21/07/2026
MAYOR BAYRON, KABILANG SA TOP-PERFORMING, MOST TRUSTED CITY MAYORS SA BANSA
Kinilala si Puerto Princesa City Mayor Lucilo R. Bayron bilang isa sa Top-Performing, Most Trusted City Mayors sa isinagawang โBoses ng Bayanโ Index of Governance (IOG) survey ng RPMD Foundation Inc. para sa unang quarter ng 2026.
Sa resulta ng nationwide independent at non-commissioned survey, nagtala si Mayor Bayron ng 81.83% Index of Governance (IOG), na binubuo ng 81.57% trust rating at 82.10% performance rating. Dahil dito, kabilang siya sa mga kinilalang lokal na punong ehekutibo sa bansa batay sa pinagsamang sukatan ng tiwala ng publiko at governance delivery.
Sa proseso ng kwalipikasyon, unang sinuri ang mga city mayor ng kanikanilang constituents. Mula rito kinakailangang mapabilang sila sa top-performing, most trusted local chief executives sa kanilang rehiyon bago maisama sa National Assessment.
Batay sa artikulong inilabas ng RPMD, isinagawa ang survey noong Abril 2026 sa pamamagitan ng panayam sa 5,000 rehistradong botante sa bawat rehiyon mula sa ibaโt ibang socioeconomic classes. Ang mga respondent ay binigyan ng kaukulang statistical weight upang matiyak na ang resulta ay kumakatawan sa pananaw ng mga mamamayan sa bawat lungsod. Mayroon itong ยฑ1% margin of error sa 95% confidence level.
Ipinaliwanag din sa artikulo na ang naturang survey ay gumamit ng mga sumusunod na indicators sa mabuting pamamahala: ang leadership, fiscal management, social services, public safety, infrastructure development, disaster response, environmental management, digitalization, transparency, at responsiveness sa pangangailangan ng mga mamamayan.
Ayon kay RPMD Executive Director at Global Affairs and Political Analyst Dr. Paul Martinez, ang mataas na antas ng tiwala ng publiko ay bunga ng nakikitang mahusay na pamamahala, transparency, responsive governance, at epektibong paghahatid ng serbisyo publiko. Aniya, ang pagkilalang ito ay kaakibat ng mas malaking responsibilidad na mapanatili ang tiwala ng mamamayan at lalo pang mapabuti ang paghahatid ng mga programa at serbisyo.
Ang naturang pagkilala naman ay nagsisilbing inspirasyon sa patuloy na pagsusulong ng Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa, sa pamumuno ni Mayor Bayron, ng mga programang nakatuon sa mabuting pamamahala, transparency, at serbisyong may malasakit para sa kapakanan ng bawat Puerto Princesan.