16/10/2026
CYBERSECURITY AWARENESS MONTH | LABANAN ANG ONLINE GROOMING
Protektahan ang mga Bata Laban sa mga Online Predator
Ang online grooming ay proseso kung saan unti-unting kinukuha ng isang tao ang tiwala ng isang bata sa pamamagitan ng internet upang manipulahin, abusuhin, o pagsamantalahan siya. Maaaring magsimula ito sa simpleng chat, online games, social media interactions, pagbibigay ng regalo, o pagpapanggap bilang kaibigan.
Hindi lahat ng panganib ay nakikita sa screen. May mga taong gumagamit ng pekeng pagkakakilanlan upang makuha ang tiwala ng mga bata at hikayatin silang magtago ng lihim, magpadala ng pribadong larawan, o makipagkita nang palihim.
MGA SENYALES NG ONLINE GROOMING
• Sobrang pagbibigay ng atensyon, regalo, o load kapalit ng tiwala ng bata.
• Paulit-ulit na paghingi ng personal na impormasyon o pribadong larawan.
• Pag-uutos na ilihim ang kanilang pag-uusap sa mga magulang.
• Paglipat sa private chat o disappearing messages upang maitago ang komunikasyon.
• Pananakot, pagbabanta, o blackmail kapag tumanggi ang bata.
PAANO PROTEKTAHAN ANG MGA BATA?
1. Makipag-usap araw-araw. Lumikha ng ligtas na espasyo kung saan malayang makapagsasabi ang mga bata nang walang takot na mapagalitan.
2. Turuan silang kumilala ng panganib. Hindi lahat ng mabait online ay mapagkakatiwalaan.
3. Protektahan ang kanilang privacy. Gumamit ng mahigpit na privacy settings at huwag magbahagi ng address, lokasyon, password, o pribadong larawan.
4. Makialam nang responsable. Gabayan ang paggamit ng social media, online games, at messaging applications.
5. Kumilos agad. Kapag may senyales ng grooming, i-save ang available na ebidensiya kung ligtas gawin, i-report ang account, at humingi ng tulong sa awtoridad.
SAAN MAG-REPORT?
Philippine National Police – Anti-Cybercrime Group (PNP ACG)
Email: [email protected]
Website: https://acg.pnp.gov.ph
Facebook:
Landline: (02) 8723 0401 local 7491
Mobile Hotlines
SMART: 0968 867 4302
GLOBE: 0967 136 0322
DITO: 0992 989 3889
Emergency Hotline: 911
Kung may batang nasa agarang panganib, humingi agad ng emergency assistance. Huwag sisihin ang bata, huwag ikalat ang sensitibong materyal, at makipagtulungan sa mga awtoridad.
LEGAL BASIS
Republic Act No. 11930 – Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children and Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials Act.
“Protecting children from online grooming requires vigilance, responsible parenting, and collective action. Let us empower our children to speak up, report suspicious behavior, and stay safe in the digital world.”
PMGEN ANDRE P DIZON
Acting Director, PNP Anti-Cybercrime Group
BAGONG PNP PARA SA BAGONG PILIPINAS
Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.
STOP ONLINE GROOMING. PROTECT OUR CHILDREN. REPORT ABUSE.