BLGU - Port Barton

BLGU - Port Barton This is the Official Page of Barangay Local Government of Bgy. Port Barton, San Vicente, Palawan, Ph

04/06/2026

🚧 ROAD CONCRETING SA RIZAL AT BONIFACIO STREET, KASALUKUYANG ISINASAGAWA!

πŸ“’ ABISO SA PUBLIKO
Dahil sa mga ongoing construction activities, inaasahan ang pagkakaroon ng alikabok, ingay, at pansamantalang abala sa lugar. Kaugnay nito, hinihikayat ang lahat ng residente, motorista, at mga dumaraan na magsuot ng facemask habang dumaraan malapit sa construction site upang maiwasan ang paglanghap ng alikabok at para sa inyong kaligtasan.

Kami po ay humihingi ng paumanhin sa anumang hindi maiiwasang abala dulot ng proyekto. Ang gawaing ito ay isinasagawa upang mapabuti ang ating kalsada at mapataas ang kaligtasan at kaginhawahan ng lahat ng gumagamit nito.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa, kooperasyon, at patuloy na suporta sa mga proyektong pangkaunlaran sa ating barangay.

Taos-pusong pagbati mula sa Barangay Local Government Unit (BLGU) – Port Barton para sa isa sa mga masisipag at masugid ...
03/06/2026

Taos-pusong pagbati mula sa Barangay Local Government Unit (BLGU) – Port Barton para sa isa sa mga masisipag at masugid na lingkod-bayan ng ating barangay, Hon. Jay Lowelle A. Libarra, Sangguniang Barangay Member.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na dedikasyon, katapatan, at malasakit sa paglilingkod sa ating komunidad. Ang inyong pakikiisa sa mga programa at adhikain ng barangay ay malaking ambag sa pagpapaunlad at pagkakaisa ng Barangay Port Barton.

Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, sapat na lakas, karunungan, at higit pang pagpapala upang maipagpatuloy ninyo ang inyong marangal na tungkulin bilang lingkod ng bayan.

Hangad namin ang inyong kaligayahan, tagumpay, at kasaganaan sa bawat hakbang ng inyong buhay at paglilingkod.

πŸ₯³πŸŽˆ Muli, maligayang-maligayang kaarawan, Hon. Jay Lowelle A. Libarra! πŸŽ‚πŸ’š

TAGUMPAY NA NAISAGAWA ANG COMPREHENSIVE BARANGAY JUVENILE INTERVENTION PLANNING WORKSHOP 2026 SA BARANGAY PORT BARTONMat...
03/06/2026

TAGUMPAY NA NAISAGAWA ANG COMPREHENSIVE BARANGAY JUVENILE INTERVENTION PLANNING WORKSHOP 2026 SA BARANGAY PORT BARTON

Matagumpay na naisagawa ng Barangay Port Barton ang Comprehensive Barangay Juvenile Intervention Planning Workshop (Capacity Development Training for BCPC Members 2026) noong Hunyo 2–3, 2026.

Dinaluhan ito ng lahat ng mga kasapi ng Barangay Council for the Protection of Children (BCPC), Barangay Health Workers (BHWs), at mga Purok at Sitio Chairpersons na nagkaisa upang higit pang mapalakas ang mga programa at serbisyong nakatuon sa kapakanan, proteksyon, at pag-unlad ng mga bata at kabataan sa komunidad.

Sa loob ng dalawang araw, nagkaroon ng makabuluhang talakayan at pagpaplano hinggil sa pagbuo at pagpapatibay ng Comprehensive Barangay Juvenile Intervention Program, kabilang ang pagtukoy sa mga pangunahing isyu na kinakaharap ng mga kabataan, pagbuo ng mga naaangkop na programa at interbensyon, at pagpapalakas ng koordinasyon ng iba't ibang sektor para sa mas epektibong pagpapatupad ng mga gawaing pangkabataan.

Naging matagumpay ang pagsasanay sa pamamagitan ng mahalagang pagbabahagi ng kaalaman at teknikal na gabay mula sa mga kinatawan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO):

β€’ Rizza Ramos
β€’ Angelina Castillo
β€’ Nenita Buitizon

Lubos na nagpapasalamat ang Barangay Port Barton sa ating mga resource speakers, mga kalahok, at sa lahat ng naging bahagi ng gawaing ito. Ang pagsasanay na ito ay isang mahalagang hakbang upang higit pang mapalakas ang mga programa para sa proteksyon, paghubog, at pag-unlad ng mga bata at kabataan sa ating barangay.

31/05/2026

𝐒𝐀𝐍 π•πˆπ‚π„ππ“π„ 𝐒𝐁, π‡π”πŒπˆπ‡πˆπ‹πˆππ† 𝐍𝐆 π‘π„π•πˆπ„π– 𝐒𝐀 π„π•πˆπ‚π“πˆπŽπ 𝐍𝐆 π“πˆπŒππ„π‘π‹π€ππƒ πŽπ‚π‚π”ππ€ππ“π’

Humiling ang Sangguniang Bayan ng San Vicente, Palawan sa Department of Environment and Natural Resources o DENR na suriin muna ang posibleng pagbibigay ng legal na tenurial instruments sa mga kwalipikadong naninirahan sa timberland areas bago ang anumang eviction o displacement.

Sa ika-46 na regular na sesyon ng 16th Council, inaprubahan ang isang resolusyon na humihiling sa DENR-CENRO na magbigay ng assistance at alternatibong legal na mekanismo para sa mga apektadong residente, alinsunod sa umiiral na environmental at land laws.

Layunin ng hakbang na maiwasan ang agarang pagpapalayas habang tinitiyak ang balanseng implementasyon ng batas at kapakanan ng mga apektadong pamilya sa bayan ng San Vicente.

Via Honey Ragot

This news update is brought to you by:
1. πŒπˆπ†π‡π“π˜ 𝐂𝐄𝐄 - The Alkaline Vitamin C.
2. πƒπŸ‘ππˆπŽ - The Anti-Bacterial Specialist
3. πƒπ“π—πŸ“πŸŽπŸŽ - The Superior Antioxidant
4. πƒπ“π—π‚π¨πŸπŸπžπžπŒπ’π± - Love & Wellness in every cup

Mabibili sa Natures Healing Naturopathic Center sa BM Road (likod ng Kia Motors), Compound ng K5 Station, Puerto Princesa, at sa iba pang mga pharma sa lungsod at lalawigan.

PAGLALAGAY NG ROUND CONCRETE CULVERTS SA SITIO NAONAO, NASIMULAN NA!Bilang tugon sa matagal nang suliranin sa pagbaha at...
31/05/2026

PAGLALAGAY NG ROUND CONCRETE CULVERTS SA SITIO NAONAO, NASIMULAN NA!

Bilang tugon sa matagal nang suliranin sa pagbaha at pagtaas ng tubig sa bahaging ito ng Sitio Naonao tuwing panahon ng ulan, sinimulan na ng Lokal na Pamahalaan ang paglalagay ng round concrete culverts upang mapabuti ang daloy ng tubig at maiwasan ang hirap na dinaranas ng mga motorista at residente sa lugar.

Matatandaang isa ito sa mga madalas na problemang nararanasan ng mga dumaraan, lalo na kapag may malakas na pag-ulan, na nagiging sanhi ng abala at panganib sa biyahe. Sa nalalapit na pagsisimula ng tag-ulan, minarapat ng LGU na agarang tugunan ang problemang ito upang mapanatili ang mas ligtas at mas maayos na daloy ng transportasyon.

Nagpapasalamat naman ang Barangay Government sa patuloy na suporta at kooperasyon ng komunidad habang isinasagawa ang proyekto, na inaasahang magiging malaking tulong hindi lamang sa ating mga ka-barangay kundi maging sa mga bumibisita at dumaraan sa ating lugar.

Tuloy-tuloy ang pagkilos para sa mas ligtas, maayos, at mas maunlad na komunidad!

29/05/2026

Address

Purok Masigla
Port Barton
5309

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639171425115

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BLGU - Port Barton posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share