06/07/2026
๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
Nagsagawa ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng malawakang inspeksyon, konsultasyon, at field validation para sa proyektong Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (Project SPLIT) kasama ang mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) sa ilang barangay sa munisipyo ng Quezon, Palawan at lungsod ng Puerto Princesa nitong Hunyo 1-24, 2026.
Layunin ng proyektong ito, sa pakikipagtulungan sa World Bank, na paigtingin ang programa ng pamahalaan sa paghahati ng mga Collective Certificates of Land Ownership Award (CCLOAs). Sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga indibidwal na titulo, masisiguro ang karapatan at pagmamay-ari ng mga benepisyaryo sa kanilang sariling lupa.
Narito ang mga barangay kung saan isinagawa ng Field Validation Team (FVT) ang validation at dokumentasyon para sa mga kolektibong Original Certificates of Title (OCTs):
๐Munisipyo ng Quezon, Palawan:
โ Bgy. Quinlogan
โ Bgy. Maasin
โ Bgy. Panitian/Malatgao
๐Lungsod ng Puerto Princesa:
โ Bgy. Inagawan Sub-Colony
โ Bgy. Bacungan
โ Bgy. Mangingisda
โ Bgy. Sta. Cruz
Bukod sa validation, kabilang din sa aktibidad ang pag-oorganisa ng mga kaso, pagsusuri sa mga rekord at dokumento ng mga ARBs, pagtutuwid ng mga maling impormasyon, at pagbuo ng mga legal at teknikal na kasulatan para sa paghahati-hati ng lupain. Sa kabuuan, mayroong 16 na ARBs sa munisipyo ng Quezon at 15 ARBs naman sa Puerto Princesa ang matagumpay na napuntahan at nabeperipika ng bawat validation team.
Samantala, ang aktibidad ay pinangunahan ng Field Validation Team (FVT) na binubuo ng Legal Officer (bilang Team Leader), Geodetic Engineer, Processor, Documenter, at isang Environmental and Social Safeguards (ESS) Officer. Ito ay upang matiyak na maayos at napapanahon ang pagsasagawa ng field validation at ocular inspection sa bawat target na komunidad.
โ๐ป ๐๐๐ฆ๐ฆ๐ ๐๐๐ฅ๐จ๐ฌ ๐๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐ฌ, SPLIT Media Writer