Sangguniang Bayan Puerto Galera

Sangguniang Bayan Puerto Galera The Official page of the Sangguniang Bayan of Puerto Galera

TINGNAN: Tinalakay ang mahahalagang resolusyon at ordinansa hinggil sa kaligtasan at seguridad ng mga mag-aaral at sekto...
25/08/2026

TINGNAN: Tinalakay ang mahahalagang resolusyon at ordinansa hinggil sa kaligtasan at seguridad ng mga mag-aaral at sektor ng turismo sa isinagawang Committee Meeting ng Sangguniang Bayan ng Puerto Galera sa Committee Room ng Sangguniang Bayan, Gusali ng Mamamayan ng Bayan ng Puerto Galera, Balatero, August 25, 2026.

Isinagawa rin magkasamang pagpupulong ang Committee on Rules, Privileges and Legal Matters at Committee on Tourism, Trade, and Industry upang masusing talakayin at suriin ang mga mahahalagang usapin, gayundin ang mga nararapat na hakbang kaugnay ng kani-kanilang nasasakupan.

TINGNAN: Para sa mas mahusay na pamamahala at mas epektibong paglilingkod sa mamamayan, isinagawa ang ika-33 Regular Ses...
24/08/2026

TINGNAN: Para sa mas mahusay na pamamahala at mas epektibong paglilingkod sa mamamayan, isinagawa ang ika-33 Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Puerto Galera sa pangunguna ni Vice Mayor at Presiding Officer Rocky Ilagan sa Bulwagan ng Sangguniang Bayan, Gusali ng Mamamayan ng Bayan ng Puerto Galera, Balatero, August 24, 2026.

๐— ๐—”๐—ง๐—”๐—ง๐—”๐—š ๐—ก๐—” ๐—ฃ๐—ข๐—ฆ๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—กSa bawat isyu, mahalagang marinig ang boses ng isang lider na handang pumosisyon. Narito ang Position...
21/08/2026

๐— ๐—”๐—ง๐—”๐—ง๐—”๐—š ๐—ก๐—” ๐—ฃ๐—ข๐—ฆ๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก

Sa bawat isyu, mahalagang marinig ang boses ng isang lider na handang pumosisyon. Narito ang Position Paper ni Vice Mayor Rocky D. Ilagan hinggil sa EUFโ€”isang posisyong dapat basahin, unawain, at pagnilayan.

Para sa bayan, mula sa serbisyong nagmumula sa puso.

#๐’๐๐๐ฎ๐ž๐ซ๐ญ๐จ๐†๐š๐ฅ๐ž๐ซ๐š

TINGNAN: Masusing pagtalakay, responsableng pagdedesisyon, at mahusay na pamamahala ang isinusulong sa ika-32 na Regular...
17/08/2026

TINGNAN: Masusing pagtalakay, responsableng pagdedesisyon, at mahusay na pamamahala ang isinusulong sa ika-32 na Regular Session ng Sangguniang Bayan na pinangunahan ni Vice Mayor at Presiding Officer Rocky Ilagan sa Bulwagan ng Sangguniang Bayan, Gusali ng Mamamayan ng Bayan ng Puerto Galera, Balatero, August 17, 2026.
โ€Ž
โ€ŽNakibahagi rin sa sesyon ang mga barangay officials ng San Isidro at Poblacion, kasama ang ilang department heads ng lokal na pamahalaan ng Puerto Galera, para sa pagtalakay sa mga hakbang na kinakailangang ipatupad bilang paghahanda at pagtugon sa pagbaha.

TINGNAN: Isinailalim sa masusing pagtalakay ang mga mahahalagang panukala at ordinansa sa isinagawang Committee Meeting ...
17/08/2026

TINGNAN: Isinailalim sa masusing pagtalakay ang mga mahahalagang panukala at ordinansa sa isinagawang Committee Meeting ng Sangguniang Bayan ng Puerto Galera sa Committee Room ng Sangguniang Bayan Gusali ng Mamamayan ng Bayan ng Puerto Galera, Balatero, August 17, 2026.
โ€Ž
โ€ŽKasabay nito, magkahiwalay na nagsagawa ng pagpupulong ang Committee on Rules, Privileges and Legal Matters at Committee on Good Governance upang mapag-aralan ang mga usaping nakapaloob sa kani-kanilang saklaw.

๐—ฃ๐—”๐—”๐—ก๐—ฌ๐—”๐—ฌ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—จ๐—ฃ๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—ก๐—šInaanyayahan ang lahat ng ๐—ต๐—ผ๐—ด ๐—ฟ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ฒ๐—ฟ๐˜€, ๐—บ๐—ฒ๐—ฎ๐˜ ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ๐˜€, ๐—ฎ๐˜ ๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ธ๐—ฒ๐—ต๐—ผ๐—น๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐˜‚๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ถ๐˜†๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ...
13/08/2026

๐—ฃ๐—”๐—”๐—ก๐—ฌ๐—”๐—ฌ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—จ๐—ฃ๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—ก๐—š

Inaanyayahan ang lahat ng ๐—ต๐—ผ๐—ด ๐—ฟ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ฒ๐—ฟ๐˜€, ๐—บ๐—ฒ๐—ฎ๐˜ ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ๐˜€, ๐—ฎ๐˜ ๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ธ๐—ฒ๐—ต๐—ผ๐—น๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐˜‚๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ถ๐˜†๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ผ๐˜† ng baboy na dumalo sa isang mahalagang pagpupulong upang talakayin ang ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐˜†๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ผ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐˜‚๐—ฒ๐—ฟ๐˜๐—ผ ๐—š๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ, sa kabila ng napapansing pagbaba ng presyo sa ilang kalapit na bayan.

Layunin ng pagpupulong na mapag-usapan ang kasalukuyang kalagayan ng industriya, mga hamon sa presyo, at mga posibleng hakbang upang matugunan ang usaping ito.

๐Ÿ“… August 18, 2026
๐Ÿ•˜ 9:00 AM
๐Ÿ“ Sangguniang Bayan Session Hall
Gusali ng Mamamayan ng Bayan ng Puerto Galera

Lubos na hinihikayat ang lahat ng kinauukulang stakeholder na makiisa at maging bahagi ng nasabing pagpupulong.

TINGNAN: Pinagtuunan ng pansin ang mahahalagang panukala hinggil sa pananalapi, kaligtasan at seguridad, at mga usaping ...
12/08/2026

TINGNAN: Pinagtuunan ng pansin ang mahahalagang panukala hinggil sa pananalapi, kaligtasan at seguridad, at mga usaping pambarangay bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapabuti ang pamamahala at serbisyo publiko sa Committee Meeting ng Sangguniang Bayan ng Puerto Galera sa Committee Room ng Sangguniang Bayan, Gusali ng Mamamayan ng Bayan ng Puerto Galera, Balatero, August 12, 2026.

Nagdaos din ng magkahiwalay na pagpupulong ang Committee on Rules, Privileges and Legal Matters at Committee on Finance, Budget and Appropriations para sa masusing pagtalakay at pagsusuri sa mga usaping saklaw ng kani-kanilang komite.

TINGNAN: Naging sentro ng ika-31 Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Puerto Galera ang mga panukalang magpapaigiting...
11/08/2026

TINGNAN: Naging sentro ng ika-31 Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Puerto Galera ang mga panukalang magpapaigiting ng kaayusan, kaligtasan ng publiko, at seguridad sa bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Rocky Ilagan bilang Presiding Officer sa Bulwagan ng Sangguniang Bayan, Gusali ng Mamamayan ng Bayan ng Puerto Galera, Balatero, August 11, 2026.

TINGNAN: Isang hakbang tungo sa mas mahusay na serbisyo publiko ang isinagawang Committee Meeting ng Sangguniang Bayan n...
04/08/2026

TINGNAN: Isang hakbang tungo sa mas mahusay na serbisyo publiko ang isinagawang Committee Meeting ng Sangguniang Bayan ng Puerto Galera, kung saan pinagtuunan ng pansin ang mahahalagang panukalang pangkalusugan, panturismo, pang-edukasyon, at pambarangay sa Committee Room ng Sangguniang Bayan, Gusali ng Mamamayan ng Bayan ng Puerto Galera, Balatero, August 4, 2026.

Nagsagawa rin ng hiwalay na pagpupulong ang Committee on Rules, Privileges and Legal Matters at ang Committee on Barangay Affairs upang matiyak ang masusing pagtalakay sa mga usaping saklaw ng bawat komite.

#๐’๐๐๐ฎ๐ž๐ซ๐ญ๐จ๐†๐š๐ฅ๐ž๐ซ๐š

TINGNAN: Tinalakay sa ika-30 Regular Session ng Sangguniang Bayan ang iba't ibang panukalang naglalayong higit pang paun...
03/08/2026

TINGNAN: Tinalakay sa ika-30 Regular Session ng Sangguniang Bayan ang iba't ibang panukalang naglalayong higit pang paunlarin ang sustainable dive tourism, mga serbisyong pangkalusugan, at sektor ng edukasyon na pinangunahan ni Vice Mayor Rocky Ilagan bilang Presiding Officer sa Bulwagan ng Sangguniang Bayan, Gusali ng Mamamayan ng Bayan ng Puerto Galera, Balatero, August 3, 2026.

Address

2nd Floor, Left Wing, Gusali Ng Mamamayan Ng Bayan Ng Puerto Galera, Brgy. Balatero
Puerto Galera
5203

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Bayan Puerto Galera posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sangguniang Bayan Puerto Galera:

Shortcuts

Share