16/09/2025
ππππππππππ ππππ ππ πππππππππππππ ππππππππ ππ ππππππ ππ πππππππππ ππ ππππ ππππππππππ, ππππππ ππππππ, ππππππππ πππππππ
πππππππ: Noong ika-14 ng Setyembre 2025, bandang alas nwebe ng gabi, nakatanggap ng tawag ang Coast Guard Sub-Station (CGSS) Puerto Galera mula kay G. Herman Madeja, kasapi ng Bantay Dagat ng Puerto Galera. Iniulat niya na isa sa kanilang mga kasamahang mangingisda ang umanoβy tinamaan ng kidlat habang nangingisda sa karagatang sakop ng Barangay Sinandigan, Puerto Galera, Oriental Mindoro.
Agad na kumilos ang mga tauhan ng CGSS Puerto Galera at nakipag-ugnayan sa Philippine National Police (PNP) Maritime Group upang magsagawa ng search and rescue operation, at beripikahin ang ulat.
Kinilala ang biktima na si G. John Loyd Espenilla, 27 taong gulang, residente ng Brgy. Lumangbayan, San Teodoro, Oriental Mindoro. Siya ay may taas na 5 talampakan at 9 na pulgada, may payat na pangangatawan, at huling namataang nakasuot ng pink na may itim na t-shirt at navy blue na pang-ibaba.
Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang search and rescue operations ng CGSS Puerto Galera katuwang ang PNP Maritime Group at iba pang kaugnay na ahensya upang matagpuan ang nasabing mangingisda.
Hinihiling ng pamahalaang lokal at ng CGSS Puerto Galera ang kooperasyon ng publiko, lalo na ng mga nasa karatig-lugar, para sa anumang impormasyon na maaaring makatulong sa operasyon.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa:
CGS Oriental Mindoro - 0975 542 6908
CGSS Puerto Galera - 0953 067 8568