Kap. Edwin De Dios

Kap. Edwin De Dios Dedicated to service | Leading with integrity and heart
For better community

📚 2026 National Congress“Zero Illiteracy, One Barangay at a Time”📍 World Trade Center, Pasay City📅 July 16–18, 2026Nakii...
18/07/2026

📚 2026 National Congress
“Zero Illiteracy, One Barangay at a Time”
📍 World Trade Center, Pasay City
📅 July 16–18, 2026

Nakiisa ang ating mga kinatawan sa 2026 National Congress upang makiisa sa adbokasiyang isulong ang literacy at dekalidad na edukasyon sa bawat barangay.

Patuloy tayong magtutulungan upang makamit ang isang komunidad na may sapat na kaalaman at oportunidad para sa lahat.

📢 HULING ARAW NG GOVERNMENT SERVICES CARAVAN!Habol na po ang mga nais mag-avail ng mga serbisyo ng iba’t ibang ahensya n...
17/07/2026

📢 HULING ARAW NG GOVERNMENT SERVICES CARAVAN!

Habol na po ang mga nais mag-avail ng mga serbisyo ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan! Ngayon na ang huling pagkakataon upang makapagproseso ng inyong mga kailangan.

🪪 Magdala lamang ng valid ID at iba pang kinakailangang supporting documents upang maging mabilis at maayos ang inyong transaksyon.

📍 Activity Area, 2nd Floor, WalterMart Plaridel
🕘 Hanggang 4:00 PM lamang ngayong araw!

Government Services Caravan 2026

Para sa mga kabarangay na nais mag-apply ng SSS, Pag-IBIG Membership, at National ID, samantalahin ang pagkakataong ito!

Makipag-ugnayan at magtungo sa Activity Area, 2nd Floor, WalterMart Plaridel mula July 13–17, 2026, 9:00 AM–4:00 PM.

Dalhin ang mga kinakailangang dokumento at samantalahin ang serbisyong inilalapit sa atin ng pamahalaan. ✅

Mas malapit na serbisyo para sa bawat kabarangay! 🤝

Libreng Laboratory Test para sa ating mga Kabarangay! 🩺Patuloy nating inilalapit ang serbisyong pangkalusugan sa bawat r...
17/07/2026

Libreng Laboratory Test para sa ating mga Kabarangay! 🩺

Patuloy nating inilalapit ang serbisyong pangkalusugan sa bawat residente sa pamamagitan ng Libreng Laboratory Test, na naglalayong mabigyan ng maagang pagsusuri at tamang gabay para sa mas mabuting kalusugan.

Maraming salamat sa ating mga healthcare workers, volunteers, at sa lahat ng mga kabarangay na nakiisa at nakibahagi sa programang ito. Ang inyong pagtutulungan ay mahalagang hakbang tungo sa isang mas malusog at mas matatag na komunidad.

Patuloy nating isusulong ang mga programang pangkalusugan at iba pang serbisyong makatutulong sa bawat mamamayan ng ating Barangay 💚

Good Morning, Happy Friday po!
17/07/2026

Good Morning, Happy Friday po!

📢 PUBLIC HEARINGIsinagawa ang Public Hearing para sa mga panukalang ordinansa na naglalayong mapanatili ang kapayapaan, ...
15/07/2026

📢 PUBLIC HEARING

Isinagawa ang Public Hearing para sa mga panukalang ordinansa na naglalayong mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng ating komunidad.

Tinalakay ang regulasyon sa paggamit, pagbebenta, at pag-install ng mga maingay at hindi standard na muffler, gayundin ang pagbabawal sa ilegal na karera ng motorsiklo at street speed contests.

Sa pamamagitan ng sama-samang pakikilahok ng ating mga residente at mga kinauukulan, patuloy nating isinusulong ang isang mas disiplinado, ligtas, at maayos na barangay.

📢 PAANYAYA SA LAHAT! ❤️Ang Barangay Banga 1st, Plaridel, Bulacan ay nag-aanyaya sa lahat ng miyembro ng Hypertension and...
14/07/2026

📢 PAANYAYA SA LAHAT! ❤️

Ang Barangay Banga 1st, Plaridel, Bulacan ay nag-aanyaya sa lahat ng miyembro ng Hypertension and Diabetes Mellitus Club at sa mga nais magpatingin upang makiisa sa ating Quarterly Meeting.

🗓 Petsa: July 17, 2026 (Biyernes)
🕗 Oras: 8:00 AM – 12:00 NN
📍 Lugar: Cabiawan Covered Court

🩺 LIBRENG Laboratory Tests:
✅ Fasting Blood Sugar (FBS)
✅ Uric Acid
✅ Cholesterol

Ang maagang pag-aalaga sa ating kalusugan ay susi sa mas mahaba at mas masayang buhay. Huwag palampasin ang pagkakataong makapagpa-check up at matuto ng mga paraan upang mapanatiling kontrolado ang hypertension at diabetes.

❤️ Bantayan ang Kalusugan, Iwas Sakit para sa Masaganang Bukas!

Government Services Caravan 2026 Para sa mga kabarangay na nais mag-apply ng SSS, Pag-IBIG Membership, at National ID, s...
13/07/2026

Government Services Caravan 2026

Para sa mga kabarangay na nais mag-apply ng SSS, Pag-IBIG Membership, at National ID, samantalahin ang pagkakataong ito!

Makipag-ugnayan at magtungo sa Activity Area, 2nd Floor, WalterMart Plaridel mula July 13–17, 2026, 9:00 AM–4:00 PM.

Dalhin ang mga kinakailangang dokumento at samantalahin ang serbisyong inilalapit sa atin ng pamahalaan. ✅

Mas malapit na serbisyo para sa bawat kabarangay! 🤝

Pagpupulong ng mga Punong Barangay kasama si Mayor Jocell Vistan, MSWD, DILG, at PNPIsang mahalagang pagpupulong ang isi...
13/07/2026

Pagpupulong ng mga Punong Barangay kasama si Mayor Jocell Vistan, MSWD, DILG, at PNP

Isang mahalagang pagpupulong ang isinagawa kasama ang mga Punong Barangay, katuwang ang Pamahalaang Bayan, MSWD, DILG, at PNP upang talakayin ang mga mahahalagang usapin, programa, at patuloy na pagtutulungan para sa mas maayos at ligtas na komunidad.

Patuloy ang pagkakaisa at koordinasyon para sa kapakanan ng bawat mamamayan. 🇵🇭

🌧️ Monday Update | Tag-ulan ☔Magandang araw po, mga kabarangay! Patuloy nating bantayan ang lagay ng panahon ngayong tag...
13/07/2026

🌧️ Monday Update | Tag-ulan ☔
Magandang araw po, mga kabarangay! Patuloy nating bantayan ang lagay ng panahon ngayong tag-ulan. Mag-ingat po tayong lahat, lalo na sa pagbiyahe at sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng malakas na pag-ulan.

Manatiling alerto at laging handa. Ingat po tayong lahat! 🙏🌧️

Address

Banga 1st
Plaridel
3004

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kap. Edwin De Dios posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share