09/07/2026
LIWANAG PARA SA BUKAS: Malaking Bahagi Bayan ng Jose P. Rizal, May Kuryente Na, Mas Pinailawan at Liliwanag na sa Inisyatiba ni Cong. JCA💯👍💡🌟📣✅️
Isang malaking hakbang tungo sa mas ligtas at mas maunlad na komunidad! Ang koordinasyon, pagsisimula ng operasyon kuryente ay opisyal nang sinimulan ang malaking proyekto ng pagpapailaw sa mga pangunahing mga Barangay, kalsada at mga sitio sa Bayan ng Rizal, Palawan—isang mahalagang programa sa ilalim ng pamumuno ni Congressman Jose Chavez Alvarez sa Ikalawang Distrito ng ating Lalawigan ng Palawan.
Mula sa Sitio Salongsong, Barangay Iraan naidugtong na ang Barangay Bunog hanggang Sitio Tagbuaya - kung saan dudugting ang Barangay Quinlogan hanggang Calumpang, Quezon. May linya na rin ang dulo ng Punta Baja hanggang Campong-Ulay, Ransang, Candawaga (Sicud), at Culasian. Ang linya patungong Panalingaan ay kasunod na rin. Samantalang ang mga Barangays ng Taburi, Latud at Canipaan ay tuloy-tuloy na rin ang "Microgrid Dvelopment' ng hybrid solar na magpapailaw sa inyong mga lugar.
Ito ay sa pagsasama-sama ng mga ahensya ng pamahalaan katulad ng Department of Energy Philippines, National Electrification Administration, National Power Corporation, Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa pamumuno ni Governor Amy Roa Alvarez, ang ating kooperatiba ng Palawan Electric Cooperative, at ng Lokal na Pamahalaan ng Rizal sa pamumuno ni Mayor Norman S. Ong at ng 16th Sangguniang Bayan sa pangunguna ni VM Maria Gracia Goh Macasaet-Zapanta.
Salamat sa proyektong ito para sa mga taga-Rizal na dekada ng hinihintay. Tapos na ang mga gabi ng dilim para sa ating mga kababayan. Ang liwanag na hatid nito ay hindi lamang para sa kaligtasan sa kalsada, kundi para na rin sa mas masiglang lokal na ekonomiya at mas payapang pamumuhay ng bawat Rizaleño.
Ano ang hatid ng proyektong ito mula sa pamahalaan sa pamamagitan ng utos ng taumbayan kay Congressman Jose Chaves Alvarez?
🛣️ Ilaw sa mga tahanan at mas ligtas na biyahe gabi-gabi para sa mga motorista, magsasaka, at mga pedestrian.
🏪 Potensyal ng mga Gawaing Pang-ekonomiya at Industrya. Mas mahabang oras ng pagnenegosyo para sa mga lokal na tindahan, na malaking tulong sa hanapbuhay.
🏠 Payapa at kampanteng komunidad para sa bawat pamilyang taga-Rizal.
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng kumilos at walang sawang pagtutok sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan at sa pagdadala ng tunay na pagbabago at progreso dito sa Rizal!Sulong sa mas maliwanag at maunlad na Jose P. Rizal! Mabuhay po kayo!🇵🇭✊️💪💯
~ BM RYAN DAGSA MAMINTA
Chairman, Committee on Energy
45th Sangguniang Panlalawigan - Palawan