22/07/2026
TIGNAN | Isang courtesy call ang isinagawa ng Project Team ng Department of National Defense (DND), sa pamamagitan ng Philippine Marine Corps at Philippine Navy, sa Pamahalaang Panlalawigan. Sa pangunguna ni Brigadier General Alexander G Gigantone PN(M) - Deputy Commander of the AFP Education, Training and Doctrine Command (AFPETDC) at ilang miyembro ng kanilang logistics at legal team.
Mainit silang tinanggap nina Bise Gobernador Onsoy Ola, Mr. Roque Dela Peรฑa Program Manager, PADAP, Mr. Dennis G. Ola, OVG Chief-of-Staff , Mr. Jeffrey B. Tacuboy, EA IV, at Mr. Raymundo G. Padrones, SP Secretary.
Layunin ng pagbisitang ito na ipahayag ang kanilang taos-pusong pasasalamat sa patuloy na suporta ng Pamahalaang Panlalawigan, Bilang bahagi ng pagpupulong, nagsagawa rin ang tanggapan ng PADAP ng isang maikling presentasyon tungkol sa nasabing partnership at sa mga nakatakdang plano para sa hinaharap.
Ang pagpupulong ay sumasalamin sa matatag na ugnayan at sama-samang adhikain ng mga ahensya ng pamahalaan tungo sa mas ligtas, mas maunlad, at mas matatag na komunidad.