25/07/2026
TINGNAN: Upang higit pang mapalakas ang pagsusuri sa kasalukuyang kalagayan ng coastal at marine ecosystems, fisheries resources, at mga kaugnay na socio-economic factors, lumahok ang lokal na pamahalaan ng Puerto Galera at fisherfolks sa tatlong araw na Participatory Coastal Resource Assessment (PCRA) sa New Galerian Businessmen Multipurpose Cooperative, Poblacion, Puerto Galera, July 7- 9, 2026.
Sa pamamagitan ng participatory assessment, matutukoy ang mahahalagang kalagayan, hamon, at oportunidad na makatutulong sa pagbuo at pag-update ng Municipal Integrated Coastal Resource Management Plans. Ang inisyatibo ay pinangunahan ng Conservation International โ Philippines (CI-Philippines) sa pakikipagtulungan ng Provincial Government of Oriental Mindoro, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng pangangalaga at napapanatiling paggamit ng likas-yamang dagat.
Patuloy na nakikiisa ang lokal na pamahalaan sa pangangalaga at pamamahala ng yamang-dagat upang maprotektahan ang kalikasan at kabuhayan ng mga susunod na henerasyon, lalong higit sa bayan ng Puerto Galera.