06/05/2026
ANUNSYO: PAGDIRIWANG NG IKA-65 ARAW NG POBLACION
Mayo 8, 2026
Para sa lahat ng Purok Chairpersons at Kabataang Barangay:
Isang malugod na pagbati sa tanan!
Alinsunod sa inilabas na Executive Order ng ating Punong Bayan, ang pagdiriwang ng Araw ng Poblacion ngayong Mayo 8, 2026 ay isasagawa sa pamamagitan ng isang payak ngunit makabuluhang programa. Layunin nitong mapanatili ang kaayusan, kaligtasan, at pagkakaisa habang patuloy na nagbibigay saya at serbisyo para sa ating mga ka-barangay.
DALOY NG PROGRAMA
-Banal na Misa
-Program Proper
-Pamper Day o Libreng Serbisyo para sa mga residente
Mga Libreng Serbisyo
-Libreng Eye Check-up
-Libreng Salamin sa Mata para sa unang 5 katao
-Libreng Foot Spa para sa unang 20 katao
-Libreng Manicure at Pedicure para sa unang 25 katao
-Libreng Gupit para sa unang 50 katao
LARO NG LAHI BY CLUSTER
Magkakaroon din tayo ng mga paligsahan ayon sa itinakdang clusters. Hinihikayat ang bawat cluster na ihanda ang kanilang galing, sigla, at pagkakaisa.
Mga Paligsahan:
-Yelling Competition bawat cluster
-Cluster Games
Mga Papremyo
-Champion: β±7,000
-1st Runner Up: β±6,000
-2nd Runner Up: β±5,000
-Consolation Prize: β±3,000 bawat isa para sa dalawang clusters
CLUSTERING REFERENCE
Mangyaring tingnan ang opisyal na listahan ng inyong cluster upang malaman ang mga sakop na Purok.
UPCOMING EVENTS TO BE ANNOUNCED
Manatiling nakatutok para sa karagdagang anunsyo tungkol sa petsa at oras ng mga sumusunod na aktibidad:
Pickleball Clinic
Bukas para sa 30 participants.
Basketball League in collaboration with MILO Philippines
Para sa mga kabataang edad 12 hanggang 17 taong gulang.
Mayroon ding libreng MILO Drink para sa unang 1,000 kabataan.
Inaasahan namin ang inyong aktibong pakikilahok, suporta, at kooperasyon upang maging matagumpay, maayos, at ligtas ang ating pagdiriwang ng Ika-65 Araw ng Poblacion.
Maraming salamat!