alinsunod sa Memorandum Circular No. MVL-2026-5157.

Pagkatapos ng nasabing petsa, ang mga expired na lisensya, permit, at rehistro ng sasakyan na hindi pa nare-renew ay sasailalim na sa umiiral na mga patakaran at kaukulang multa para sa late renewal.

Pinapayuhan ang lahat ng motorista at may-ari ng sasakyan na i-renew na ang kanilang mga dokumento bago ang 31 Hulyo 2026 upang maiwasan ang abala at mga kaukulang parusa.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa pinakamalapit na tanggapan ng LTO o bisitahin ang opisyal na social media pages ng ahensya.

11/06/2026
LTO MIMAROPA OIC Regional Director PBGen. Roderick D. Minong (Ret.) warmly welcomed the courtesy visit of PLTCOL. Michae...
11/06/2026

LTO MIMAROPA OIC Regional Director PBGen. Roderick D. Minong (Ret.) warmly welcomed the courtesy visit of PLTCOL. Michael C. Caraggayan, Chief of Police of the Calapan City Police Station, as part of ongoing efforts to strengthen inter-agency collaboration in the enforcement of traffic laws and the promotion of road safety initiatives.

The meeting served as an avenue to discuss key concerns and reinforce the strong partnership between the Land Transportation Office (LTO) and the Philippine National Police (PNP) in ensuring effective implementation of road safety programs, traffic regulations, and law enforcement operations.

Through close coordination and cooperation, both agencies reaffirmed commitment to promote responsible and disciplined road use, enhancing the efficiency of traffic law enforcement, and safeguarding the welfare of motorists, passengers, pedestrians, and all road users.

๐€๐๐ˆ๐’๐Ž ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐ŽMagandang balita!Maaari nang gamitin ang Land Transportation Management System (LTMS) para sa inyong mga...
04/06/2026

๐€๐๐ˆ๐’๐Ž ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž

Magandang balita!

Maaari nang gamitin ang Land Transportation Management System (LTMS) para sa inyong mga transaksyon.

Maari na po kayong magpatuloy sa inyong mga transaksyon tulad ng:

โ€ข Renewal ng driverโ€™s license
โ€ข Rehistro ng mga sasakyan
โ€ข Iba pang kaugnay na online services

Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong pasensya at pag-unawa sa nangyaring technical issue. Nauunawaan namin ang abalang dulot nito.

Paalala: Maaari nang i-access ang LTMS Portal at ipagpatuloy ang inyong mga nakabinbing transaksyon. Para sa maayos na karanasan, siguraduhing stable ang inyong internet connection at i-refresh ang inyong browser bago mag-login.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikipagtulungan.

๐€๐๐ˆ๐’๐Ž ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐ŽPansamantalang offline ang Land Transportation Management System (LTMS) dahil sa nararanasan na technica...
03/06/2026

๐€๐๐ˆ๐’๐Ž ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž

Pansamantalang offline ang Land Transportation Management System (LTMS) dahil sa nararanasan na technical issue, ngayong araw ika-3 Hunyo 2026.

Sa kasalukuyan, pansamantalang tigil operasyon ang mga sumusunod na serbisyo:

โ€ข Renewal ng driverโ€™s license
โ€ข Rehistro ng mga sasakyan
โ€ข Lahat ng kaugnay na ancillary services

Pinaaalalahanan ang lahat na pansamantalang ipagpaliban muna ang kanilang mga transaksyon at manatiling nakaantabay sa opisyal na mga anunsyo ng ahensya para sa updates.

Kami po ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyong pag-unawa, pasensya, at pakikiisa.

Agad na maglalabas ng abiso ang ahensya sa sandaling may progreso na sa system.

๐†๐Ž๐Ž๐ƒ ๐๐„๐–๐’! ๐‹๐ˆ๐’๐„๐๐’๐˜๐€ ๐€๐“ ๐‘๐„๐‡๐ˆ๐’๐“๐‘๐Ž ๐๐† ๐’๐€๐’๐€๐Š๐˜๐€๐, ๐„๐—๐“๐„๐๐ƒ๐„๐ƒ ๐€๐๐† ๐•๐€๐‹๐ˆ๐ƒ๐ˆ๐“๐˜Alinsunod sa LTO Memorandum Circular No. MVL-2026-5048...
15/05/2026

๐†๐Ž๐Ž๐ƒ ๐๐„๐–๐’! ๐‹๐ˆ๐’๐„๐๐’๐˜๐€ ๐€๐“ ๐‘๐„๐‡๐ˆ๐’๐“๐‘๐Ž ๐๐† ๐’๐€๐’๐€๐Š๐˜๐€๐, ๐„๐—๐“๐„๐๐ƒ๐„๐ƒ ๐€๐๐† ๐•๐€๐‹๐ˆ๐ƒ๐ˆ๐“๐˜

Alinsunod sa LTO Memorandum Circular No. MVL-2026-5048, extended ang validity ng mga sumusunod:

โ€ข Driverโ€™s License
โ€ข Conductorโ€™s License
โ€ข Student Permit
โ€ข Motor Vehicle Registration

Para sa mga dokumentong nag-expire simula April 2026, ito ay extended ng tatlong (3) buwan mula sa orihinal na expiry date.

Ang mga expired noong April at May ay maaari pang i-renew sa loob ng extension period, nang walang anumang surcharge, penalty, o multa.

Layunin ng hakbang na ito na mapanatili ang tuloy-tuloy at maayos na serbisyo para sa mga motorista habang isinasaalang-alang ang sitwasyon ng mga apektadong kliyente sa buong rehiyon.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa pinakamalapit na LTO office sa inyong lugar.

15/05/2026

ANUNSYO MULA SA LTO PALAWAN DISTRICT OFFICE ๐Ÿ“ข

Inaanyayahan po namin ang lahat ng may-ari ng motorsiklo at traysikel na may Year Model 2017 pababa na maaari nang mag-claim ng kanilang plaka.

โœ… Maaaring kumuha ng plaka kahit saan pa unang nairehistro ang motorskilo/traysikel.

๐Ÿ“Œ Dalhin lamang ang photocopy ng OR/CR para sa beripikasyon.

๐Ÿ“ LTO Palawan District Office
Talapichi Building, Barangay Tagumpay, Puerto Princesa City

Maraming salamat po. ๐Ÿ๏ธ๐Ÿšฆ

๐Œ๐š๐ฒ ๐’๐ฎ๐ฆ๐›๐จ๐ง๐  ๐Š๐š? ๐ˆ-๐‘๐ž๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ ๐Œ๐จ ๐Š๐š๐ฒ ๐‹๐“๐Ž ๐‚๐ก๐ข๐ž๐Ÿ!๐˜“๐˜›๐˜–, ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ด๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฌ๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ข-๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ โ€˜๐˜’๐˜ถ๐˜ธ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ...
29/04/2026

๐Œ๐š๐ฒ ๐’๐ฎ๐ฆ๐›๐จ๐ง๐  ๐Š๐š? ๐ˆ-๐‘๐ž๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ ๐Œ๐จ ๐Š๐š๐ฒ ๐‹๐“๐Ž ๐‚๐ก๐ข๐ž๐Ÿ!
๐˜“๐˜›๐˜–, ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ด๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฌ๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ข-๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ โ€˜๐˜’๐˜ถ๐˜ธ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ธ๐˜ช๐˜ต๐˜ฉ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜“๐˜›๐˜– ๐˜Š๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฆ๐˜งโ€™ ๐˜ง๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ถ๐˜ฎ

Bilang bahagi ng ika-anim na buwan ng mga naisagawang hakbang ng pamunuan, nagkaroon ng programang โ€œKuwentuhan with the LTO Chiefโ€ ang Land Transportation Office (LTO) na naglalayong magbigay ng malinaw at accessible na paliwanag sa publiko hinggil sa nga polisiya, reporma, at resulta ng operasyon ng ahensya. Tampok sa unang sesyon nang nasabing programa ang paglulunsad ng โ€œI-Report Mo Kay LTO Chief,โ€ isang direktang sumbungan na nagbibigay sa publiko ng mabilis at madaling paraan upang mag-ulat ng reklamo, katiwalian, o concern sa pamamagitan ng website na www.ireportmokayltochief.ph at opisyal na page/messenger nito na I-Report Mo Kay LTO Chief. Ang inisyatibong ito ay kaayon ng 7-point priority agenda ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, partikular sa pagpapalakas ng transparency, accountability, at agarang pagtugon sa mga hinaing ng publiko.

Sa ilalim ng โ€œI-Report Mo Kay LTO Chief,โ€ maaaring magsumite ang sinumang motorista o mamamayan ng kanilang ulat kaugnay ng operasyon, serbisyo, o kaugalian ng mga tauhan ng LTO, kabilang ang mga insidente ng road rage, mapanganib na pagmamaneho, at iba pang paglabag na naglalagay sa peligro sa kaligtasan sa kalsada. Ang mga matatanggap na sumbong ay agad na dadaan sa kaukulang beripikasyon upang matiyak na naaaksyunan ang bawat reklamo alinsunod sa umiiral na mga patakaran.

Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, ang nasabing inisyatibo ay bahagi ng patuloy na reporma ng ahensya upang palakasin ang accountability at gawing mas bukas ang komunikasyon sa pagitan ng gobyerno at publiko.

Hinihikayat ng LTO ang publiko na gamitin ang โ€œI-Report Mo Kay LTO Chiefโ€ bilang isang responsableng paraan ng pakikilahok upang makatulong sa pagpapanatili ng maayos, ligtas, at mabisang sistema ng transportasyon sa bansa.

Address

E. Valencia Street, Bgy. Model
Puerto Princesa
5300

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LTO Palawan District Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to LTO Palawan District Office:

Shortcuts

Share