Department of Agrarian Reform-Palawan

Department of Agrarian Reform-Palawan This is the official page of the Department of Agrarian Reform in the province of Palawan.
(1)

The Department of Agrarian Reform (DAR) is the principal agency responsible for implementing the Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Specifically, it shall improve land tenure through better access to and a more equitable distribution of land and the fruits thereof. It shall also enhance the welfare and promote the development of Program beneficiaries through the coordinated delivery of essential support services.

TIGNAN | “Pagpupugay sa Kababaihan: Sama-samang Pagdiriwang ng Lakas, Galing, at Ambag sa Repormang Agraryo”Matagumpay n...
31/03/2026

TIGNAN | “Pagpupugay sa Kababaihan: Sama-samang Pagdiriwang ng Lakas, Galing, at Ambag sa Repormang Agraryo”

Matagumpay na nagtapos ang pagdiriwang ng National Women’s Month 2026 ng Department of Agrarian Reform (DAR) Palawan sa pamamagitan ng isang makabuluhang culminating activity na nagbigay-pugay sa mahalagang papel ng kababaihan sa sektor ng agrikultura at repormang agraryo.

Sa pangunguna ng DAR Palawan Provincial Office, kasama ang mga DAR Municipal Offices sa buong lalawigan, ipinamalas ang patuloy na suporta sa pagsusulong ng gender equality at women empowerment. Naging tampok sa umaga ang film showing activity, kung saan sabay-sabay na nakiisa ang mga kawani mula sa Provincial Office, mga Municipal Agrarian Reform Program Offices (DARMO), at mga katuwang mula sa Project SPLIT sa kani-kanilang tanggapan. Layunin nitong palalimin ang kamalayan at pag-unawa sa mga isyu ng gender equality, women empowerment, at ang mahalagang ambag ng kababaihan sa lipunan at serbisyong publiko. Sa pamamagitan nito, nabigyang-daan ang makabuluhang pagninilay hinggil sa papel ng bawat isa sa pagsusulong ng isang mas inklusibo at gender-responsive na workplace.

Sa hapon naman, isinagawa ang isang masigla at masayang indoor sportsfest na kinabibilangan ng table tennis, badminton, at darts. Higit pa sa paligsahan, nagsilbi itong pagkakataon upang mapalakas ang camaraderie, teamwork, at ugnayan ng mga empleyado. Ang aktibidad ay nagbigay rin ng espasyo para sa stress relief at pagsusulong ng isang balanseng work environment para sa mga kawani ng DAR Palawan.

Hindi lamang ito pagtatapos ng isang selebrasyon, kundi panibagong simula ng mas pinaigting na adbokasiya para sa "Babae sa Lahat ng Sektor.” Sa bawat hakbang, nananatiling katuwang ang DAR Palawan sa pagtataguyod ng isang mas inklusibo, patas, at progresibong lipunan kung saan ang kababaihan ay may pantay na oportunidad na umangat at magtagumpay.

- Raul Joshua Belo, PIO

BASAHIN | "Panibagong Tagumpay ng DAR Palawan sa Ilalim ng Project SPLIT!"Patuloy na pinagtitibay ng Department of Agrar...
31/03/2026

BASAHIN | "Panibagong Tagumpay ng DAR Palawan sa Ilalim ng Project SPLIT!"

Patuloy na pinagtitibay ng Department of Agrarian Reform (DAR) Palawan ang paghahatid ng tunay at makabuluhang serbisyo sa ating mga magsasaka sa pamamagitan ng Project SPLIT (Support to Parcelization of Lands for Individual Titling), bilang isang programang naglalayong pabilisin ang parselisasyon ng mga Collective Certificates of Land Ownership Award (CCLOAs) at ang pag-isyu ng mga individual electronic titles (e-titles).

Sa taong 2025, matagumpay na nairehistro ng DAR Palawan ang 228 CCLOAs para sa parselisasyon, na nagresulta sa pamamahagi ng 1,672 e-titles na sumasaklaw sa 3,395.8920 ektarya ng lupain. Sa bilang na ito, 859 na lalaking ARBs at 659 na kababaihang ARBs ang direktang nakinabang; isang patunay ng patuloy na pagsusulong ng inklusibong pag-unlad sa sektor ng agrikultura.

Mula nang simulan ang implementasyon ng Project SPLIT noong 2021 hanggang Disyembre 31, 2025, umabot na sa 1,073 CCLOAs ang naisailalim sa parselisasyon sa lalawigan. Bunga nito, 5,826 e-titles na ang naipamahagi, na sumasaklaw sa kabuuang 11,758.5289 ektarya ng lupain. Sa kabuuan, 3,280 lalaking ARBs at 2,276 kababaihang ARBs na ang nabigyan ng kani-kanilang titulo—isang mahalagang hakbang tungo sa mas matibay na seguridad sa lupa at mas maunlad na kabuhayan.

Sa patuloy na suporta ng World Bank, inaasahang makukumpleto ang proyekto pagsapit ng 2027. Naninindigan ang DAR Palawan sa kanyang mandato na tiyakin na ang bawat benepisyaryong magsasaka ay hindi lamang nabibigyan ng lupa, kundi nagkakaroon din ng pagkakataong mapaunlad ito para sa mas maliwanag na kinabukasan.

𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃!Ipinababatid sa publiko na walang opisyal na transaksyon bukas, Marso 25, 2026 upang bigyang-daan ang National W...
24/03/2026

𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃!

Ipinababatid sa publiko na walang opisyal na transaksyon bukas, Marso 25, 2026 upang bigyang-daan ang National Women’s Month Celebration 2026.

Magbabalik ang normal na operasyon sa Marso 26, 2026.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at kooperasyon.

17/03/2026

𝐓𝐈𝐍𝐀𝐓𝐀𝐖𝐀𝐆 𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐄𝐒𝐓𝐔𝐃𝐘𝐀𝐍𝐓𝐄 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍!

Inaanyayahan ng Department of Agrarian Reform Palawan ang mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan sa lalawigan na ipakita ang kanilang talento at pagkamalikhain sa PELIKULAGRARYO 2026 — ang ikalawang Student Short Film Competition na inihahandog ng DAR MIMAROPA Region.

May temang “𝑻𝒊𝒏𝒊𝒈 𝒏𝒈 𝑳𝒖𝒑𝒂𝒏𝒈 𝑴𝒂𝒍𝒂𝒚𝒂: 𝑲𝒘𝒆𝒏𝒕𝒐 𝒂𝒕 𝑨𝒓𝒂𝒍-𝑨𝒈𝒓𝒂𝒓𝒚𝒐, 𝑩𝒖𝒕𝒊𝒍 𝒏𝒂 𝑷𝒂𝒎𝒂𝒏𝒂 𝒔𝒂 𝑲𝒂𝒃𝒂𝒕𝒂𝒂𝒏” (Voice of the Liberated Land: Agrarian Stories and Lessons, Seeds of Legacy for the Youth), layunin ng kompetisyong ito na mailahad ng kabataan ang mga makabuluhang kwento ng ating mga pamayanang agraryo.

Mas pinalaki at mas pinahusay ang kompetisyon ngayong taon, kung saan doble na ang kabuuang halaga ng mga papremyo kumpara sa unang edisyon nito.

Bilang bahagi ng programa, magkakaroon din ng Film Laboratory/Workshop para sa lahat ng rehistradong kalahok. Dito ay mas mauunawaan ng mga estudyante ang kasaysayan at mga programa ng Department of Agrarian Reform, gayundin ang mga batayang kaalaman sa cinematography upang higit pang mahubog ang kanilang kakayahan sa paggawa ng pelikula.

Sa pamamagitan ng pelikula, maibabahagi ng kabataan ang mga kwento ng katatagan, pag-asa, at pagbabago sa ating mga komunidad ng mga magsasaka at agrarian reform beneficiaries.

Ikuwento ang kasaysayan ng lupa.
Ikuwento ang pagbabago sa ating mga pamayanan.
Maging bahagi ng PELIKULAGRARYO 2026!

🔗 Guidelines and Mechanics:
https://drive.google.com/drive/u/3/folders/1O_981LfXJr39pieNHA9O33vDOLeszyOp

🔗 Terms and Conditions:
https://drive.google.com/drive/u/3/folders/140y8B7os5sGVyUiTZYSKO6wKHQ9dczs4

📝 Registration Form:
https://forms.gle/xUPyAe7C8WcjCQnQ8

12/03/2026

PANUORIN | "Lakas ng Kababaihan sa Repormang Agraryo"

Sa bawat ani sa bukirin, sa bawat organisasyong pinatatag, at sa bawat komunidad na patuloy na umuunlad—naroon ang mahalagang papel ng kababaihan.

Ngayong National Women’s Month, ipinagdiriwang ng DAR Palawan ang walang kapantay na ambag ng mga kababaihang magsasaka, lider, at katuwang sa pagsusulong ng repormang agraryo at kaunlaran sa kanayunan. Sa kanilang sipag, tapang, at dedikasyon, patuloy nilang pinapanday ang mas matatag at mas inklusibong kinabukasan para sa kanilang pamilya at komunidad.

Isang pagpupugay sa bawat kababaihang patuloy na nagiging inspirasyon at lakas ng pagbabago sa sektor ng agrikultura at repormang agraryo.

TIGNAN | Ipinagdiriwang ng DAR Palawan ang Lakas at Ambag ng Kababaihang Magsasaka at Lider!Ngayong Marso, sa pagdiriwan...
12/03/2026

TIGNAN | Ipinagdiriwang ng DAR Palawan ang Lakas at Ambag ng Kababaihang Magsasaka at Lider!

Ngayong Marso, sa pagdiriwang ng National Women’s Month, kinikilala ng DAR Palawan ang mahalagang papel ng kababaihan sa pagsusulong ng repormang agraryo at pag-unlad ng ating mga komunidad. Mula sa bukirin hanggang sa pamumuno sa mga organisasyon, patuloy na nagiging inspirasyon at puwersa ng pagbabago ang kababaihan sa sektor ng agrikultura.

Kaisa ang DAR Palawan Provincial Office at mga DAR Municipal Offices sa buong lalawigan, sama-sama nating itinataguyod ang kababaihan sa repormang agraryo para sa isang mas inklusibo at mas maunlad na Bagong Pilipinas.

- Raul Joshua Belo, PIO

Nakikiisa and DAR-Palawan sa pagdiriwang ng National Women’s Month, at sa pagkilala ng sipag, tapang, at ambag ng kababa...
11/03/2026

Nakikiisa and DAR-Palawan sa pagdiriwang ng National Women’s Month, at sa pagkilala ng sipag, tapang, at ambag ng kababaihan sa agrarian reform at pagpapaunlad ng kanayunan.

Mula sa sakahan hanggang sa pamumuno, patuloy silang nagbubukas ng landas tungo sa mas maunlad at inklusibong Bagong Pilipinas!

Pinapahalagahan ng DAR-Palawan ang Kababaihan sa Repormang Agraryo!

𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃!Ipinapaalam ng DAR Palawan ang pagpapatupad ng Hybrid Work Arrangement alinsunod sa Memorandum Circular No. 114 ...
09/03/2026

𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃!

Ipinapaalam ng DAR Palawan ang pagpapatupad ng Hybrid Work Arrangement alinsunod sa Memorandum Circular No. 114 na inilabas ng Office of the President.

Ang onsite na trabaho sa tanggapan ay mula Lunes hanggang Huwebes (8:00 AM – 5:00 PM), habang ang Biyernes ay itatalaga bilang Work From Home (WFH) ng mga kawani.

Sa kabila ng pansamantalang work arrangement na ito, mananatiling tuloy-tuloy, maayos, at episyente ang paghahatid ng serbisyo ng DAR Palawan sa publiko.

Para sa inyong mga katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa mga contact details na nakasaad sa ibaba.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at patuloy na pakikipagtulungan.

09/03/2026

PANUORIN | 1ST PALAWAN ARBO SUMMIT 2026 HIGHLIGHTS

Matagumpay na isinagawa ng Department of Agrarian Reform (DAR) Palawan ang Palawan ARBO Summit 2026 noong Marso 5–6, 2026 sa Skylight Convention Center, Puerto Princesa City, na dinaluhan ng mga Agrarian Reform Beneficiaries Organizations (ARBOs) mula sa iba’t ibang panig ng lalawigan.

Layunin ng aktibidad na palakasin ang ugnayan ng mga ARBO, maibahagi ang mga pinakamahusay na praktis sa pamamahala at agribusiness, at higit pang mapalawak ang mga oportunidad sa merkado para sa mga produkto ng mga organisasyon ng mga benepisyaryong magsasaka.

Naging mahalagang convergence platform ang summit kung saan nakipag-ugnayan ang mga ARBO sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mga institusyong nagbibigay ng suporta sa enterprise development, kabilang ang Cooperative Development Authority (CDA), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Agriculture (DA), Department of Science and Technology (DOST), Philippine Coconut Authority (PCA), at Land Bank of the Philippines (LBP). Sa pamamagitan ng mga talakayan at networking sessions, nabigyan ang mga kalahok ng karagdagang kaalaman sa pagpapalakas ng kanilang organisasyon, pagpapabuti ng pamamahala, at pagpapalawak ng kanilang agribusiness ventures.

Naging tampok din sa summit ang product exhibit at trade fair kung saan naipakita ng mga ARBO ang kanilang mga produkto at nagkaroon ng pagkakataon na makipag-ugnayan sa mga potensyal na institutional buyers at partners.

Bilang pagkilala sa kanilang mga natatanging kontribusyon at tagumpay, nagsagawa rin ng Recognition and Awarding Ceremony kung saan pinarangalan ang mga ARBO na nagpakita ng kahusayan sa pamamahala, enterprise development, inobasyon, at community involvement. Ang mga parangal na ito ay nagsilbing inspirasyon sa iba pang organisasyon upang patuloy na pagbutihin ang kanilang mga programa at palakasin ang kanilang mga inisyatiba sa agribusiness.

Sa pamamagitan ng Palawan ARBO Summit 2026, muling pinagtibay ng DAR Palawan ang patuloy nitong suporta sa pagpapalakas ng mga ARBO bilang mahalagang katuwang sa pagsusulong ng isang mas matatag, inklusibo, at sustenableng kaunlaran para sa mga komunidad ng repormang agraryo sa Palawan.

Address

Skylight Convention Center, Roxas Street , Brgy. Princesa
Puerta Princesa
5300

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Department of Agrarian Reform-Palawan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Department of Agrarian Reform-Palawan:

Share