22/07/2025
22 July 2025
Bilang tugon sa posibleng banta sa kaligtasan ng publiko, inatasan ni Mayor Jing Capil ang agarang pagpapadala ng Emergency Response Team kasama ang Philippine National Police (PNP) sa Barangay Manibaug Libutad. Ang kanilang presensya ay bahagi ng mas pinaigting na hakbang ng lokal na pamahalaan upang masiguro ang mabilis na pagresponde sa anumang uri ng insidente at mapanatili ang kapayapaan at seguridad ng komunidad.