20/03/2026
📢 ANUNSYO SA BARANGAY 📢
Inaanyayahan ang lahat ng mamamayan ng Barangay Balangibang na makiisa sa ating Barangay Assembly Day (1st Semester - CY 2026).
🗓 Petsa: March 22, 2026
⏰ Oras: 1:00 PM
📍 Lugar: Barangay Balangibang Hall
Tema:
"Nagkakaisang Barangay Tungo sa Kalinisan, Kaayusan, Kapayapaan at Kaunlaran."
Mahalaga ang inyong presensya upang mapag-usapan ang mga programa, proyekto, at mga isyung kinakaharap ng ating barangay. Dito rin natin maipapahayag ang ating mga suhestyon at opinyon para sa mas maayos na komunidad.
👉 Sama-sama nating palakasin ang ating barangay!
Maraming salamat at inaasahan ang inyong pakikiisa! 🇵🇭