16/09/2026
May sore eyes na ba ang lahat? 👀
Ang Sore Eyes o Conjunctivitis ay ang pamamaga ng conjunctiva, ito ay ang manipis na balot o lining sa ibabaw ng puting parte at loob ng talukap ng mata. Ito ay kadalasang dulot ng infection o allergy.
Dumarami na ang nagkakaroon ng sore eyes. Alamin kung paano mo mapo-protektahan ang iyong sarili.
Upang makaiwas:
✅ Umiwas sa mataong lugar;
✅ Maghugas lagi ng kamay;
✅ Iwasan ang hand-to-eye contact;
✅ Gamitin lamang ang sariling gamit; at
✅ Iwasan ang mga bagay na makakapag-trigger ng allergies.
PAALALA: Magpakonsulta sa doktor kung lumalala ang pagmumuta, lumalabo at masilaw ang paningin, at may matinding pananakit lalona kung sanggol ang apektado.
!