22/09/2026
🌴🏆 MULA SA NIYUGAN, TUNGO SA PARANGAL 🥥✨
Isang malaking pagpupugay sa mga natatanging coconut farmers at industry partners!🌴🥥
Hakot-parangal ang Probinsya ng Palawan sa ginanap na 2026 Regional Coco Papremyo at COINS Awards noong Setyembre 17, 2026 sa City State Asturias, Brgy. Tiniguiban, Puerto Princesa City, bilang bahagi ng pagdiriwang ng 40th National Coconut Month.
Sa pamamagitan ng Coco Papremyo, kinilala ang mga coconut farmers na namukod-tangi sa iba’t ibang kategorya—Coco Laki, Coco Dami, Coco Kapal, at Coco Bigat—na sumasalamin sa husay, sipag, at dedikasyon ng ating mga magsasaka sa pagpapalago ng industriya ng niyog.
🥥 COCO LAKI
🥈 2nd Place – Lizbeth C. Monteras
Brgy. Pangobilian, Brooke’s Point, Palawan
🥈 2nd Place – Mercy L. Carido
Brgy. Kamuning, Puerto Princesa City
🥇 1st Place – Edencion A. Ambasa
Brgy. Kamuning, Puerto Princesa City
🥥 COCO DAMI
🥉 3rd Place – Derman A. Engkong
Brgy. Saraza, Brooke’s Point, Palawan
🥈 2nd Place – Rubenita E. Once
Brgy. Inogbong, Bataraza, Palawan
🥇 1st Place – Edgar F. Meneses
Brgy. Sta. Maria Gloria, Mindoro
🥥 COCO KAPAL
🥉 3rd Place – Hedda C. Ducao
Brgy. Malis, Brooke’s Point, Palawan
🥈 2nd Place – Nancy S. Candelario
Brgy. Mambalot, Brooke’s Point, Palawan
🥇 1st Place – Arturo H. Quijano Jr.
Brgy. Kamuning, Puerto Princesa City
🥥 COCO BIGAT
🥉 3rd Place – Luzmarie Y. Ubay
Brgy. Kamuning, Puerto Princesa City
🥈 2nd Place – Fevie U. Roco
Brgy. Kamuning, Puerto Princesa City
🥇 1st Place – Melvin A. Narazzid
Brgy. Marangas, Bataraza, Palawan
🏆 COINS AWARD – CORPORATE SOCIAL RESPONSIBILITY
Hindi rin nagpahuli ang Palawan sa Coconut Industry Sustainability (COINS) Awards.
Pinarangalan bilang Regional Best Corporate Social Responsibility (CSR) at kinilala bilang National Runner-Up ang Lionheart Farms (Philippines) Corporation, na nakabase sa Rizal, Palawan, sa pangunguna ni Mr. Christian Eyde Moeller.
Ang pagkilalang ito ay patunay ng mahalagang ambag ng pribadong sektor sa pagsusulong ng isang mas sustainable, inclusive, at farmer-centered na industriya ng niyog.
🌴 GAWAD SAKA – OUTSTANDING COCONUT FARMER
Muling nagbigay ng karangalan sa Palawan si Gng. Gabriel M. Alba ng Brgy. Pangobilian, Brooke’s Point, Palawan matapos masungkit ang 2026 Gawad Saka Regional Outstanding Coconut Farmer at makilala bilang National Finalist ngayong taon.
Ang kanyang pagkilala ay isang inspirasyon sa kapwa coconut farmers na patuloy na nagsisikap, nag-aalaga ng kanilang mga niyugan, at nagsusulong ng produktibo at sustainable na pagsasaka.
👩🌾👨🌾 PAGPUPUGAY SA MGA KAWANI NG PCA
Sa likod ng bawat tagumpay ay ang mga taong patuloy na gumagabay, umaalalay, at nagbibigay ng teknikal na suporta sa ating mga magsasaka.
Bilang pagkilala sa kanilang mahalagang kontribusyon sa paghahanda at paggabay sa mga nagwaging coconut farmers, pinarangalan din ang mga Assistant Agriculturists mula sa PCA:
🌴 Mr. Tristan Jay M. Abranilla – PCA Mindoro
🌴 Mr. Archiedome B. Burgos – PCA Palawan
🌴 Mr. Reymar G. Gacayan – PCA Palawan
🌴 Ms. Noeme Kate K. Ben-ek – PCA Palawan
✨ MULA SA NIYUGAN, TUNGO SA PARANGAL.
Ang mga tagumpay na ito ay hindi lamang mga medalya o tropeo. Higit sa lahat, kinakatawan nito ang sipag ng ating mga magsasaka, suporta ng mga katuwang na institusyon, at sama-samang pagkilos para sa isang mas matatag at mas maunlad na industriya ng niyog.
Sa lahat ng coconut farmers, PCA personnel, private sector partners, LGUs, at iba pang katuwang na patuloy na nagsisilbi para sa industriya—maraming salamat at congratulations!