20/05/2026
Ito ang paliwanag mula sa mas mataas na perspektiba na dapat nating pakinggan at unawain. Hindi lamang tayo sa Mindoro ang nakakaranas ng brownout, at hindi ORMECO ang dapat nating sisihin. Nakakalungkot lamang na sa gitna ng problema natin sa kakulangan ng supply ng kuryente ay madaming kababayan natin ang siya pa mismong nagbabansag sa atin bilang βbrownout capitalβ kahit hindi naman lubos na nakikita ang kalagayan sa ibang mga probinsya. Bilang mga member-consumer, dapat simulan nating buksan ang ating isipan sa mga ganitong paliwanag at sa aking sariling pananaw ay ito ang magiging unang hakbang natin para masolusyunan ang problemang ito.